Ang kanser sa cervix ay isang sakit na pinakakadalasang dulot ng Human Papilloma Virus (HPV) at kadalasang mapipigilan ito ng regular na PAP pag-screen at HPV pagsusuri. Ang PAP ay naghahanap ng mga cell sa cervix na posibleng maging kanser kung hindi magagamot. Nagsusuri ang HPV test para sa HPV impeksyon. Batay sa iyong edad, dapat kang i-screen para sa kanser sa cervix bawat 3-5 taon. Itanong sa iyong PCP kung anong screening ang naaangkop sa iyo at para malaman kung kailangan mo ng screening ngayon.

  • Ang mga nasa hustong gulang na may cervix na edad 21-29: tatanggap ng PAP screening bawat 3 taon
  • Ang mga nasa hustong gulang na may cervix na edad 30-65: tatanggap ng PAP screening bawat 3 taon o PAP test kasama ang HPV test bawat 5 taon.

Mga Pinagmulan: National Institutes of Health, nih.gov