Kamalayan sa Panloloko sa Miyembro
Ang SFHP ay mayroong Programang Kamalayan sa Panloloko sa Pangangalagang Pangkalusugan na tumutukoy, pumipigil, at nakikipaglaban sa Panloloko, Pagsasayang, at Pang-aabuso.
Mapipigilan Mo ang Panloloko, Pagsasayang, at Pang-aabuso
Nagkakahalaga ng bilyon-bilyong dolyar bawat taon ang panloloko, pagsasayang, at pang-aabuso sa pangangalagang pangkalusugan. Makakatulong ka sa pagpigil sa panloloko sa pamamagitan ng pagsasabi sa amin ng tungkol dito.
Ano ang Panloloko sa Pangangalagang Pangkalusugan?
Maaaring kasama sa panloloko sa pangangalagang pangkalusugan ang sadyang paggawa ng mga maling pahayag, maling representasyon, o nakaplanong hindi pagsasama upang makakuha ng bayad, mga serbisyo, o pera para sa mga serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan kung saan hindi pinapayagan ang isang tao.
Mga Halimbawa ng Panloloko sa Miyembro:
- Pagbibigay ng impormasyon na hindi totoo kapag nagsa-sign up para sa mga programa o serbisyo.
- Pagkuha ng mga reseta na may layuning abusuhin o ibenta ang mga ito.
- Pagpapagamit sa ibang tao ng iyong card ID sa pangangalagang pangkalusugan.
Mga Halimbawa ng Panloloko sa Provider:
- Nagbibigay ang mga provider ng mga serbisyong hindi kailangan upang makasingil para sa mga ito.
- Naniningil ang isang provider ng pangangalagang pangkalusugan para sa mga serbisyong hindi mo kailanman natanggap.
- Naniningil ang mga provider para sa mga mas mahal na serbisyo kaysa sa totoong ibinigay nila.
Mga Halimbawa ng Panloloko sa Parmasya:
- Nagbibigay ng mga gamot ang Parmasya nang hindi tumatawag ang mga miyembro para sa mga refill.
- Nag-aalok ang isang kumpanya ng plano sa gamot ng Medi-Cal na hindi naaprubahan ng Medi-Cal.
- Sinisingil ng Parmasya ang Medi-Cal para sa kagamitang medikal sa bahay pagkatapos itong maibalik.
Kung may pinaghihinalaan kang panloloko, pagsasayang, o pang-aabuso sa pangangalagang pangkalusugan, iulat ito.
San Francisco Health Plan Hotline: 1(800) 461-9330
California Department of Health Care Services (DHCS)
Telepono: 1(800) 822-6222
Email: stopmedicalfraud@dhcs.ca.gov