
Marami ang hindi nakakaalam na mayroon sila nito, dahil karaniwang walang sintomas. Maaari itong maging mapanganib, dahil kapag hindi ito nagamot, ang mataas na presyon ng dugo ay maaaring humantong sa atake sa puso o stroke.
Ang magandang balita ay madalas mong maiiwasan at magagamot ang mataas na presyon ng dugo. Kapag nakita ito nang maaga at kapag pumili ng mga opsyong mabuti sa kalusugan, mapipigilan ang pagdudulot ng matinding panganib sa iyong kalusugan ng mataas na presyon ng dugo.
Pagpapasuri sa Presyon ng Dugo:
Maaaring suriin ng iyong provider sa kalusugan ang iyong presyon ng dugo. Kung kailangan mo nito, makakakuha ka ng monitor sa presyon ng dugo nang wala kang babayaran.
Mga opsyong mabuti sa kalusugan upang makatulong na maiwasan at makontrol ang mataas na presyon ng dugo
- Pagkain ng masusustansyang pagkatin tulad ng mga prutas, gulay, at whole grain, at pagkain na mas mababa ang fat at asin
- Regular na pag-eehersisyo
- Paglilimita sa alak
- Hindi paninigarilyo
- Pamamahala sa stress
- Pagkakaroon ng regular na pangangalagang pangkalusugan. Maaari ring makipag-usap sa iyo ang iyong doktor tungkol sa pag-iwas at paggamot sa mataas na presyon ng dugo.