Ang Mga Pagbabago sa Bagong ID Card ay magsisimula sa Hulyo 1, 2021

SIMULAN ANG PAGGAMIT NG IYONG BAGONG CARD AT SIRAIN ANG IYONG LUMANG CARD
Upang mas mapaglingkuran ang aming mga miyembro, gumawa kami ng mahahalagang pagbabago sa iyong ID Card. Hindi nagbago ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga. May ginawang mga pagbabago sa likod ng iyong card upang isama ang bagong impormasyon ng parmasya. Mahalagang gamitin mo itong bagong impormasyon ng parmasya sa susunod na magpapapuno ka ng reseta. Dapat natanggap mo na ang iyong bagong ID Card sa koreo.

Makakatulong din ang departamento ng Serbisyo sa Customer ng SFHP kung mayroon kang anumang tanong o kung hindi mo pa natatanggap ang iyong bagong ID Card, tawagan ang Serbisyo sa Customer sa 1(800) 288-5555.