Tungkol sa Saklaw sa Kalusugan ng Medi-Cal
Ang Medi-Cal ay isang programa ng insurance sa kalusugan para sa mga residente ng California na may mababang kita. Bilang iyong lokal na planong pangkalusugan, nag-aalok ang San Francisco Health Plan ng mahusay at maraming pagpipiliang doktor, ospital, at klinika. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga tao na maaaring maging kwalipikado para sa saklaw sa kalusugan ng Medi-Cal:
Mga taong nakatira sa County ng San Francisco;
Mga tao na magulang, anak, nasa hustong gulang na walang anak, matanda o may kapansanan;
Mga taong nakatutugon sa mga alituntunin sa kita;
Bukas na ang Medi-Cal para sa lahat, anuman ang iyong katayuan sa imigrasyon o edad.
Alamin Kung Kwalipikado Ka para sa Medi-Cal
Alamin kung kwalipikado ka o ang iyong anak para sa isa sa aming mga programa.
Batay sa iyong mga napili, maaari kang maging kwalipikado o maaaring maging kwalipikado ang iyong anak para sa insurance sa kalusugan ng Medi-Cal.
Makipag-ugnayan sa Aming Pangkat sa Pagpapatala
Makipag-ugnayan sa aming Pangkat sa Pagpapatala sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(888) 558-5858 Lunes – Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm. Ang pagtatanong sa isang miyembro ng aming Pangkat sa Pagpapatala ang pinakamabuting paraan upang tiyakin kung kwalipikado ka para sa isa sa aming mga programa ng saklaw sa pangangalagang pangkalusugan.
- Mayroon kaming ilang programa at matutulungan ka naming mahanap ang tamang programa
- Maaaring maging kwalipikado ang iyong mga anak kahit na hindi sila mga legal na residente
- Kung hindi ka sigurado kung kwalipikado ka o ang iyong anak para sa Medi-Cal, makipag-ugnayan sa aming Pangkat sa Pagpapatala sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(888) 558-5858 Lunes – Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
Batay sa iyong mga napili, hindi ka kwalipikado para sa insurance sa kalusugan ng Medi-Cal.
Makipag-ugnayan sa Aming Pangkat sa Pagpapatala
Makipag-ugnayan sa aming Pangkat sa Pagpapatala sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(888) 558-5858 Lunes – Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm. Ang pagtatanong sa isang miyembro ng aming Pangkat sa Pagpapatala ang pinakamabuting paraan upang tiyakin kung kwalipikado ka para sa isa sa aming mga programa ng saklaw sa pangangalagang pangkalusugan.
- Mayroon kaming ilang programa at matutulungan ka naming mahanap ang tamang programa
- Maaaring maging kwalipikado ang iyong mga anak kahit na hindi sila mga legal na residente
- Kung hindi ka sigurado kung kwalipikado ka o ang iyong anak para sa Medi-Cal, makipag-ugnayan sa aming Pangkat sa Pagpapatala sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(888) 558-5858 Lunes – Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
Mga Benepisyo at Serbisyo ng Medi-Cal para sa Iyong Mga Pangangailangan sa Kalusugan
Nagbibigay ang Medi-Cal ng mga benepisyo sa saklaw para sa iyong mga pangangailangan sa kalusugan kabilang ang, mga serbisyong medikal, serbisyo sa ngipin, at serbisyo sa paningin. Libre ang iyong mga saklaw na serbisyo hangga't medikal na kinakailangan ang mga ito at ibinibigay ang ito ng provider na nasa network. Maaaring saklawin ng iyong planong pangkalusugan ang mga medikal na kinakailangang serbisyo mula sa isang provider na wala sa network. Ngunit dapat mong tanungin ang SFHP o ang iyong medikal na grupo para rito. Nagbibigay ang SFHP ng mga serbisyong gaya ng:
Mga Diagnostic na Serbisyo sa X-ray at Laboratoryo
Pang-emergency na Saklaw sa Kalusugan
Pagpaplano ng Pamilya
Mga Serbisyo sa Kalusugan sa Bahay
Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-iisip
Pangangalaga Bago ang Panganganak/Pangangalaga sa Pagbubuntis
Transportasyon
Mga Regular na Check-up at Pagbabakuna (mga bakuna)
Mga Serbisyo ng Pangangalaga sa Paningin
Paano Mag-apply para sa Medi-Cal
Pagbisita sa Aming Service Center
Patuloy na nagbibigay ang Service Center ng SFHP ng mga pinakamataas na kalidad ng mga serbisyo sa pagpapatala para sa iyo at sa pamilya mo.
Nagbibigay ang aming Pangkat sa Pagpapatala ng tulong sa impormasyon at aplikasyon para sa Medi-Cal.
Available ang mga personal na appointment nang:
Martes at Huwebes 8:30am – 5:00pm
Miyerkules 8:30am – 4:00pm (magsasara ng 3:00pm tuwing ika-3 Miyerkules ng buwan)
Available ang mga appointment sa telepono nang:
Lunes hanggang Biyernes 8:30am – 5:00pm
Sabado 8:30am – 12:00pm
Ikalulugod ng aming pangkat na matulungan ka sa mga pangangailangan sa saklaw sa kalusugan na pinakaangkop para sa iyo!
Upang mag-iskedyul ng personal na appointment o appointment sa telepono, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa 1(415) 777-9992 o sa 1(888) 558-5858.
Bisitahin ang aming Service Center page para sa higit pang impormasyon »
Kailangang I-renew ang Iyong Insurance sa Medi-Cal?
Bilang miyembro ng Medi-Cal, susuriin ang iyong pagiging kwalipikado bawat taon. Ilalapat ang mga hakbang sa ibaba sa karamihan ng mga miyembro ng Medi-Cal.
- Susuriin ng tanggapan ng Medi-Cal ang impormasyon sa iyong case file.
- Susuriin nila ang impormasyon sa kanilang mga system upang alamin kung kwalipikado ka pa rin para sa Medi-Cal. Hintayin ang isang sulat. Sasabihin sa iyo sa sulat kung kwalipikado ka pa rin para sa programa ng Medi-Cal.
- Maaaring humiling ng karagdagang impormasyon. Kung kulang ang impormasyon upang matukoy kung kwalipikado ka pa rin, maaaring hilingin sa iyo ng programa ng Medi-Cal na magbigay ng karagdagang impormasyon.
Tumawag sa tanggapan ng Medi-Cal sa 1(855) 355-5757 para sa higit pang impormasyon.
Makipag-ugnayan sa Amin
Matuto pa tungkol sa iyong mga opsyon sa pangangalagang pangkalusugan at simulan ang iyong aplikasyon sa Medi-Cal ngayong araw.
Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa amin:
- Telepono: 1(415) 777-9992 or 1(888) 558-5858
- Fax: 1(415) 547-7820
- Mga Oras ng Pagtawag: Lunes–Biyernes, 8:30am – 5:00pm