Impormasyon ng Karaingan

Mag-ulat ng Problema o Maghain ng Karaingan

Online na Form ng Karaingan

 
 

May ANIM na paraan upang maghain ng karaingan:
  1. Online sa pamamagitan ng pagsagot sa Form ng Karaingan na ito.
  2. Tumawag sa San Francisco Health Plan sa 1(800) 288-5555, Lunes-Biyernes, 8:30am – 5:30pm, at humiling ng Form ng Karaingan.
  3. Maaari ka ring personal na maghain ng karaingan. Matatagpuan ang aming Service Center sa 7 Spring Street, San Francisco, CA 94104. Ang Mga Oras na Bukas ang Opisina ay Lunes-Miyerkules at Biyernes 8:30am – 5:00pm; Huwebes 8:30am – 3:00pm. Tumawag sa 1(415) 777-9992 upang mag-iskedyul ng appointment.
  4. Gumawa ng sulat na naglalarawan sa problema at ipadala ito sa San Francisco Health Plan. Para sa address, mangyaring bumisita sa aming page na Makipag-ugnayan sa Amin, o tumawag sa 1(800) 288-5555, Lunes-Biyernes, 8:30am – 5:30pm.
  5. I-download at kumpletuhin ang isang Form ng Karaingan sa wikang ginagamit mo:

    Mangyaring bisitahin ang aming page na Makipag-ugnayan sa Amin para sa impormasyon sa pagsulat.

  6. Maaari ka ring maghain ng karaingan nang direkta sa pamamagitan ng tanggapan ng iyong doktor. Kailangan ang iyong pahintulot sa mga karaingan at apelang inihain ng provider o iba pang third party sa ngalan mo. Mangyaring pasagutan sa provider o third party ang Form ng Pahintulot sa Karaingan at Apela kung maghahain sila ng karaingan o apela para sa iyo.
  7. Form ng Pahintulot para sa Karaingan at Apela

Para sa mga karaingang nauugnay sa mga serbisyong ibinigay ng Carelon Behavioral Health, maaari ka ring direktang maghain ng karaingan sa Carelon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa 1(855) 371-8117.

Paglutas sa Mga Problema

Nais ng San Francisco Health Plan na magkaroon ka ng pinakamahusay na pangangalaga at serbisyo hangga’t maaari. Gusto naming marinig mula iyo kapag nasisiyahan ka sa iyong mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, at kung kailangan mo ng tulong, gusto naming makatulong sa iyo sa paglutas ng anumang problema na maaaring nararanasan mo.

Kung may problema, subukang tugunan ito sa unang pagkakataon na mapansin mo ito. Ang pakikipag-usap sa PCP ng iyong pamilya o sa iba pang provider ang maaaring pinakamainam na paraan upang malutas kaagad ang isyu.

Kung hindi malutas ang problema, tumawag sa aming Pangkat ng Serbisyo sa Customer sa 1(800) 288-5555, Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm. Makikipagtulungan kami sa iyo upang maayos ang problema. Kung hindi namin malulutas ang problema, maaari kang maghain ng pormal na reklamo or “grievance,” which is any expression of dissatisfaction.

Ang Proseso ng Reklamo/Karaingan

Kung hindi malulutas ang iyong reklamo o problema, maaaring suriin ito sa ilalim ng aming proseso sa karaingan. May karapatan kang maghain ng reklamo o karaingan, at hindi kami mandidiskrimina laban sa iyo. Hindi ka matatanggal sa pagkakatala o maaalis sa pagiging kwalipikado nang dahil sa paghahain ng reklamo o karaingan.

Maaari kang maghain ng karaingan sa berbal na paraan o sa pamamagitan ng sulat. Makakakuha ng mga form sa karaingan mula sa aming departamento ng serbisyo sa customer sa tanggapan ng bawat PCP, at mada-download mo rin ang form o file sa elektronikong paraan mula sa page na ito (tingnan sa ibaba ang higit pang impormasyon). Kung kailangan mo ng tulong sa pagsagot sa form, kung kailangan mo ng mga serbisyo sa pagsasalin, o kung gusto mo ng referral sa mga tagapagsulong sa komunidad, mangyaring makipag-ugnayan sa Serbisyo sa Customer.

Kung isa kang miyembro ng San Francisco Health Plan at gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol sa proseso sa karaingan, mangyaring sumangguni sa Ebidensya ng Saklaw sa iyong Handbook ng Miyembro. Kung kailangan mo ng kopya ng iyong Handbook ng Miyembro, makipag-ugnayan sa aming Serbisyo sa Customer.

Tanggapan ng Ombudsman ng Medi-Cal

Kung isa kang miyembro ng Medi-Cal at nagkakaproblema ka sa pagkuha ng mga serbisyo o kung may iba ka pang reklamo, may karapatan ka ring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Ombudsman ng Department of Health Care Service o sa California Department of Social Services upang humiling ng Pagdinig ng Estado. Ang Patas na Pagdinig na ito ay isang pang-administratibong pamamaraan kung saan maaaring direktang iharap ng mga miyembrong may karaingan ang kanilang mga kaso sa Estado ng California para sa resolusyon.

Matatawagan ang Tanggapan ng Ombudsman nang toll-free sa 1(888) 452-8609. Ang numero ng TTY ay 1(800) 952-8349. Ang mga oras na bukas ang opisina ay Lunes-Biyernes, 8:00am – 5:00pm, sarado ito sa mga holiday ng Estado.

Maaari kang humiling ng isang Pagdinig ng Estado sa pamamagitan ng pagtawag sa: 1(800) 743-8525 o TTY 1(800) 952-8349. Maaari kang humiling ng pagdinig sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

  • Maaari kang humiling ng pagdinig online sa CDSS.CA.GOV
  • Maaari mong punan ang form na ito at i-fax ito sa Mga Pagdinig ng Estado sa 1(916) 309-3487 o libreng pagtawag sa 1(833) 281-0903
  • Maaari mong punan ang form na ito at i-email ito sa SCOPEOFBENEFITS@DSS.CA.GOV
  • (Tandaan: Kung ipinadala mo ito sa pamamagitan ng email, mangyaring intindihin na may panganib na maaaring maharang ang iyong email ng isang tao na hindi mula sa Dibisyon ng mga Pagdinig ng Estado. Mangyaring isaalang-alang ang paggamit ng isang mas ligtas na pamamaraan ng pagpapadala ng iyong kahilingan.)

  • Puwede mo ring ipadala sa pamamagitan ng koreo ang Kahilingan sa Pagdinig ng Estado na ito sa:
  • California Department of Social Services
    State Hearings Division
    P.O. Box 944243, MS 9-17-433
    Sacramento, CA 94244-2430

    Kapag gumawa ka ng sulat upang humiling ng Pagdinig ng Estado, tiyaking isasama ang iyong pangalan, address, numero ng telepono, numero ng Social Security, at ang dahilan kung bakit gusto mo ng Pagdinig ng Estado. Kung may tumutulong sa iyo sa paghiling ng Pagdinig ng Estado, idagdag ang kanyang pangalan, address, at numero ng telepono sa form o sulat. Kung kailangan mo ng libreng tagapagsalin, sabihin sa amin kung ano ang wikang ginagamit mo.

    Pagkatapos mong humiling ng pagdinig, maaaring abutin nang hanggang 90 araw bago mapagpasyahan ang iyong kaso at makapagpadala ng sagot sa iyo. Kung naniniwala ka na lubhang makakaapekto ang paghihintay nang ganoon katagal sa iyong buhay o kalusugan o sa kakayayan mong makamit, mapanatili o maibalik ang pinakamabuting kundisyon, humingi ng sulat sa iyong doktor o San Francisco Health Plan. Dapat ipaliwanag sa sulat kung paano lubhang maaapektuhan ang iyong buhay o kalusugan o ang kakayahan mong makamit, mapanatili o maibalik ang pinakamabuting kundisyon dahil sa paghihintay nang hanggang 90 araw bago mapagpasyahan ang iyong kaso. Pagkatapos ay humiling ng pinabilis na pagdinig at ibigay ang sulat kasama ng kahilingan mo para sa pagdinig.

     

    Mahalagang Mensahe mula sa Departamento ng Pinamamahalaang Pangangalagang Pangkalusugan

    May tungkulin ang California Department of Managed Health Care na pangasiwaan ang mga plano sa serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang karaingan laban sa iyong planong pangkalusugan, dapat mo munang tawagan ang iyong planong pangkalusugan sa 1(415) 547-7800 o sa 1(800) 288-5555 at gamitin ang proseso sa karaingan ng iyong planong pangkalusugan bago ka makipag-ugnayan sa departamento. Ang paggamit sa pamamaraan ng karaingan na ito ay hindi nagbabawal sa anumang posibleng legal na karapatan o remedyo na maaari mong gamitin. Kung kailangan mo ng tulong sa isang karaingan na may kinalaman sa isang emergency, isang karaingan na hindi pa kasiya-siyang nalutas ng iyong planong pangkalusugan, o isang karaingan na mahigit 30 araw nang hindi nalulutas, maaari kang tumawag sa departamento para sa tulong. Maaaring kwalipikado ka rin para sa Independent Medical Review (IMR). Kung kwalipikado ka para sa IMR, magbibigay ang proseso ng IMR ng walang kinikilingang pagsusuri ng mga medikal na desisyon na ginawa ng isang planong pangkalusugan na nauugnay sa medikal na pangangailangan para sa isang iminumungkahing serbisyo o paggamot, mga desisyon sa saklaw para sa mga paggamot na pang-eksperimento o sinisiyasat pa lang at mga hindi pagkakaunawaan sa pagbabayad para sa mga medikal na serbisyong pang-emergency o agarang kinakailangan. Mayroon ding toll-free na numero ng telepono ang departamento na 1(888) 466-2219 at linya ng TTY 1(877) 688-9891 para sa may problema sa pandinig at pagsasalita. Ang internet web site ng departamento na www.dmhc.ca.gov ay may mga form para sa reklamo, form ng aplikasyon para sa IMR, at mga tagubilin online.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.