Portal ng Miyembro
Ang Iyong Portal ng Miyembro: I-access ang Impormasyon sa Kalusugan nang 24/7
Nasubukan mo na bang gamitin ang aming ligtas at protektadong Portal ng Miyembro? Madali mong mahahanap ang mga nakaraang pagpapatingin sa kalusugan, makakakuha ng bagong ID Card, makakahanap ng impormasyon tungkol sa provider at gamot, at marami pang iba. Gamit ang iyong Portal ng Miyembro, mayroon kang 24/7 na access sa lahat ng iyong impormasyon sa kalusugan sa oras na kailangan mo ito.
Makukuha mo ang iyong impormasyon sa kalusugan kahit nasaan ka man basta may access sa internet.

Tingnan ang Iyong Personal na Rekord ng Kalusugan
Tingnan ang iyong mga nakaraang pagpapatingin sa doktor, mga gamot, impormasyon ng provider ng serbisyo, at marami pa. Puwede mong dalhin ang iyong Personal na Rekord ng Kalusugan kapag nagpatingin ka sa iyong doktor.

Palitan ang Iyong PCP
Para palitan ang iyong PCP, hanapin ang bagong provider na gusto mo. Piliin ang bagong provider at piliin ang “Change PCP (Palitan ang PCP).” Magkakaroon ng bisa ang mga pagbabago sa PCP sa unang araw ng kasunod na buwan. Manood ng Video

Kumuha ng Bagong ID Card
Magagawa mong tingnan ang iyong ID Card, humiling ng panibagong card, mag-print ng pansamantalang card, o mag-save ng larawan ng iyong card sa telepono mo. Manood ng Video

Maghanap ng Mga Provider
Gamitin ang iyong Portal ng Miyembro para maghanap ng mga provider at parmasyang nasa network. Puwede mong ayusin ayon sa pangalan ng provider, ZIP code, at uri ng provider (kabilang ang mga klinika, espesyalista, at parmasya). =

Library ng Edukasyong Pangkalusugan ng Medi-Cal
Kung isa kang miyembro ng Medi-Cal, makakahanap ka ng maraming mapagkukunan at tool para sa kagalingan para matulungan kang makamit ang iyong pinakamainam na kalusugan. Humingi ng tulong sa kalusugan at fitness, mga gamot, pagbubuntis, o bisitahin ang tagasuri ng sintomas at sentro ng pagkatuto.

Mag-download ng Mga Materyales para sa Miyembro
Tingnan at i-download ang mga materyales at newsletter ng kasalukuyang miyembro sa pamamagitan ng Portal ng Miyembro o sa sfhp.org.
Paano Mag-sign Up at Mag-sign In
- Magsimula sa sfhp.org at i-click ang button na Pag-log in ng Portal ng Miyembro sa itaas ng home page.
- Sa ilalim ng mga salitang “Choose how to create an account (Piliin kung paano gumawa ng account),” magkakaroon ka ng dalawang pagpipilian para sa paggawa ng account. I-click ang “As a member (Bilang miyembro)” o “As a caregiver (Bilang tagapag-alaga)” para magpatuloy.
- Ilagay ang iyong ID ng Miyembro, Apelyido, at Petsa ng Kapanganakan. I-click ang “Next (Susunod).” Pagkatapos, gumawa ng password at magtakda ng mga tanong para sa seguridad.
- Nakahanda ka nang magsimula. Ilagay ang iyong User Name at Password at i-click ang “Sign In (Mag-sign In)” para masimulang magamit ang Portal ng Miyembro.
Available ang Portal ng Miyembro para sa mga miyembrong 12 taong gulang pataas. Sinumang miyembro ng San Francisco Health Plan na wala pang 12 taong gulang ay mangangailangan ng Awtorisadong Kinatawan para makapag-sign up.
Tumawag sa Serbisyo sa Customer para sa Tulong
Kailangan ng tulong o may mga tanong? Narito kami para tumulong.
Para sa mga miyembro ng SFHP Medi-Cal at Healthy Workers HMO:
Tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
Para sa mga miyembro ng SFHP Care Plus (HMO D-SNP):
Tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o 711 (TTY), 8:00am–8:00pm. Bukas kami nang pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.
