Pangkalahatang-ideya tungkol sa Kung Paano Namin Ito Ginagawa!
Nagsisimula kami sa paniniwala na may karapatan ang bawat taong nakatira sa San Francisco na magkaroon ng access sa de-kalidad na abot-kayang pangangalagang pangkalusugan. Bilang isang lisensyadong planong pangkalusugan sa komunidad, ginawa kami para sa at ginawa kami ng mga taong pinagsisilbihan namin – marami sa kanila ang hindi makakakuha, sa ibang paraan, ng pangangalagang pangkalusugan para sa sarili nila o sa kanilang mga pamilya. Bitbit namin ang paniniwalang ito sa aming misyon na mabigyan ang lahat ng San Franciscan ng napakahusay na pangangalaga, sa lahat ng komunidad na may magkakaibang kultura at etnisidad na dahilan kung bakit labis na natatangi ang San Francisco.
Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng suporta at mga pinaghahatiang resource ng hindi mabilang na katuwang sa komunidad sa buong San Francisco. At ginagawa namin ito dahil sa kahilingan ng lahat ng San Franciscan, na noong 1998 ay nagpasa sa Measure J, kaya naging priyoridad para sa lungsod ang pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan.
Natatangi ang San Francisco na gaya ng mga taong naninirahan dito. Bilang lokal na planong pangkalusugan, kilala namin ang lungsod; kilala namin ang mga taong naninirahan dito; at iniakma kami na tumugon sa mga pangangailangan nila.
Mithiin
Ang San Francisco ay isang malusog na komunidad para sa lahat.