Nangangasiwang Lupon
Ang aming Nangangasiwang Lupon ay binubuo ng mga doktor, miyembro, at kinatawan mula sa mga ospitakl at klinika, na karamihan ay itinalaga ng Lupon ng Mga Superbisor ng SF. Ang Nangangasiwang Lupon ang nagpapasya sa mga pangunahing patakaran at nangangasiwa sa pamamahala ng San Francisco Health Plan.
Nagpupulong ang Nangangasiwang Lupon ng San Francisco Health Plan mula 12:00pm hanggang 2:00pm sa unang Miyerkules ng Enero, Marso, Mayo, Setyembre, at Nobyembre, na may espesyal na pagpupulong sa huling bahagi ng Hunyo upang aprubahan ang badyet. Isinasagawa ang mga pulong sa aming mga pang-administratibong tanggapan sa:
San Francisco Health Plan
50 Beale Street, 12th Floor
P.O. Box 194247
San Francisco, CA 94119
Available para masuri ang agenda at mga naka-print na materyal tungkol sa pulong sa parehong lugar bukod pa sa nasa website ng San Francisco Health Plan.
Mga Miyembro ng Nangangasiwang Lupon:
- Eddie Chan, PharmD, President & CEO, NEMS
- Emily Webb, MPH, Bay Area Director, Community Health Programs, Sutter Health (Secretary-Treasurer on the Board)
- Greg Wagner, Chief Operations Officer, DPH
- Irene Conway, MAC Co-Chair
- Jian Zhang, DNP, MS, FNP-BC, CEO, Chinese Hospital
- Maria Luz Torre, MAC Co-Chair
- Roland Pickens, Interim CEO/Director, DPH (Vice-Chair on the Board)
- Steve Fields, Executive Director, Progress Foundation
- Steven Fugaro, MD, MD2 (Board Chair)
- Joseph Woo, MD, Chinese Community Health Care Association
- Deneen Hadley, Chief Contracting Officer, UCSF Health & VP, Health Plan Strategy
- Johanna Liu, MBA, President & CEO, SFCCC
Mga Pulong ng Nangangasiwang Lupon
Komite sa Pananalapi
Ang Komite sa Pananalapi ng San Francisco Health Plan ay binubuo ng limang miyembro ng Nangangasiwang Lupon ng San Francisco Health Plan. Nagbibigay ng direksyon ang Komite sa Pananalapi sa Chief Executive Officer at Chief Financial Officer sa malawak na magkakaibang isyu sa pananalapi at badyet. Sinusubaybayan ng Komite sa Pananalapi ang mga pinansyal na pagpapatakbo ng planong pangkalusugan, kita sa pamumuhunan, mga antas ng reserba, taunang pag-audit sa pananalapi at pangkalahatang pinansyal na kahusayan. May tungkulin itong suriin at aprubahan ang taunang badyet ng planong pangkalusugan na irerekomenda sa buong Nangangasiwang Lupon. Karaniwan nagpupulong ang Komite sa Pananalapi isang oras bago ang pulong ng buong Nangangasiwang Lupon.
Mga Miyembro ng Komite sa Pananalapi:
- Eddie Chan, PharmD, President & CEO of North East Medical Services
- Greg Wagner, CFO, San Francisco Department of Public Health
- Steven Fugaro, MD, Medical Society Chair
- Emily Webb, MPH – Director of Community Health Programs, California Pacific Medical Center
Mga Pulong ng Komite sa Pananalapi
Agenda | Mga Minute |
---|