Know Your Pharmacy Benefits
Simula Enero 1, 2022, ang benepisyo sa parmasya para sa mga miyembro ng SFHP ay ibibigay ng Medi-Cal Rx. Binabago nito ang paraan kung paano ibinibigay at pinopondohan ang karamihan sa iyong mga serbisyo sa parmasya pero hindi nito binabago ang iyong pagkwalipika o mga benepisyo sa Medi-Cal.

Sa iyong pagpapatingin, ipaalam sa iyong doktor kung sa aling parmasya ng network mo gustong kunin ang iyong mga gamot.

Para makuha ang iyong mga gamot, ipakita ang iyong ID Card ng Miyembro ng SFHP o ang iyong Medi-Cal Benefits Identification Card (BIC) sa tauhan ng parmasya. Ang mga miyembro ng Medi-Cal ay hindi magbabayad ng pera para sa mga gamot na saklaw ng kanilang benepisyo sa parmasya.

Sa medi-calrx.dhcs.ca.gov, makakahanap ka ng higit pang impormaasyon tungkol sa iyong benepisyo sa parmasya. Makikita mo ang pinaka-up-to-date na pormularyo ng Medi-Cal Rx at malalamam mo kung kasama rito ang iyong gamot. Malalaman mo kung nangangailangan ang iyong gamot ng paunang awtorisasyon o step therapy. Makikita mo ang mahahalagang form at makakapaghanap ng parmasya. May listahan din ng mga karaniwang itinatanong. Para ipadala ang mga sarili mong tanong, maaari kang magparehistro sa Medi-Cal Rx Beneficiary Portal para mag-email o mag-chat.

Kung hindi ka makakagamit ng internet o kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa kung aling mga gamot ang saklaw, pakitawagan ang Serbisyo sa Customer ng Medi-Cal Rx sa 1(800) 977-2273.