Mga Benepisyo ng Medi-Cal para sa Kapanatagan ng Iyong Isip

Makipag-ugnayan sa amin ngayong araw para sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal »

Pangangalaga sa Kalusugan ng Isip

Nakikipagtulungan ang SFHP sa kumpanya na tinatawag na Beacon Health Options (“Beacon”) upang magbigay ng mga serbisyo sa banayad hanggang katamtamang kundisyon sa kalusugan ng isip. Ang ilang halimbawa ay:

  • Psychotherapy (indibidwal at panggrupong pagtatasa at paggamot sa kalusugan ng isip). Kasama sa mga serbisyong ito ang pagpapayo mula sa isang therapist. Kung minsan, makukuha ang mga serbisyong ito sa iyong klinika ng pangunahing pangangalaga.
  • Psychological na pagsusuri kapag kinakailangan upang matasa ang isang isyu sa kalusugan ng isip.
  • Mga pang-outpatient na serbisyong kinabibilangan ng pagsusuri sa laboratoryo, mga gamot, at mga supply.
  • Pagatatasa sa psychiatry para sa mga gamot.

Paggamot sa Kalusugan ng Pag-uugali para sa Mga Miyembro ng Medi-Calna Wala pang 21 Taong Gulang

Ang mga miyembro ng San Francisco Health Plan (SFHP) na wala pang 21 taong gulang ay may access sa mga serbisyo ng Behavioral Health Treatment (BHT). Kasama sa BHT ang Applied Behavior Analysis (ABA) at iba pang serbisyo na nasuri at napatunayang gumagana.

Ang ABA ay isang therapy na makakatulong sa mga batang may autism at iba pang isyu sa pag-uugali. Matutulungan ng ABA ang mga bata sa pakikipag-ugnayan, mga kasanayan sa pakikisalamuha, pagkakatanda, at atensyon. Nakikipagtulungan ang mga provider ng ABA sa mga pamilya upang matulungan ang kanilang mga anak. Dapat sumulat ng referral ang doktor para sa BHT o ABA na pangangalaga.

Maaaring maging kwalipikado ang isang miyembro para sa Behavioral Health Treatment (BHT) kung natutugunan niya ang mga pamantayan sa ibaba:

  • Walang 21 taong gulang.
  • May diagnosis ng Autism Spectrum Disorder o iba pang isyu sa pag-uugali.
  • May mga pag-uugali na nagpapahirap sa buhay sa bahay o lipunan. Ang ilang halimbawa ay galit, karahasan, pananakit sa sarili, paglalayas, at mga problema sa paglalaro o pakikipag-ugnayan.

May mga pag-uugali na nagpapahirap sa buhay sa bahay o lipunan. Ang ilang halimbawa ay galit, karahasan, pananakit sa sarili, paglalayas, at mga problema sa paglalaro o pakikipag-ugnayan.
Hindi mo kailangan ng referral upang makakuha ng Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip. Maaari kang tumawag sa Beacon Health Options upang matuto pa o magpa-appointment sa 1(855) 371-8117 or beaconhealthoptions.com.


Magpatala para sa Buong Taon sa Medi-Cal

Magsimula.

Tumawag sa Serbisyo sa Customer sa

1(415) 777-9992

Lunes–Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm

Matutulungan ka ng aming Service Center na sagutan at isumite ang iyong aplikasyon sa Medi‑Cal.

Ang Human Services Agency ang nagpapasya kung sino ang kwalipikado para sa Medi‑Cal Program.