Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo

Mga miyembrong mayroon ng parehong Medicare at Medi-Cal

Kung ikaw ay nasa parehong Medicare at Medi-Cal, San Francisco Health Plan (SFHP) ang magbabayad para sa pangangalagang saklaw ng Medi-Cal. Medicare ang pangunahin mong insurance. Nangangahulugan itong Medicare ang palaging magbabayad muna bago magbayad ang Medi-Cal.

Ang Medicare ay hiwalay sa Medi-Cal at may naiibang tuntunin mula sa Medi-Cal. Ang SFHP ay plano ng Medi-Cal at hindi nagbibigay ng Medicare coverage. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iyong coverage sa Medicare, basahin ang mga dokumentong natanggap mo mula sa programang Medicare o ng iyong Medicare plan.

Ano ang sinasaklaw ng SFHP/Medi-Cal?

Ang mga serbisyong binabayaran ng SFHP/Medi-Cal ay depende sa kung anong uri ng Medicare ang mayroon ka. Binabayaran ng SFHP ang pangangalaga na saklaw ng Medi-Cal na hindi sinasaklaw ng Medicare.

  • Kung Orihinal na Medicare Part A lang ang mayroon ka, nasasaklawan ng Medicare mo ang mga serbisyo sa ospital, pero hindi ang mga pagbisita sa doktor at iba pang pangangalaga sa outpatient. Sasaklawan ng SFHP/Medi-Cal ang pangangalaga sa outpatient na makukuha mo mula sa mga provider ng SFHP na nasa network. Posibleng mangailangan ka ng paunang pag-apruba (paunang awtorisasyon) mula sa SFHP para magpatingin sa doktor naa nasa labas ng network.
  • Kung Orihinal na Medicare Part B lang ang mayroon ka, nasasaklawan ng Medicare mo ang pangangalaga sa outpatient, pero hindi ang mga serbisyo sa ospital. Posibleng mangailangan ka ng paunang pag-apruba mula sa SFHP para makatanggap ng hindi emergency na pangangalaga sa isang ospital na nasa labas ng network.
  • Kung mayrooon kang Orihinal na Medicare Part A at B o naka-enroll ka sa isang Part C na Medicare Advantage Plan, sasaklawan ng SFHP/Medi-Cal ang pangangalagang nasasaklawan ng Medi-Cal na hindi nasasaklawan ng Medicare mo.

Available ang higit pang impormasyon tungkol sa mga benepisyo mo sa Medi-Cal sa iyong Handbook ng Miyembro ng SFHP.

Anong mga provider ang maaari kong makita?
  • Kung nakalista sa iyong SFHP Member ID Card ang “SFHP Direct Network” bilang medikal na grupo mo, nasa bago kang medikal na network na tinatawag na SFHP Direct Network (SDN). Hindi mo kailangang pumili ng provider ng pangunahing pangangalaga. Nangangahulugan ito na makakakuha ka ng pangangalaga mula sa alinmang provider ng SFHP na nasa network sa kahit anong medikal na pangkat. Para sa listahan ng mga provider ng Medi-Cal na available sa iyo, maghanap sa Direktoryo ng Provider ng SFHP.
  • Kung ang iyong SFHP Member ID Card ay naglilista ng medikal na pangkat na hindi SFHP Direct Network, magtatalaga sa iyo ng provider ng pangunahing pangangalaga na mamamahala sa iyong pangangalaga at magre-refer sa iyo sa mga espesyalista. Para sa listahan ng mga provider ng Medi-Cal sa iyong medikal na pangkat, maghanap sa Direktoryo ng Provider ng SFHP.

Tandaang puwede kang patuloy na magpatingin sa mga provider na tatanggap sa iyong Medicare coverage, kahit na ang mga provide na iyon ay hindi mga SFHP provider.

May mga tanong?

Para matuto pa tungkol sa iyong mga benepisyo sa Medi-Cal o para makakuha ng tulong sa paghahanap ng provider, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800 o 1(800) 288-5555 (toll-free), Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.