Mga Patakaran sa Pagkapribado ng SFHP

Mga Karapatan sa Data ng Miyembro

Kapaki-pakinabang na Impormasyon para sa Mga Miyembro

Ano ang dapat na malaman ng isang miyembro bago hayaan ang isang third-party na app na kunin ang kanyang data sa pangangalagang pangkalusugan?

Napakahalaga para sa mga miyembro na magkaroon ng aktibong tungkulin sa pagprotekta ng kanyang data sa kalusugan. Dapat maghanap ang mga miyembro ng madaling mabasang patakaran sa privacy na malinaw na nagsasabi sa iyo kung paano gagamitin ng app ang iyong data. Kung walang patakaran sa privacy ang isang app, hindi dapat gamitin ng mga miyembro ang app.

Mga dapat pag-isipan ng mga miyembro:

  • Pasado ba ang app sa anumang panregulatoryong ahensya?
  • Anong data sa kalusugan ang kokolektahin ng app na ito?
  • Mangongolekta ba ang app na ito ng hindi pangkalusugang data mula sa aking telepono, gaya ng aking lokasyon?
  • Paano gagamitin ng app na ito ang aking data?
  • Ipapakita ba ng app na ito ang aking data sa mga third party?
    • Ibebenta ba ng app na ito ang aking data para sa anumang dahilan, gaya ng advertising o pananaliksik?
    • Ibabahagi ba ng app na ito ang aking data para sa anumang dahilan? Kung oo, kanino? Para sa anong dahilan?
  • Paano ko malilimitahan ang app na ito sa paggamit at paglalabas ng aking data?
  • Anong mga hakbang na pangkaligtasan ang ginagamit ng app na ito upang maprotektahan ang data ko?
  • Ano ang maaaring maging epekto ng pagbabahagi ng data ko sa app na ito sa iba, gaya ng mga kapamilya ko?
  • Paano ipinapaalam ng app na ito sa mga user ang tungkol sa mga pagbabago na maaaring makapagpabago sa mga kagawian nito sa privacy?
  • Paano ko magagamit ang aking data at maaayos ang mga pagkakamali sa data na na-save ng app na ito?
  • May paraan ba ang app na ito sa pagtanggap at pagsagot ng reklamo ng user?
  • Kung ayaw ko nang gamitin ang app na ito, o kung ayokong gamitin ng app na ito ang aking data sa kalusugan, paano ko mapipigilan ang app sa pagkuha ng data ko?
  • Ano ang patakaran ng app sa pag-aalis ng data ko kapag itinigil ko na ang paggamit nito? May iba pa ba akong kailangang gawin bukod sa pag-delete ng app sa telepono ko?

Kung hindi sinasagot ang mga tanong na ito sa patakaran sa privacy ng app, hindi dapat gamitin ng mga miyembro ang app o dapat silang maghanap ng iba pang app. Napakapribado ng data sa kalusugan at dapat maging maingat ang mga miyembro sa pagpili ng mga app na may mga mahigpit na pamantayan sa pagkapribado at kaligtasan upang maprotektahan ang kanilang data.


Ano ang mga karapatan ng miyembro sa ilalim ng Health Insurance Portability and Accountability Act (HIPAA) at sino ang dapat sumunod sa HIPAA?

Ang Department of Health and Human Services (HHS) Office for Civil Rights (OCR) ng U.S. ang nagpapatupad sa Mga Tuntunin sa Pagkapribado, Seguridad, at Pag-abiso Tungkol sa Paglabag ng HIPAA, at sa Batas at Panuntunan sa Kaligtasan ng miyembro. Makikita mo rito ang higit pang impormasyon tungkol sa mga karapatan ng miyembro sa ilalim ng HIPAA at kung sino ang obligadong sumunod sa HIPAA.

Maaari mo ring ibahagi sa mga miyembro ang HIPAA FAQs para sa Mga Indibidwal.

Sinasaklaw ba ng HIPAA ang mga third-party na app

Hindi sasaklawin ng HIPAA ang karamihan sa mga third-party na app. Sa halip, isasailalim ang karamihan ng mga third-party na app sa ilalim ng hurisdiksyon ng Federal Trade Commission (FTC) at mga proteksyong ibinibigay ng FTC Act. Kasama ng iba pa, nagpoprotekta ang FTC Act laban sa mga mapanlinlang na pagkilos (hal., kung nagbabahagi ang isang app ng pribadong data nang walang pagsang-ayon mo, sa kabila na pagkakaroon ng patakaran sa pagkapribado na nagsasabing hindi nito gagawin iyon).

Nagbibigay ng impormasyon dito ang FTC tungkol sa pagkapribado at seguridad ng mobile app para sa mga consumer.

Ano ang dapat gawin ng miyembro kung sa palagay niya ay nalabag ang data niya o ginamit ng app ang data niya sa maling paaran?

Upang maghain ng reklamo, dapat sundin ng mga miyembro ang mga nakalistang panuntunan sa ibaba.

Nakahanda ang Serbisyo sa Customer ng San Francisco Health Plan ng tulungan ka sa wikang gusto mong gamitin. Sasagutin namin ang mga tanong tungkol sa iyong mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumutulong din kaming lutasin ang mga problema na maaaring nararanasan mo sa iyong mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.

Available ang mga kinatawan ng Serbisyo sa Customer mula Lunes hanggang Biyernes, nang 8:30am hanggang 5:30pm sa alinman sa mga sumusunod na numero ng telepono:

Mga Lokal na Tumatawag 1(415) 547-7800
Mga Toll-Free na Tumatawag 1(800) 288-5555
TTY para sa Mga Taong Bingi, May Problema sa Pandinig, o May Mga Kapansanan sa Pagsasalita 1(415) 547-7830 o sa 1(888) 883-7347 toll-free o sa 711

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.