|
|
|
Makakuha ng Part A at B ng Medicare mula sa San Francisco Health Plan
Ang San Francisco Health Plan, na ipinagmamalaking naglilingkod sa San Francisco sa loob ng halos 30 taon, ay ang #1 na pinipili ng lungsod para sa Medi-Cal1.
Ngayon, matutulungan ka naming makakuha ng Medicare + Medi-Cal sa iisang plano sa pamamagitan ng
Pinagsasama ng SFHP Care Plus ang Medi-Cal at ang Part A at B ng Medicare2 para sa mga tao sa San Francisco na 65 taong gulang o mas matanda, o may ilang partikular na kapansanan.
Bilang isang miyembro ng SFHP Care Plus, makukuha mo ang mga sumusunod:
- $0 para sa lahat ng saklaw na inireresetang gamot
- Isang personal na tagapamahala ng pangangalaga para matulungan kang makuha ang kinakailangang pangangalaga
- Suporta sa iyong wika, kabilang ang Cantonese, Mandarin, at Toisanese
- Mga LIBRENG karagdagang benepisyo, kabilang ang over-the-counter (OTC) na card na magagamit sa mga pang-araw-araw na item sa kalusugan
Isang Plano. Isang Card. Mas Maraming Benepisyo.
Pinagsasama ng SFHP Care Plus ang iyong mga benepisyo sa Medi-Cal at sa Part A at B ng Medicare, kabilang ang mga saklaw na inireresetang gamot sa halagang $0.
Ang lahat ng ito ay nasa iisang plano, sa pamamagitan ng iisang card, nang wala kang babayaran, at $0 na pangangalaga na nasa network at walang buwanang premium.
Gamitin ang aming Direktoryo ng Provider para makita kung aling mga doktor at espesyalista ang nasa network ng SFHP Care Plus.
- $0 na copay at $0 na deductible para sa mga pagpapatingin sa doktor at ospital
Maghanap ng mga parmasyang nasa network, tingnan ang mga saklaw na gamot, at alamin kung paano nakakatulong sa iyo ang SFHP Care Plus na makuha ang mga resetang kailangan mo: sfhp.org/careplus-pharmacy.
- Lahat ng saklaw na reseta sa halagang $0 para tulungan kang pangasiwaan ang mga hindi gumagaling na kundisyon tulad ng mataas na presyon ng dugo at diabetes.
- $90/buwan para sa mga pang-araw-araw na item sa kalusugan tulad ng mga bitamina, aspirin, at first aid na ilalagay sa iyong SFHP Care Plus Over-the-Counter (OTC) Card.
Puwede mong gamitin nang online o sa personal ang OTC Card sa mga inaprubahang store. Puwede ring gamitin ng mga kwalipikadong miyembro ang perang ito para sa mga grocery at utilidad.
Nagbibigay kami ng pangangalaga sa pamamagitan ng Liberty Dental at Medi-Cal Dental:
- $0 para sa isang karagdagang taunang pagsusuri
- $0 para sa mga crown, pag-rebase ng mga pustiso, at bridge
- Maaaring saklawin ang mga karagdagang serbisyo sa ilalim ng Medi-Cal Dental
Makakuha ng pangangalaga sa mata mula sa mga provider ng VSP Vision Care sa Network ng "Advantage":
- $0 na taunang regular na pagsusuri sa mata
- Hanggang $300/taon para sa mga salamin o contact lens
Kunin ang pangangalaga sa pandinig na kailangan mo sa pamamagitan ng SFHP Care Plus:
- $0 na taunang regular na pagsusuri sa pandinig
- Mga pagsusuri at pagsusukat para sa mga hearing aid
- Hanggang $2,000 para sa pinagsamang mga hearing aid para sa magkabilang tainga bawat taon
Makakuha ng acupuncture at chiropractic na pangangalaga sa pamamagitan ng American Specialty Health (ASH):
- $0 para sa 24 na karagdagang pagbisita para sa acupuncture kada taon
- $0 para sa 12 karagdagang pagbisita para sa chiropractic kada taon
- $50,000/taon para sa emergency at agarang pangangalaga sa labas ng Estados Unidos
- 24 na one-way na biyahe (simbahan, sentro ng libangan, tindahan ng grocery, atbp.)3
Ang mga benepisyong nakalista ay para sa taong 2027. Bisitahin ang aming page ng Mga Benepisyo para sa mga detalye ng kasalukuyang plano.
Makipag-usap sa isa sa aming Mga Espesyalista ng SFHP Care Plus Medicare
Magagawa naming ipaliwanag ang Medicare, Medi-Cal, at tulungan ka sa bawat hakbang.
SFHP Care Plus: Mga Madalas Itanong
Ang D-SNP ay isang uri ng Medicare Advantage (MA) plan, na tinatawag ding Medi-Medi plan. Iniaalok lang ang D-SNP sa mga taong “dual eligible” (mga taong parehong may Medicare at Medi-Cal).
Maaaring mahirap at nakakalito ang paggamit ng Medicare at Medi-Cal. Pinagsasama ng isang plano sa kalusugan ng D-SNP ang Medicare at Medi-Cal sa iisang plano, para gawing mas simple ang pagkuha ng mga benepisyo at pangangalaga.
Nagbibigay ang SFHP Care Plus ng coverage na pareho sa ibinibigay ng Medicare at Medi-Cal, AT mga dagdag na benepisyo at serbisyo, at naka-personalize na pangangalaga, nang wala kang dagdag na gagastusin sa lahat.
Oo, ang SFHP Care Plus ay isang HMO D-SNP plan. Ibig sabihin nito, dapat kang kumuha ng pangangalaga mula sa mga doktor at ospital na nasa network ng SFHP Care Plus.
Nakikipagtulungan ang SFHP Care Plus sa mga provider mula sa North East Medicare Services (NEMS), All American Medical Group (AAMG), at marami pa. Nag-aalok ang mga provider sa network ng SFHP Care Plus ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa maraming wika at diyalekto, kabilang ang English, Cantonese, Mandarin, Toisanese, Vietnamese, Burmese, Korean, Spanish, at Hindi.
Kung kailangan mo ng pang-emergency na pangangalaga o mga serbisyo sa dialysis sa labas ng sineserbisyuhang lugar, maaari kang magpatingin sa mga provider na wala sa network ng SFHP Care Plus. Maaari ka ring kumuha ng agarang pangangalaga mula sa mga provider na wala sa network kung hindi mo ma-access ang mga provider na nasa network sa loob ng makatwirang panahon para matugunan ang iyong mga agarang pangangailangan sa pangangalaga.
Kung ang iyong mga provider (mga doktor, ospital, parmasya, atbp.) ay nasa network ng SFHP Care Plus, puwede kang patuloy na magpatingin sa kanila at sasaklawin ang iyong pangangalaga.
Nakikipagtulungan ang SFHP Care Plus sa mga provider mula sa North East Medicare Services (NEMS), All American Medical Group (AAMG), at marami pa.
Nakikipagtulungan din ang SFHP Care Plus sa maraming ospital:
- California Pacific Medical Center (CPMC)
- Zuckerberg San Francisco General Hospital and Trauma Center
- Chinese Hospital
- UCSF Health Hyde Hospital (dating Saint Francis Memorial Hospital)
- UCSF Health Stanyan Hospital (dating St. Mary’s Medical Center)
- AHMC Seton Medical Center
Kung kailangan mo ng agaran o pang-emergency na pangangalaga o mga serbisyo sa dialysis sa labas ng sineserbisyuhang lugar, puwede kang magpatingin sa mga provider na wala sa network ng SFHP Care Plus.
Kapag natapos mo na ang iyong Pagtatasa sa Panganib sa Kalusugan (HRA), magtutulungan kayo ng iyong pangkat sa pangangalaga para gumawa ng isang naka-personalize o pang-indibidwal na plano sa pangangalaga (ICP). Titiyakin natin nang magkasama na makukuha mo ang suportang kailangan mo.
Makakakuha ka ng pangangalaga mula sa isang pangkat ng mga eksperto na pinapangasiwaan ng SFHP. Tutulungan ka ng iyong tagapamahala ng pangangalaga ng SFHP Care Plus na alamin ang plano mo, mga provider mo, at mga serbisyo mo. Layunin niyang tiyakin na makukuha mo ang kailangan mo.
Hindi ka magbabayad ng anumang buwanang premium para sa iyong coverage sa kalusugan, kabilang ang premium sa Part B ng Medicare, dahil mayroon kang Medi-Cal.
Walang taunang deductible o bahagi sa gastos para sa pangangalagang medikal. Hindi ka mawawalan ng alinman sa iyong mga kasalukuyang benepisyo sa Medi-Cal. Bilang miyembro ng SFHP Care Plus makakatanggap ka ng karagdagan at libreng coverage at mga benepisyo.
Simula sa 2027, $0 ang babayaran mo para sa lahat ng saklaw na inireresetang gamot. Hindi kayo magkakaroon ng copay o out pocket na gastusin para sa mga saklaw na inireresetang gamot. Mangyaring sumangguni sa handbook ng miyembro para sa higit pang impormasyon.
Ang SFHP Care Plus ay isang Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP), na tinatawag ding Medi-Medi plan. Kung kwalipikado ka sa parehong Part A at B ng Medicare, at kumpletong benepisyo sa Medi-Cal, maaari kang mag-enroll sa SFHP Care Plus. Alamin kung kwalipikado ka para sa SFHP Care Plus.
Mga Karagdagang Sanggunian
Maghanap pa ng impormasyon tungkol sa mga Dual Eligible Special Needs Plan (Mga D-SNP) sa:
Alamin pa ang tungkol sa SFHP Care Plus at maghanap ng mga kapaki-pakinabang na resource tulad ng Buod ng Mga Benepisyo, Handbook ng Miyembro, Listahan ng Mga Saklaw na Gamot, at Direktoryo ng Provider at Parmasya.
Ang website ng Mga Sentro para sa Mga Serbisyo ng Medicare at Medicaid (Centers for Medicare and Medicaid Services, CMS) ay makakapagbigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng mga plano sa kalusugan ng Medicare. Magagawa mong magsaliksik dito ng mga planong iniaalok sa iyong lugar at magpatala sa isang plano online.
DHCS (California Department of Health Care Services)
Alamin ang tungkol sa mga plano para sa Medi-Medi (tinatawag ding "mga dual eligible") gamit ang website ng DHCS. Maaari mong malaman dito ang tungkol sa kung aling mga plano ang iniaalok sa iyong county at kung paano sumali.
National Council on Aging
May impormasyon ang site na ito tungkol sa Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP), kung ano ang iniaalok nito, pagiging kwalipikado, mga benepisyo nito, at mga pangunahing petsa ng pagpapatala.
1 Batay sa Mga Ulat sa Pagpapatala ng Dept. of Health Care Services mula noong 11/25.
2 Kabilang sa Part A at B (Original Medicare) ang mga pagpapatingin sa doktor, pagsusuri sa laboratoryo, pananatili sa ospital, pangangalaga ng nurse, at iba pang pangunahin at pantahanang pangangalaga.
3 Ang mga benepisyo sa grocery, utilidad, at transportasyon ay bahagi ng isang espesyal na programang pandagdag para sa mga may malalang sakit. Hindi lahat ng miyembro ay kwalipikado.