Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga at Mga Suporta sa Komunidad

Binibigyan ka ng Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga (Enhanced Care Management o ECM) ng karagdagang tulong para mapamahalaan ang iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan at mga panlipunang pangangailangan. Sa pamamagitan ng ECM, makakakuha ka ng provider ng ECM at pinunong tagapamahala ng pangangalaga.

Maaari ka nilang matulungan na:

  • Makapagpa-appointment  
  • Sumagot ng mga tanong tungkol sa iyong gamot  
  • Makakuha ng transportasyon
  • Makakuha ng suporta sa masustansyang pagkain at tulong para makahanap ng pabahay  

Ang Mga Suporta sa Komunidad (Community Supports o CS) ay mga opsyon sa espesyal na pangangalaga na magagamit mo upang maiwasan ang mga magastos na pagpunta sa ospital. Nag-aalok ang SFHP ng CS para sa:

  • Mga Serbisyo sa Paglipat ng Pabahay. Para matulungan kang makahanap ng isang ligtas na bahay na matitirhan. Puwede ka ring makakuha ng tulong sa paglipat o tulong para mapanatili ang iyong kasalukuyang tahanan.
  • Medikal na Pagpapahinga. Dito ka puwedeng magpagaling mula sa pinsala o sakit, may panandaliang tulugan, pagkain, at pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip.
  • Mga Medikal na Iniangkop na Pagkain. Ito ang mga pagkain na makukuha mo nang walang bayad. Ginawa ang mga ito para mapanatili kang malusog.
  • Mga Sobering Center. Isa itong ligtas na lugar para mahimasmasan na may panandaliang tulugan, pagkain, paliguan, at iba pang serbisyong panlipunan.  

Matuto pa tungkol sa bawat isa sa mga bagong benepisyong ito sa Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo.
Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (Primary Care Provider o PCP) para makita mo kung puwede kang makakuha ng ECM o CS. Puwede ka ring tumawag sa Serbisyo sa Customer sa 1(415) 547-7800.
*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.