Mga Tool at Tip sa Edukasyong Pang-kalusugan
Pakikipag-ugnayan sa iyong mga provider
Ask Me 3™ ay isang programa ng edukasyon sa pasyente na idinisenyo upang magsulong ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga provider ng pangangalagang pangkalusugan at pasyente para mapabuti ang mga kalalabasan ng kalusugan. Hinihikayat ng programa ang mga pasyente na maunawaan ang mga sagot sa tatlong katanungan:
- Ano ang pangunahing problema ko?
- Ano ang kailangan kong gawin?
- Bakit mahalaga para sa akin na gawin ito?
May magagandang resource ang Programa ng Epektibong Pangangalagang Pangkalusugan sa Agency for Healthcare Research and Quality (AHRQ) tungkol sa maraming paksa na nauugnay sa mga appointment sa pangangalagang pangkalusugan at paggawa ng mga desisyon sa paggamot! Nasa ibaba ang mga resource:
- Mga tip upang matulungan kang makipag-usap sa iyong provider at gumawa ng mga desisyon sa paggamot
- Gamitin ang Question Builder na ito upang matukoy kung aling mga tanong ang itatanong sa iyong provider sa susunod mong pagbisita
Abot-kayang masustansyang pagkain
Maaaring maging mahirap ang pagkain ng murang masustansyang pagkain, ngunit posible ito! I-click ang mga link na ito para sa pamimili ng masustansyang pagkain at mga ideya sa paghahanda ng pagkain:
Magandang pumunta sa mga pamilihan ng mga magbubukid upang maghanap ng mga prutas at gulay. Masuwerte tayo na maraming pamilihan ng mga magbubukid sa Bay Area. I-click ang mga link na ito para sa impormasyon tungkol sa mga pamilihan:
- Heart of the City
- CUESA
- Pacific Coast Farmers’ Market Association
- California Farmers’ Markets Association
- Free Farm Stand
Sariling Pamamahala. Magagawa mo ito!