Mga Benepisyo sa SFHP Medi-Cal: Kumpletong Pangangalaga para sa Mas Maayos na Kalusugan
Sa SFHP, mahalaga ang kalusugan mo. Nandito kami para magbigay ng napapanahon, de-kalidad na pangangalaga at tulungan kang matutunan kung paano masulit ang iyong mga benepisyo sa Medi-Cal.
Alamin ang Iyong Mga Benepisyo sa Medi-Cal
Saklaw ng Medi-Cal ang maraming benepisyo na makakatulong sa iyo para manatiling malusog at maging maayos ang iyong pakiramdam. Libre ang lahat ng iyong pangangalagang nasa network at medikal na kinakailangan. Maaaring saklawin ng SFHP ang medikal na kinakailangang pangangalaga na wala sa network. Para sa pangangalagang wala sa network, magtanong sa SFHP o sa iyong medikal na grupo para muna sa pag-apruba.
Alamin ang iyong mga benepisyo sa Medi-Cal:
Pangangalaga sa Ngipin
Makakatulong sa iyo ang Medi-Cal Dental na mapanatiling malakas ang iyong mga ngipin at gilagid. Makakuha ng mga taunang dental na pagsusuri, pagpapalinis, X-ray, fluoride varnish, fillings at iba pa.
Pangangalagang Pang-iwas sa Sakit
Ang mga pangangalagang pang-iwas tulad ng mga check-up, bakuna, at screening ay makakatulong sa iyo para manatiling malusog. Makakatulong din ito sa iyo na maiwasan ang mga malubhang problema sa kalusugan sa hinaharap.
Pangangalagang May Espesyalisasyon
Nakikipagtulungan ang SFHP sa mahigit 3,000 espesyalista para tulungan kang makakuha ng ekspertong pangangalaga para sa mga problema sa kalusugan tulad ng:
- Hika
- Diabetes
- Sakit sa puso
- Glaucoma
Makipag-usap sa iyong PCP para malaman kung kailangan mo ng pangangalagang may espesyalisasyon.
Pangangalaga sa Bata at Kabataan
Sinasaklaw ng SFHP ang medikal, dental, paningin at marami pang iba para mapanatiling malusog ang iyong mga anak at mga kabataan. Libre ang lahat ng pangangalaga para sa mga bata at kabataan mula pagkapanganak hanggang 21 taong gulang.
Mula sa simula ng pagbubuntis hanggang sa 1 taon pagkatapos ng pagtatapos ng pagbubuntis, maaari kang makakuha ng pangangalaga mula sa doula (birth worker). Sinasaklaw ng Medi-Cal ang:
- 9 na pagpapatingin bago, habang, at pagkatapos ng pagbubuntis
- Suporta sa panahon ng pag-labor at panganganak, panganganak ng patay na sanggol, pagpapalaglag, o kapag nakunan
- 2 tatlong oras na pagpapatingin pagkatapos ng pagbubuntis
Kapag kailangan mo ng gamot, puwedeng mag-order nito ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) para sa iyo. Libre ang mga gamot na saklaw ng Medi-Cal Rx. Para matuto pa sa mga saklaw na gamot, bisitahin ang Medi-Cal Rx o tumawag sa 1(800) 977-2273 (toll-free).
Para makita ang kumpletong listahan ng iyong mga saklaw nabenepisyo ng Medi-Cal, tingnan ang iyong Handbook ng Miyembro.
24/7 na Pangangalaga ng Tedaloc
Sa Teladoc, makakakuha ka ng 24/7 na pangangalaga sa pamamagitan ng telepono, video, o app sa smartphone. Makatipid sa biyahe para sa pagkuha ng agarang pangangalaga o pagpunta sa ER. Makipag-usap sa isang doktor sa iyong wika at makakuha ng tulong sa parehong araw.
May mga Tanong Tungkol sa Iyong mga Benepisyo?
Makakatulong sa iyo ang iyong mga materyales ng miyembro para matuto pa tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo ng Medi-Cal. Tingnan ang iyong Handbook ng Miyembro o tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP para sa tulong. Tumawag sa