Nirebisa: Marso 11, 2019
Ang sumusunod ay mga tuntunin at kundisyon ng legal na kasunduan sa pagitan mo at ng San Francisco Health Plan (“Mga Tuntunin at Kundisyon”), na nauugnay sa paggamit ng website ng San Francisco Health Plan sa sfhp.org (“Website”). Para sa mga layunin ng Mga Tuntunin at Kundisyon, ang mga salitang “kami,” “amin,” at “namin” ay tumutukoy sa San Francisco Health Plan at mga affiliate nito.
SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG WEBSITE, ISINASAAD MO NA NABASA, NAUNAWAAN, AT SINASANG-AYUNAN MO NA MAPASAILALIM SA MGA TUNTUNIN AT KUNDISYON.
1. Pagkapribado
Ang lahat ng impormasyong nakalap mula sa iyo kaugnay ng paggamit mo ng Website ay napapasailalim sa mga probisyon ng Patakaran sa Pagkapribado, na isinama sa Mga Tuntunin at Kundisyon sa pamamagitan ng pagbanggit na ito. Mag-click dito upang basahin ang Patakaran sa Pagkapribado na naaangkop sa Mga Tuntunin ng Kundisyon.
2. Mga Pangkalahatang Ipinagbabawal
Sumasang-ayon kang hindi gagawin ang alinman sa mga sumusunod habang ginagamit ang Website o content na naka-post sa Website:
(a) Magpadala ng anumang labag sa batas, nagbabanta, nanliligalig, nanghahamak, mapanirang-puri, malaswa, pornograpiko o bastos na materyal o anumang materyal na maaaring binubuo o nanghihikayat ng pagkilos na maituturing na kriminal na pagkakasala o magbunsod ng pananagutang sibil, o kung hindi naman ay lumalabag sa anumang batas;
(b) Magpadala ng mga hindi hininging email, junk mail, “spam,” promosyon at patalastas para sa mga produkto o serbisyo, o mga chain letter;
(c) Tangkaing i-disable o kung hindi naman ay gambalain ang wastong paggana ng Website o ng aming mga system ng computer;
(d) Mag-upload ng mga file na naglalaman ng mga virus, Trojan horse, worm, time bomb, cancelbot, corrupted file, o anupamang kaparehong software o program na maaaring sumira sa paggana ng Website o sa aming mga system ng computer;
(e) Gumawa ng anumang pagkilos na nagdudulot, o maaaring magdulot sa sarili naming pagpapasya ng hindi makatuwiran o sobrang bigat na load sa aming mga system ng computer;
(f) Gumawa ng anumang kilos na lumalaktaw sa anumang paraan na maaaring ginagamit namin upang pigilan o paghigpitan ang access sa Website;
(g) Magpanggap o magsabi ng hindi tama tungkol sa iyong kaugnayan sa sinumang tao o entidad; o
(h) Gamitin ang Website para sa anumang layunin na lumalabag sa mga lokal, pang-estado, pambansa, o internasyonal na batas.
3. Walang Medikal o Legal na Payo
Ang impormasyon sa Website na ito ay ibinibigay para lang sa pangkalahatang pagbibigay ng impormasyon.
Walang anumang nilalaman, ipinahahayag, o ipinahihiwatig sa Website ang nilalayong maging, o dapat bigyang-kahulugan bilang, medikal na payo. Ang mga indibidwal na tanong tungkol sa mga medikal na isyu ay dapat idirekta sa mga kaukulang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. Hindi mo dapat balewalain ang medikal na payo, o ipagpaliban ang paghingi ng medikal na payo, dahil lang sa isang bagay na nabasa mo sa Website.
Walang anumang nilalaman, ipinahahayag, o ipinahihiwatig sa Website ang nilalayong maging, o dapat bigyang-kahulugan bilang, legal na payo, patnubay, o interpretasyon. Ang paggamit mo sa Website na ito ay hindi nagtatakda ng anumang ugnayan ng abogado at kliyente sa pagitan mo at ng San Francisco Health Plan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa anumang batas, alituntunin, regulasyon, o kinakailangang hayagan o malinaw na binabanggit sa Website, dapat kang makipag-ugnayan sa iyong sariling abogado.
4. Pag-aaring Intelektuwal
Ang “San Francisco Health Plan,” at “SFHP” ay mga trademark at marka ng serbisyo na pagmamay-ari ng San Francisco Health Plan. Ang Website at anumang content na nasa Website ay pag-aari at naka-copyright o nilisensiyahan sa San Francisco Health Plan o sa iba pa kung saan nakareserba ang lahat ng karapatan maliban na lang kung iba ang nakasaad. Hindi ka magkakaroon ng karapatan sa pag-aari, o anupamang interes sa pagmamay-ari sa content nang dahil sa pag-download ng alinman sa mga iyon mula sa Website. Binibigyan ka ng San Francisco Health Plan ng hindi eksklusibo, limitado, maaaring bawiin, at hindi maaaring italagang lisensya upang bumisita, tumingin, at magtabi ng kopya ng mga page ng Website para lang sa iyong personal at hindi pangkomersyong paggamit. Maliban na lang kung iba ang nakasaad, hindi ka maaaring magbago, kumopya, magsalin sa ibang wika, maglathala, mag-broadcast, magpadala, mamahagi, magtanghal, magpakita, magbenta, maghango ng mga gawa sa, maglisensya o mag-sublicense, magtalaga, o kung hindi naman ay maglipat ng lisensya o ng alinman sa content sa Website. Maliban na lang kung partikular na pinahintulutan sa kasulatan ng San Francisco Health Plan, ipinagbabawal ang anumang pangkomersyong paggamit ng Website o mga materyal sa Website.
5. Feedback
Bukas kami sa iyong feedback at mga suhestyon tungkol sa kung paano mapapahusay ang aming mga produkto at serbisyo at Website. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng anumang suhestyon, impormasyon, ideya, materyal, o iba pang content (sama-samang tinatawag na “Feedback”) sa amin, awtomatiko mong ipinagkakaloob sa San Francisco Health Plan, sa kanyang mga affiliate, at kapalit at itinalaga, ang royalty-free, panghabang-buhay, hindi maaaring bawiin, hindi eksklusibong karapatan at lisensya upang gamitin, gawan ng kopya, baguhin, pagtibayin, ilathala, isaling-wika, paghanguan ng gawa, ipamahagi, muling ipamahagi, ipadala, itanghal at ipakita ang naturang Feedback nang buo o ang bahagi lamang nito sa buong daigdig at/o upang isama ito sa iba pang gawa sa anumang anyo, media, o teknolohiyang kilala na ngayon o gagawin pa lang sa hinaharap para sa kumpletong tuntunin ng anumang karapatan na maaaring umiiral sa naturang Feedback. Malaya kaming gamitin ang anumang ideya, konsepto, kaalaman, pamamaraan, at suhestyon na nilalaman ng anumang mensaheng ipapadala mo sa Website para sa anumang layunin, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa paggawa at pagbebenta ng mga produkto at/o serbisyo gamit ang naturang impormasyon.
6. Impormasyon ng SFHP – Mag-opt In/ Mag-opt Out
Kung isusumite mo ang iyong email address upang makatanggap ng mga komunikasyon mula sa website at/o impormasyon mula sa amin o sa mga third party na nauugnay sa mga produkto, serbisyo, o mga materyal/impormasyon sa kalusugan o edukasyon ng SFHP , magkakaroon ka ng pagkakataong magbigay ng pahintulot sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kahon sa screen para “mag-opt in.” Mangyaring tiyakin na lalagyan ng tsek ang kahon para makatanggap ng impormasyong ito. Kung ayaw mo nang makatanggap ng mga komunikasyon sa hinaharap, maaari kang humiling sa anumang oras na itigil na ang pagpapadala ng mga email sa hinaharap. Nakalagay sa lahat ng mensahe sa email ang impormasyon tungkol sa kung paano “mag-opt out” sa pagtanggap ng mga kasalukuyang mensahe.
7. Paggamit ng Email
Para sa kaalaman, hindi secure na pagpapadala at maaaring ma-intercept ng mga hindi awtorisadong third party ang anumang impormasyon na ibabahagi mo sa amin sa pamamagitan ng email. Ginagawa namin ang lahat ng pagsisikap upang maprotektahan ang anumang personal na impormasyong ibabahagi mo sa amin, pero hindi namin kontrolado at hindi namin magagarantiya ang seguridad ng impormasyong ipinapadala sa pamamagitan ng internet. Kung may sensitibong impormasyon sa komunikasyon, maaari mong ipadala ang komunikasyon sa pamamagitan ng sulat o maaari kang tumawag sa amin sa 1(415)547-7800.
8. Mga Pagtatatwa ng Warranty
Ang impormasyon sa website ay ibinibigay “sa kasalukuyan nitong kundisyon.” Hayagang itinatatwa sa sukdulang pinahihintulutan ng batas ang lahat ng ipinahahayag, ipinahihiwatig, at nasa batas na warranty, kabilang nang walang limitasyon, ang mga warranty ng kakayahang maikalakal, kaangkupan para sa isang partikular na layunin, o hindi paglabag. Hindi kami kumakatawan o nagbibigay ng warranty sa iyo tungkol sa antas o kalidad ng aming mga serbisyo.
Itinatatwa namin ang anumang warranty na nauugnay sa seguridad, pagkamaaasahan, at performance ng website, at sa katumpakan ng impormasyong nakapaloob sa website. Itinatatwa namin ang responsibilidad para sa anumang pinsala na nagreresulta mula sa pag-download o pag-access ng anumang impormasyon o materyal sa pamamagitan ng website, kabilang nang walang limitasyon ang, pinsalang dulot ng mga virus o katulad nito na may mapanirang katangian. Sarili mong pagpapasya ang paggamit mo ng website. Hindi namin ginagarantiya na matutugunan ng website ang iyong mga kinakailangan o na hindi maaantala o magkaka-error ang pagpapatakbo ng website.
9. Limitasyon ng Pananagutan
Sa sukdulang pinahihintulutan ng batas, hindi kami kailanman mananagot para sa anumang uri ng mga pinsala (kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga pinsalang espesyal, nagkataon, o kinahinatnang pinsala, mga nawalang kita, o nawalang data, sa kabila ng nakikinitang posibilidad ng mga pinsalang iyon) na nagmumula sa o kaugnay ng iyong paggamit sa website. Nalalapat ang limitasyong ito, nagmula man ang mga pinsala sa paglabag sa kontrata, tort, o anupamang legal na teorya o uri ng pagkilos.
Hindi kami responsable o mananagot para sa mga pagkilos o hindi pagkilos ng mga tagalabas na vendor o provider ng impormasyon, o para sa pagganap (o hindi pagganap) sa mga network sa labas o punto ng interkoneksyon sa pagitan ng website at iba pang network at/o site na pinatatakbo ng mga third party.
10. Mga Link Sa/Mula sa mga Third-Party na Website
Maaaring magbigay ang Website ng mga link sa iba pang website na hindi pagmamay-ari o kontrolado ng San Francisco Health Plan o ngSan Francisco Department of Public Health (“Mga Third-Party na Website”). Hindi kami responsable para sa availability ng mga Third-Party na Website, sa kalidad o katumpakan ng impormasyong ipinapakita sa mga Third-Party na Website, o para sa anumang virus o iba pang nakapipinsalang elemento na matatamo kapag nagli-link sa mga Third-Party na Website. Dagdag pa rito, ang pagbibigay ng mga link sa mga Third-Party na Website ay hindi dapat bigyang-kahulugan na pag-endorso o pag-apruba namin sa mga organisasyong nagso-sponsor sa mga naturang website o sa kanilang mga produkto o serbisyo.
Hindi kami responsable o mananagot para sa anumang materyal sa mga Third-Party na Website na maaaring naglalaman ng mga link sa Website. Nakalaan sa amin ang karapatang i-disable ang anumang hindi awtorisadong link sa Website o ang pag-frame ng anumang content mula sa Website sa mga Third-Party na Website.
11. Imbestigasyon
Nakalaan sa amin ang karapatang imbestigahan ang mga pinaghihinalaang paglabag sa Mga Tuntunin at Kundisyon. Kung may malaman kaming mga posibleng paglabag, maaari kaming magpasimula ng imbestigasyon na maaaring kinabibilangan ng pangangalap ng impormasyon mula sa iyo o sinumang sangkot na user at sa nagrereklamong partido, kung mayroon man, at pagsusuri ng iba pang materyal. Maaari naming pansamantalang suspindihin ang pagkakaloob ng aming mga serbisyo, o maaari naming permanenteng alisin ang sangkot na materyal mula sa aming mga server, bigyan ka ng mga babala, o suspindihin o wakasan ang iyong access sa aming mga serbisyo. Tutukuyin namin kung anong pagkilos ang gagawin bilang tugon sa isang paglabag depende sa sitwasyon, at sa aming sariling pagpapasya. Ganap kaming makikipagtulungan sa mga awtoridad ng batas sa pag-iimbestiga sa mga pinaghihinalaang paglabag sa batas.
12. Pagbabayad-danyos
Sumasang-ayon kang magbayad-danyos sa amin para sa ilan sa iyong mga partikular na pagkilos o hindi pagkilos. Sumasang-ayon kang magbayad-danyos sa amin, depensahan kami, o hindi kami papanagutin at ang aming mga opisyal, direktor, empleyado, sanggunian, ahente, at kinatawan mula sa anuman at lahat ng paghahabol, pagkalugi, pananagutan, pinsala, at/o gastos na matatamo ng third party (kabilang ang mga makatuwirang bayad at gastos sa abogado) mula sa iyong pag-access at paggamit ng Website, iyong paglabag sa Mga Tuntunin at Kundisyon, o sa iyong paglabag sa anumang pag-aaring intelektuwal o iba pang karapatan ng sinumang tao o entidad.
13. Umiiral na Batas
Bibigyang-kahulugan ang Mga Tuntunin at Kundisyon nang alinsunod sa at napapasailalim sa mga batas ng United States, Estado ng California, at Lungsod at County ng San Francisco, nang walang patungkol sa kanilang mga panuntunang nauugnay sa mga salungatan ng batas. Sumasang-ayon ka na dapat lang idulog sa pederal na korte o korte ng estado na may kaukulang huridiksyon na nasa San Francisco, California ang anumang legal na pagkilos o paglilitis na nauugnay sa Website, at sa pamamagitan nito, hayagan mong ibinibigay ang hindi mababawing pahintulot sa hurisdiksyon at lugar ng mga naturang korte.
14. Walang Waiver; Severability
Ang waiver ng anumang paglabag sa anumang probisyon ng Mga Tuntunin at Kundisyon ay hindi ituturing na waiver ng anumang pag-uulit ng naturang paglabag o hindi nito maaapektuhan sa anumang paraan ang iba pang tuntunin at kundisyon. Kung sakaling hindi maipapatupad ang anumang probisyon ng Mga Tuntunin at Kundisyon, hindi nito maaapektuhan ang pagiging valid o kakayahang maipatupad ng mga natitirang probisyon at papalitan ito ng maipapatupad na probisyon na pinakamalapit sa layuning napapasailalim sa hindi maipatupad na probisyon.
15. Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin at Kundisyon
Nakalaan sa amin ang karapatan, batay sa aming sariling pagpapasya, na baguhin ang Mga Tuntunin at Kundisyon, sa anumang oras nang walang paunang abiso. Kung babaguhin namin ang Mga Tuntunin at Kundisyon, ipo-post namin ang pagbabago sa Website. May responsibilidad kang tingnan kung may ginawa kaming anumang pagbabago sa Mga Tuntunin at Kundisyon bago mo gamitin ang Website. Sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng Website matapos ang anumang pagbabago sa Mga Tuntunin at Kundisyon, ipinapahiwatig mo na sumasang-ayon kang mapasailalim sa nabagong Mga Tuntunin at Kundisyon. Kung hindi katanggap-tanggap para sa iyo ang nabagong Mga Tuntunin at Kundisyon, ang tanging magagawa mo lang ay ihinto ang paggamit ng Website.
16. Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin at Kundisyon
Kung mayroon kang anumang tanong o komento hinggil sa Website o sa aming Mga Tuntunin at Kundisyon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pagsulat sa:
San Francisco Health Plan
P.O. Box 194247
San Francisco, CA 94119
O sa pamamagitan ng email.