Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo

Mga Serbisyo ng Doula

Simula sa Enero 1, 2023, ang mga serbisyo ng doula ay magiging sinasaklaw na benepisyo ng Medi-Cal. Maaari ka na ngayong kumuha ng suporta mula sa isang doula (nagpapaanak) nang walang bayad. Ang mga serbisyo ng doula ay para sa mga prenatal (bago ang panganganak) at postpartum (pagkatapos ng pagbubuntis) na pagpapatingin. Maaari kang magkaroon ng doula sa mga pagpapatingin sa labor at panganganak, pagkakakunan, o pagpapalaglag. Maaari kang magkaroon ng doula sa anumang lugar tulad ng:

  • Bahay mo
  • Pagpapatingin sa isang tanggapan
  • Isang ospital
  • Sentrong paanakan

Matutulungan ka ng mga doula na:

  • Pag-usapan ang iyong pangangalagang pangkalusugan kasama ang iyong mga provider
  • Makakuha ng edukasyong pangkalusugan
  • Makakuha ng pisikal, emosyonal, at iba pang suportang hindi medikal

Para humiling ng mga serbisyo ng doula, maaari kang makipag-ugnayan sa iyong:

  • Doktor
  • Kumadrona
  • Nurse Practicioner (NP)
  • Assistant ng Doktor (PA)
  • Rehistradong Nars (RN)
  • Rehistradong Pharmacist
  • Lisensyadong Clinical Psychologist (LCP)
  • Lisensyadong Clinical Social Worker (LCSW)
  • Lisensyadong Propesyonal na Tagapagpayo sa Klinika (Licensed Professional Clinical Counselor o LPCC), o
  • Lisensyadong Therapist sa Buhay May-asawa at Pamilya (Licensed Marriage and Family Therapist o LMFT)

Mga Serbisyo ng Doula

Tinutukoy ng Department of Healthcare Services (DHCS) ng California ang mga doula bilang mga nagpapaaanak. Sinusuportahan ng mga doula ang mga tao bago ang, sa panahon ng, at pagkatapos ng pagbubuntis. Hindi lisensyado ang mga doula, at hindi sila nangangailangan ng pangangasiwa. Matutulungan ka nilang:

  • Pag-usapan ang iyong pangangalagang pangkalusugan kasama ang iyong mga provider
  • Makakuha ng edukasyong pangkalusugan
  • Makakuha ng pisikal, emosyonal, at iba pang suportang hindi medikal
  • Makakuha ng suporta sa panahon ng pagkakakunan, panganganak ng patay na sanggol, at pagpapalaglag

  • Unang checkup (1 pagpapatingin)
  • Hanggang 8 pang pagpapatingin bago, sa panahon ng, o pagkatapos ng pagbubuntis
  • Suporta sa panahon ng labor at panganganak, panganganak ng patay na sanggol, pagpapalaglag, o pagkakakunan
  • Hanggang 2 hanay ng 3 oras na pagpapatingin pagkatapos ng isang pagbubuntis

Makakakuha ka lang ng mga serbisyo ng doula sa panahon ng:

  • Pagbubuntis
  • Labor at panganganak, kabilang ang panganganak ng patay na sanggol
  • Pagkakakunan
  • Pagpapalaglag
  • Sa loob ng 1 taon pagkatapos ng iyong pagbubuntis

Maaari kang makipag-usap sa isang doula online (sa pamamagitan ng telehealth) o nang personal sa anumang lugar tulad ng:

  • Bahay mo
  • Mga pagpapatingin sa tanggapan
  • Sa isang oospital
  • Sa mga sentrong paanakan

Oo. Maaaring magturo ang mga doula ng mga klase sa mga miyembro nang walang bayad.

  • Pagbebenda ng tiyan (tradisyonal/seremonyal)
  • Mga seremonya ng panganganak (hal.,. pagselyo, pagsasara ng mga buto, atbp.)
  • Pag-diagnose ng medikal na kondisyon
  • Mga panggrupong klase sa pagbubuhat ng iyong sanggol
  • Pagmamasahe
  • Mga larawan
  • Pagbibigay ng medikal na payo
  • Paggawa ng mga pill mula sa placenta
  • Pamimili
  • Mga pagpapa-steam ng vagina
  • Yoga
  • O anumang uri ng pagtatasa, eksaminasyon, o pamamaraan sa kalusugan

Hindi makakapagbigay ang mga doula ng higit pang serbisyo na nasasaklawan na ng Medi-Cal. Maaari kang mabigyan ng iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga* ( Primary Care Provider o PCP), kumadrona, obstetrician (doktor sa pagbubuntis) ng higit pang serbisyo. O maaari ka nilang i-refer sa isang provider na makakapagbigay sa iyo ng higit pang serbisyo. Maaaring kabilang dito ang, pero hindi limitado sa:

*Ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) ay ang iyong doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Access sa Doula

Makikipagtulungan ang SFHP sa iyo at sa aming mga doktor at kumadrona para matiyak na walang paghihigpit sa pagtanggap mo ng suportang kailangan mo mula sa iyong doula sa ospital o tanggapan ng doktor.

Hindi, dapat kang makipagtulungan sa isang doula na ka-partner ng San Francisco Health Plan. Maaari mong hanapin ang aming online Direktoryo ng Provider sa sfhp.org para tingnan ang aming mga doula.

Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(800) 288-5555 o 1(415) 547-7800, TTY 1(888) 883-7347.

Gastusin at Mga Serbisyo ng Interpreter

Hindi, ibinibigay ang lahat ng serbisyo nang walang bayad sa mga miyembro ng Medi-Cal.

Oo. Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong doula para magsaayos ng interpreter sa iyong mga appointment. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa Serbisyo ng Customer Services sa 1(415) 547-7800 (tuwing weekday mula 8:30am- 5:30pm), TTY 1(888) 883-7347 kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng doula.

Pagiging Kwalipikado ng Miyembro

Maaaring makakuha ng doula ang mga miyembro ng Medi-Cal na may insurance ng SFHP na buntis ngayon o buntis sa nakalipas na taon.

Oo, para makakuha ng doula sa SFHP, kailangan mo munang magkaroon ng nakasulat na rekomendasyon. Maaari mo itong makuha mula sa isang doktor, kumadrona, Nurse Practitioner (NP), Assistant ng Doktor (PA), Rehistradong Nurse (RN), Rehistradong Pharmacist, Lisensyadong Clinical Psychologist (LCP), Lisensyadong Clinical Social Worker (LCSW), Lisensyadong Propesyonal na Tagapagpayo sa Klinika (LPCC), o Lisensyadong Therapist sa Buhay May-asawa at Pamilya (LMFT). Ang nagrerekomendang provider ay hindi kailangang nakatala sa Medi-Cal o maging Provider sa Network sa SFHP.

Maaari kang makakuha ng rekomendasyon para sa mga serbisyo ng doula kung ikaw ay buntis o nabuntis sa nakalipas na taon. Makipag-usap sa iyong PCP kung gusto mong makakuha ng mga serbisyo ng doula.

Kabilang sa unang rekomendasyon para sa mga serbisyo ng doula ang:

  • Unang checkup (1 pagpapatingin)
  • Hanggang 8 pang pagpapatingin bago, sa panahon ng, o pagkatapos ng pagbubuntis
  • Suporta sa panahon ng labor at panganganak, panganganak ng patay na sanggol, pagpapalaglag, o pagkakakunan
  • Hanggang 2 hanay ng 3 oras na pagpapatingin pagkatapos ng isang pagbubuntis

Makipag-ugnayan sa sinuman sa mga lisensyadong provider sa ibaba para humingi ng rekomendasyon para sa mga serbisyo ng doula:

  • Doktor
  • Nurse Practicioner (NP)
  • Assistant ng Doktor (PA)
  • Rehistradong Nars (RN)
  • Rehistradong Pharmacist, Lisensyadong Clinical Psychologist (LCP)
  • Lisensyadong Clinical Social Worker (LCSW)
  • Lisensyadong Propesyonal na Tagapagpayo sa Klinika (LPCC)
  • Lisensyadong Therapist sa Buhay May-asawa at Pamilya (LMFT)
  • Kumadrona (LM, CNM)

Oo. Kinakailangan ng pangalawang rekomendasyon para sa higit pang pagpapatingin pagkatapos ng pagbubuntis. Nagbibigay-daan ang pangalawang rekomendasyon ng hanggang 9 na karagdagang pagbisita pagkatapos ng pagbubuntis.

Maaari kang makakuha ng 1 pagpapatingin sa doula bawat araw. Maaari ka lang magkaroon ng 1 pagpapatingin sa doula sa bawat pagkakataon maliban kung ito ay habang nagle-labor at nanganganak. Sa araw ng labor at panganganak, maaari ding magbigay ng 1 prenatal na pagpapatingin o 1 postpartum na pagpapatingin. Ang pagpapatinging ito ay para sa panganganak ng patay na sanggol, pagpapalaglag, o pagkakakunan. Maaari ding ibigay ng ibang doula ang pagpapatinging ito.

Maaari ka lang magkaroon ng 1 doula sa bawat pagkakataon para sa bawat serbisyo. Pero maaari kang magkaroon ng mahigit 1 doula na magbibigay sa iyo ng suporta sa iba’t ibang yugto ng panganganak. Halimbawa, maaari kang magkaroon ng 1 doula na nagbibigay sa iyo ng suporta sa panahon ng iyong pagbubuntis at isa pang doula na nagbibigay ng suporta sa panahon ng labor at panganganak, o pagkatapos ng panganganak. Kailangang ka-partner ng SFHP ang doula.