Ang mga miyembro ng San Francisco Health Plan Medi-Cal na wala pang 21 taong gulang ay maaaring makakuha ng pangangalaga upang mapanatiling mabuti ang lagay mo nang libre, kahit na hindi ito bahagi ng regular na pagpapatingin. Ang mga pagpapatingin sa doktor at pagsusuri sa kalusugan ay makakatulong sa iyong manatiling malusog at makuha ang pangangalagang kailangan mo. Kung may isyung makita sa panahon ng pagpapatingin sa doktor o pagsusuri, sasaklawin ng San Francisco Health Plan ang anumang pangangalagang maaaring kailanganin nang wala kang babayaran.

Ang ilan sa mga libreng serbisyong ito ay:

  • Mga pagpapatingin ng bata habang walang sakit
  • Mga pagsusuri sa laboratoryo
  • Mga pagsusuri sa paglaki
  • Mga pagsusuri sa pandinig at paningin
  • Mga Screening para sa Kalusugan ng Isip
  • Mga pagsusuri sa ngipin
  • Mga bakuna upang mapanatiling mabuti ang lagay mo
  • Mga referral para sa iba pang paggamot

Maaari kang tumawag sa iyong doktor o magtakda ng pagpapatingin o pumunta sa sfhp.org upang matuto pa.