Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo

Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-uugali at Isip

Pangangalaga sa Kalusugan ng Isip

Kailangan mo ba ng kausap?
Nakikipagtulungan ang SFHP sa isang kumpanyang tinatawag na Carelon Behavioral Health (“Carelon”) upang magbigay ng mga pang-outpatient na banayad hanggang katamtaman na serbisyo sa kalusugan ng isip, gaya ng:

  • Indibidwal at panggrupong pagtatasa at paggamot sa kalusugan ng isip (psychotherapy). Kasama sa mga serbisyong ito ang pagpapayo mula sa isang therapist. Kung minsan, available ang mga serbisyong ito sa iyong klinika ng pangunahing pangangalaga.
  • Psychological na pagsusuri kapag kinakailangan upang matasa ang isang isyu sa kalusugan ng isip
  • Mga pang-outpatient na serbisyong kinabibilangan ng pagsusuri sa laboratoryo, mga gamot, at mga supply
  • Pagatatasa sa psychiatry para sa mga gamot

Hindi mo kailangan ng referral upang makakuha ng Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Isip. Maaari kang tumawag sa Carelon Behavioral Health upang matuto pa o magpa-appointment sa 1(855) 371-8117 o carelonbehavioralhealth.com.

Paghahanap ng Provider sa Carelon
Paggamot para sa Mga Problema sa Pag-inom ng Alak at Paggamit ng Substance

Maaari kang i-screen ng iyong provider ng pangunahing pangangalaga para sa pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot at maaari ka niyang bigyan ng maikling pagpapayo upang matulungan ka kung may problema ka. Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga ay ang doktor, nurse practitioner, o assistant ng doktor na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Maaari ka ring i-refer ng iyong provider sa San Francisco County Community Behavioral Health Services (CBHS) para sa higit pang serbisyo sa paggamot sa pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Hindi mo kailangan ng referral mula sa iyong provider.
Kung sa palagay mo ay kailangan mo ng tulong sa pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot, maaari kang makipag-ugnayan sa Linya para sa Tulong sa Pag-access ng CBHS nang 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo sa 1(415) 255-3737 o 1(888) 246-3333 nang toll free. Kung mayroon kang problema sa pandinig, maaari kang tumawag sa linya ng CBHS’ TDD sa 1(888) 484-7200.

Paggamot sa Kalusugan ng Pag-uugali para sa Mga Miyembro ng Medi-Cal na Wala pang 21 Taong Gulang

Ang mga miyembro ng San Francisco Health Plan (SFHP) na wala pang 21 taong gulang ay may access sa mga serbisyo sa Paggamot sa Kalusugan ng Pag-uugali (BHT) . Kasama sa BHT ang Applied Behavior Analysis (ABA) at iba pang serbisyo na nasuri at napatunayang gumagana.

Ang ABA ay isang therapy na makakatulong sa mga batang may autism at iba pang isyu sa pag-uugali. Matutulungan ng ABA ang mga bata sa pakikipag-ugnayan, mga kasanayan sa pakikisalamuha, pagkakatanda, at atensyon. Nakikipagtulungan ang mga provider ng ABA sa mga pamilya upang matulungan ang kanilang mga anak. Ang isang doktor ay dapat magsulat ng referral para sa BHT o ABA na pangangalaga.

Maaaring kwalipikado ang isang miyembro para sa Paggamot sa Kalusugan ng Pag-uugali (BHT) kung natutugunan niya ang mga pamantayan sa ibaba:

  • Wala pang 21 taong gulang
  • May diagnosis ng Autism Spectrum Disorder o iba pang isyu sa pag-uugali
  • May mga pag-uugali na nagpapahirap sa buhay sa bahay o lipunan. Ang ilang halimbawa ay galit, karahasan, pananakit sa sarili, paglalayas, at mga problema sa paglalaro o pakikipag-ugnayan.

Makipag-usap sa doktor ng iyong anak tungkol sa ABA therapy para sa autism at iba pang isyu sa pag-uugali. Maaari ka ring tumawag sa Carelon Behavioral Health sa 1(855) 371-8117 upang matuto pa.

Mga Video para sa Miyembro ng Medi-Cal

Humingi ng Tulong sa Pag-unawa sa Iyong Mga Benepisyo at Serbisyo ng Miyembro Manood ng Mga Video »

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.