
Mga miyembrong mayroon ng parehong Medicare at Medi-Cal
Kung ikaw ay nasa parehong Medicare at Medi-Cal, San Francisco Health Plan (SFHP) ang magbabayad para sa pangangalagang saklaw ng Medi-Cal. Medicare ang pangunahin mong insurance. Nangangahulugan itong Medicare ang palaging magbabayad muna bago magbayad ang Medi-Cal.
Ang Medicare ay hiwalay sa Medi-Cal at may naiibang tuntunin mula sa Medi-Cal. Ang SFHP ay plano ng Medi-Cal at hindi nagbibigay ng Medicare coverage. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iyong coverage sa Medicare, basahin ang mga dokumentong natanggap mo mula sa programang Medicare o ng iyong Medicare plan.
Ano ang sinasaklaw ng SFHP/Medi-Cal?
Ang mga serbisyong binabayaran ng SFHP/Medi-Cal ay depende sa kung anong uri ng Medicare ang mayroon ka. Binabayaran ng SFHP ang pangangalaga na saklaw ng Medi-Cal na hindi sinasaklaw ng Medicare.
- Kung Orihinal na Medicare Part A lang ang mayroon ka, nasasaklawan ng Medicare mo ang mga serbisyo sa ospital, pero hindi ang mga pagbisita sa doktor at iba pang pangangalaga sa outpatient. Sasaklawan ng SFHP/Medi-Cal ang pangangalaga sa outpatient na makukuha mo mula sa mga provider ng SFHP na nasa network. Posibleng mangailangan ka ng paunang pag-apruba (paunang awtorisasyon) mula sa SFHP para magpatingin sa doktor naa nasa labas ng network.
- Kung Orihinal na Medicare Part B lang ang mayroon ka, nasasaklawan ng Medicare mo ang pangangalaga sa outpatient, pero hindi ang mga serbisyo sa ospital. Posibleng mangailangan ka ng paunang pag-apruba mula sa SFHP para makatanggap ng hindi emergency na pangangalaga sa isang ospital na nasa labas ng network.
- Kung mayrooon kang Orihinal na Medicare Part A at B o naka-enroll ka sa isang Part C na Medicare Advantage Plan, sasaklawan ng SFHP/Medi-Cal ang pangangalagang nasasaklawan ng Medi-Cal na hindi nasasaklawan ng Medicare mo.