Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo

Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga

Ang mga kwalipikadong miyembro ng Medi-Cal ay may bagong benepisyong tinatawag na Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga.

Ang Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga ay para sa mga miyembro na:

  • May malulubhang isyu sa kalusugan
  • May mga pangangailangang panlipunan
  • Nakapunta sa Emergency Room nang higit pa kaysa sa iba
  • Na-admit sa ospital nang higit pa kaysa sa iba

Makakatulong ang Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga sa mga bagay na nakakaapekto sa iyong kalusugan, gaya ng:

  • Kawalan ng masasakyan
  • Mga tanong tungkol sa iyong gamot
  • Pagkonekta sa pangangalagang pangkomunidad na makakatulong sa iyo at sa iyong sistema ng suporta
  • Tinitiyak din ng Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga na mayroong pinakabagong impormasyon tungkol sa iyo ang iyong mga provider. Kung gusto mong malaman kung makakakuha ka ng libreng Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga, mangyaring tumawag sa linya para sa Pagtanggap ng Pamamahala sa Pangangalaga ng SFHP sa 1(415) 615-4515.

    Mga Madalas Itanong (FAQs)

    Para sa Mga Miyembro na Interesado sa Mga Serbisyo sa Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga (ECM)

    Ang Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga (ECM) ay isang bagong benepisyo sa Medi-Cal na nag-aalok ng mga karagdagang serbisyo sa pamamahala sa pangangalaga nang walang bayad sa mga kwalipikadong miyembro na may mga kumplikadong pangangailangan at pagsubok na nagpapahirap sa pagpapabuti ng kanilang kalusugan.

    Kung kwalipikado ka, magbibigay ang ECM ng mga serbisyo sa koordinasyon, kabilang ang nakatalagang tagapamahala ng pangangalaga na makikipagtulungan sa iyo upang matulungan ka, ang mga miyembro ng iyong pamilya, legal na tagapag-alaga, awtorisadong kinatawan, tagapag-alaga, at iba pang awtorisadong sumusuportang tao, ayon sa naaangkop, na makuha ang pangangalagang kailangan mo. Ang iyong tagapamahala ng pangangalaga ay makikipagtulungan sa iyo na bumuo ng plano sa pangangalaga, makikipag-ugnayan sa iyong mga kasalukuyang povider, at mag-aalok ng karagdagang suporta, kabilang ang tulong sa mga bagay tulad ng:

    • Paghahanap ng mga doktor at pagtatakda ng mga appointment
    • Pagpapanatili sa lahat ng iyong doktor na updated tungkol sa iyong mga pangangailangan at kagustuhan sa kalusugan
    • Pag-unawa sa iyong mga gamot at pagkuha ng mga refill
    • Pagkonekta sa iyo sa mga serbisyong pangkomunidad at panlipunan na kailangan mo (tulad ng pagkain at suporta sa bahay)

    Upang maging kwalipikado para sa ECM, ikaw ay dapat (1) nakatala sa isang planong pangkalusugan ng Medi-Cal at (2) nakakatugon sa ilang partikular na kinakailangan sa pagiging kwalipikado.

    Iaalok ang ECM sa mga miyembro sa iba’t ibang oras simula sa Enero 1, 2022. Kung nalalapat sa iyo ang alinman sa ibaba, maaaring kwalipikado ka para sa ECM.

    • Kung ikaw ay nasa hustong gulang at kasalukuyang walang permanenteng bahay
    • Kung ikaw ay nasa hustong gulang at may mga malalang isyu sa kalusugan at kinailangan mong pumunta sa ospital o departamento ng emergency nang maraming beses sa nakalipas na anim na buwan
    • Kung ikaw ay nasa hustong gulang at may seryosong kundisyon sa kalusugan ng isip at may problema sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot o pag-inom ng alak

    Upang matuto pa tungkol sa ECM at Mga Suporta sa Komunidad at matukoy kung kwalipikado ka, maaari kang makipag-usap sa iyong doktor o planong pangkalusugan ng Medi-Cal.

    Ang iyong doktor o planong pangkalusugan ng Medi-Cal ay maaari ring direktang makipag-ugnayan sa iyo kung matukoy niya o nito na maaaring kwalipikado ka.

    Ang mga serbisyo ng Medi-Cal na nakukuha mo ngayon ay hindi magbabago o aalisin at maaari ka pa ring magpatingin sa mga parehong doktor.

    Kung kwalipikado ka para sa ECM, ikaw ang bahala sa pagtanggap ng mga serbisyong iyon.

    Dapay ay nakatala ka sa isang planong pangkalusugan ng Medi-Cal upang ma-access ang mga serbisyo sa ECM . Kung kailangan mo ng tulong sa pagpapatala sa isang planong pangkalusugan ng Medi-Cal, maaari kang tumawag sa Health Care Options sa 1(800) 430-4263 (TTY 1-800-430-7077) o sa pamamagitan ng pagpunta sa www.healthcareoptions.dhcs.ca.gov.

    Ang ECM ay ibinibigay nang walang bayad bilang bahagi ng iyong mga benepisyo sa Medi-Cal.

    Kung magpapatala ka sa ECM, maaari kang patuloy na magpatingin sa mga parehong doktor. Nag-aalok ang ECM ng karagdagang suporta at koordinasyon sa iyong mga kasalukuyang doktor at provider ng serbisyo.

    Magiging available ang ECM para sa ilang partikular na populasyon simula sa Enero 1, 2022. Magiging kwalipikado ang mga karagdagang populasyon sa paglipas ng panahon. Upang matukoy kung kwalipikado ka, maaari kang makipag-usap sa iyong doktor o planong pangkalusugan ng Medi-Cal . Upang mahanap ang numero ng telepono para sa iyong planong pangkalusugan ng Medi-Cal, tingnan ang iyong Medi-Cal ID Card o pumunta sa bit.ly/plandirectory at mag-click sa iyong county.

    Ang iyong doktor o planong pangkalusugan ng Medi-Cal ay maaari ring direktang makipag-ugnayan sa iyo kung matukoy niya o nito na maaaring kwalipikado ka.

    Upang matuto pa tungkol sa ECM, maaari kang makipag-usap sa iyong doktor o planong pangkalusugan ng Medi-Cal. Maaari kang tumawag sa SFHP sa 1(800) 288-5555 o TTY 1(888) 883-7347.