1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Medicare + Medi-Cal sa Iisang Madaling Plano

Makakuha ng higit pang saklaw at karagdagang benepisyo sa pamamagitan ng SFHP Care Plus. Para malaman ang higit pa, tumawag sa 1(888) 765-7327.
Magpa-appointment Online
Pumunta sa:  

Kunin ang Medicare + Medi-Cal mula sa Iyong Lokal na Provider ng Kalusugan

Sa loob ng halos 30 taon, ang San Francisco Health Plan ang #1 na pinipili ng SF para sa Medi-Cal. Ngayon, matutulungan ka naming makuha ang Medicare + Medi-Cal sa iisang plano sa pamamagitan ng SFHP Care Plus.

Bilang miyembro ng SFHP Care Plus, magagawa mong:

  • Makuha ang iyong mga benepisyo sa Medicare + Medi-Cal nang magkasama
  • Magbayad ng $0 para sa pangangalagang nasa network at mga premium
  • Panatilihin ang iyong mga lokal na doktor at klinika
  • Makakuha ng mga karagdagang benepisyo gaya ng pangangalaga sa ngipin, paningin, at acupuncture
  • Magkaroon ng personal na tagapamahala ng pangangalaga para matulungan kang makakuha ng kinakailangang pangangalaga

Makuha ang lahat ng ito, at suportang nagsasalita ng Cantonese, mula sa lokal na plano ng pangangalaga ng SF.


Ang Iyong Mga Benepisyo sa SFHP Care Plus

Pinapadali ng SFHP Care Plus ang iyong pangangalagang pangkalusugan. Makuha ang iyong mga benepisyo sa Medicare at Medi-Cal sa isang plano, sa isang card. At, magbayad ng $0 para sa pangangalagang nasa network at walang buwanang premium. Makakakuha ka rin ng mga libreng karagdagang benepisyo gaya ng pangangalaga sa ngipin, paningin, pandinig, at marami pa.

Tingnan ang Buong Listahan ng Mga Benepisyo

Narito ang maikling pasilip sa iyong mga benepisyo sa SFHP Care Plus:

Mga pagpapatingin sa doktor at ospital

Gamitin ang aming Direktoryo ng Provider para makita kung aling mga provider ang nasa SFHP Care Plus network.

  • $0 na copay at $0 na deductible para sa mga pagpapatingin sa doktor at ospital
Mga inireresetang gamot

Maghanap ng mga parmasyang nasa network at tingnan ang mga sinasaklaw na gamot: sfhp.org/tl/careplus-pharmacy.

  • $0 na copay para sa mga gustong generic at piling saklaw na gamot para makontrol ang mga hindi gumagaling na kundisyon gaya ng mataas na presyon ng dugo at diabetes
Over-the-Counter (OTC) SFHP Care Plus Card*

Makakuha ng $150 kada 3 buwan para gastusin sa mga sinasaklaw na item sa kalusugan tulas ng aspirin, mga bitamina, gamot sa sipon, at marami pa! Magagamit mo ang OTC Card sa mga aprubadong tindahan online o sa personal.

Pangangalaga sa ngipin

Nagbibigay kami ng pangangalaga sa pamamagitan ng Liberty Dental at Medi-Cal Dental:

  • $0 na gastusin para sa mga regular na check-up sa ngipin, kabilang ang mga paglilinis at x-ray
  • $0 na halaga para sa rebase ng pustiso at mga korona
  • Maaaring saklawin ang mga karagdagang serbisyo sa ilalim ng Medi-Cal Dental
Pangangalaga sa paningin

Makakuha ng pangangalaga sa mata mula sa mga provider ng VSP Vision Care sa Network ng "Advantage":

  • $0 na taunang regular na pagsusuri sa mata
  • $300 para sa mga pinagsamang frame/lens o contact lens bawat taon
Pangangalaga sa pandinig

Makuha ang pangangalaga sa pandinig na kailangan mo sa pamamagitan ng SFHP Care Plus:

  • $0 na taunang regular na pagsusuri sa pandinig
  • Mga pagsusuri at pagsusukat para sa mga hearing aid
  • Hanggang $2,000 para sa pinagsamang mga hearing aid para sa magkabilang tainga bawat taon
Acupuncture at Chiropractic na Pangangalaga

Makakuha ng acupuncture at chiropractic na pangangalaga sa pamamagitan ng American Specialty Health (ASH):

  • $0 na copay para sa hanggang 24 na pagpapatingin para sa acupuncture bawat taon
  • $0 na copay para sa hanggang 12 pagpapatingin para sa chiropractic na pangangalaga bawat taon
Mga karagdagang benepisyo para sa mga miyembrong may mga hindi gumagaling na kondisyon (SSBCI)**

Para sa mga kwalipikadong miyembro, nagbibigay ang SFHP Care Plus &more™ Card ng mga karagdagang benepisyo:

  • $20/buwan para sa masusustansyang pagkain/grocery kada taon
  • $20/buwan para sa mga utilidad (kuryente, tubig, heating, atbp.)
  • 24 na one-way na biyahe (simbahan, recreation center, grocery, tindahan, atbp.)

Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para alamin pa ang tungkol sa pagiging kwalipikado.

*Gamitin ang iyong SFHP Care Plus Card sa mga tindahan na tumatanggap nito, o mag-order online para sa home delivery.
**Ang mga benepisyo ng SSBCI ay bahagi ng isang karagdagang programa para sa may malalang sakit. Hindi lahat ng miyembro ay kwalipikado.

Kwalipikado ba Ako para sa SFHP Care Plus?

Ang SFHP Care Plus ay isang Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP), na tinatawag ding Medi-Medi plan. Kung kwalipikado ka sa parehong Part A at B ng Medicare, at kumpletong benepisyo sa Medi-Cal, maaari kang mag-enroll sa SFHP Care Plus.

Alamin ang higit pa tungkol sa pagiging kwalipikado at kung paano mag-enroll

Pinapasimple ng SFHP Care Plus ang Iyong Pangangalagang Pangkalusugan

  • Isang Member ID Card para makuha ang lahat ng iyong pangangalaga
  • Isang tawag lang sa telepono kapag kailangan mo ng tulong, na may suporta sa iyong wika
  • Isang tagapamahala ng pangangalaga para matulungan kang makakuha ng kinakailangan at napapanahong pangangalaga

At mula sa SFHP ang lahat ng ito, ang iyong lokal na provider ng pangangalagang pangkalusugan at #1 pinipili para sa Medi-Cal.

Makipag-usap sa isa sa aming Espesyalista sa SFHP Care Plus Medicare.

Matutulungan ka ng aming team na masulit ang iyong pangangalagang pangkalusugan. Maipapaliwanag namin ang Medicare, Medi-Cal, at tutulungan ka namin sa bawat hakbang.

Makipag-usap sa isa sa aming mga Espesyalista ng SFHP Care Plus Medicare para masagot ang iyong mga tanong.

Maaari kang sumagot sa isang online na form o tumawag sa amin para magpa-appointment:

1(415) 727-2273, 1(888) 765-7327 (toll-free), o 711 (TTY)
Oktubre 1 – Marso 31 – 8am – 8pm pitong araw kada linggo.
Abril 1 – Setyembre 30 – 8am – 8pm Lunes-Biyernes at sarado tuwing Weekend.

Sarado kami sa Memorial Day, Juneteenth, Araw ng Kalayaan, Araw ng Manggagawa, Thanksgiving, at Pasko.

SFHP Care Plus: Mga Madalas Itanong

Ang D-SNP ay isang uri ng Medicare Advantage (MA) plan, na tinatawag ding Medi-Medi plan. Iniaalok lang ang D-SNP sa mga taong “dual eligible” (mga taong parehong may Medicare at Medi-Cal).

Maaaring mahirap at nakakalito ang paggamit ng Medicare at Medi-Cal. Pinagsasama ng isang plano sa kalusugan ng D-SNP ang Medicare at Medi-Cal sa iisang plano, para gawing mas simple ang pagkuha ng mga benepisyo at pangangalaga.

Nagbibigay ang SFHP Care Plus ng coverage na pareho sa ibinibigay ng Medicare at Medi-Cal, AT mga dagdag na benepisyo at serbisyo, at naka-personalize na pangangalaga, nang wala kang dagdag na gagastusin sa lahat.

Oo, ang SFHP Care Plus ay isang HMO D-SNP plan. Ibig sabihin nito, dapat kang kumuha ng pangangalaga mula sa mga doktor at ospital na nasa network ng SFHP Care Plus.

Nakikipagtulungan ang SFHP Care Plus sa North East Medical Services (NEMS), isang sentrong pangkalusugan ng komunidad na nagseserbisyo sa iba’t ibang populasyon sa buong bansa. Ang NEMS ay nagbibigay ng serbisyo sa mga lubos na nangangailangan nito, at nagpapatakbo ng 28 klinika at site sa paghahatid ng serbisyo. Mayroon din itong mahigit 200 provider ng pangangalagang pangkalusugan na may espesyalisasyon sa maraming uri ng pangangalaga.

Nag-aalok ang NEMS ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa maraming wika at diyalekto, kabilang ang English, Cantonese, Mandarin, Toishan, Vietnamese, Burmese, Korean, Spanish, at Hindi.

Kung kailangan mo ng pang-emerhensiyang pangangalaga o mga serbisyo sa dialysis sa labas ng sineserbisyuhang lugar, maaari kang magpatingin sa mga provider na wala sa network ng SFHP Care Plus. Maaari ka ring kumuha ng agarang pangangalaga mula sa mga provider na wala sa network kung hindi mo ma-access ang mga provider ng network sa loob ng makatuwirang panahon para matugunan ang iyong mga agarang pangangailangan sa pangangalaga.

Kung ang iyong mga provider (mga doktor, ospital, parmasya, atbp.) ay nasa network ng SFHP Care Plus, maaari kang patuloy na magpatingin sa kanila at sasaklawin ang iyong pangangalaga.

Nakikipagtulungan ang SFHP Care Plus sa North East Medicare Services (NEMS). Nagpapatakbo ang NEMS ng 28 klinika at site ng paghahatid ng serbisyo at mahigit 200 provider ng pangangalagang pangkalusugan na may espesyalisasyon sa maraming uri ng pangangalaga. Nag-aalok ito ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa maraming wika at diyalekto, kabilang ang English, Cantonese, Mandarin, Toishan, Vietnamese, Burmese, Korean, Spanish, at Hindi

Kung kinakailangan, matutulungan ka naming lumipat sa bagong provider na nasa network ng NEMS.

Kung kailangan mo ng agaran o pang-emerhensiyang pangangalaga o mga serbisyo sa dialysis sa labas ng sineserbisyuhang lugar, maaari kang magpatingin sa mga provider na wala sa network ng SFHP Care Plus.

Kapag natapos mo na ang iyong Pagtatasa sa Panganib sa Kalusugan (Health Risk Assessment, HRA), magtutulungan kayo ng iyong pangkat sa pangangalaga para gumawa ng isang naka-personalize o pang-indibidwal na plano sa pangangalaga (individualized care plan, ICP). Titiyakin natin nang magkasama na makukuha mo ang suportang kailangan mo.

Makakakuha ka ng pangangalaga mula sa isang pangkat ng mga eksperto na ikinoordina ng SFHP. Tutulungan ka ng iyong tagapamahala ng pangangalaga ng SFHP Care Plus na alamin ang plano mo, mga provider mo, at mga serbisyo mo. Layunin nilang tiyakin na makukuha mo ang kailangan mo.

Hindi ka magbabayad ng anumang buwanang premium para sa iyong coverage sa kalusugan, kabilang ang premium sa Medicare Part B, dahil mayroon kang Medi-Cal.

Walang taunang deductible o bahagi sa gastos para sa pangangalagang medikal. Hindi ka mawawalan ng alinman sa iyong mga kasalukuyang benepisyo sa Medi-Cal. Bilang miyembro ng SFHP Care Plus, makakatanggap ka ng karagdagan at libreng coverage at mga benepisyo.

Mangyaring tandaan na para sa mga inireresetang gamot, magkakaroon ka ng maliit na copay para sa mga saklaw na gamot. Bilang miyembro ng D-SNP, makakakuha ka ng karagdagang tulong para mabawasan ang mga gastos para sa mga gamot sa Bahagi D. Mangyaring sumangguni sa handbook ng miyembro para sa higit pang impormasyon.

Mga Karagdagang Resource at Impormasyon

Maghanap pa ng impormasyon tungkol sa mga Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP) sa:

SFHP Care Plus Member Materials
Alamin pa ang tungkol sa SFHP Care Plus at maghanap ng mga kapaki-pakinabang na resource tulad ng Buod ng Mga Benepisyo, Handbook ng Miyembro, Listahan ng Mga Saklaw na Gamot, at Direktoryo ng Provider at Parmasya.

Medicare.gov
Ang website ng Mga Sentro para sa Mga Serbisyo ng Medicare at Medicaid (Centers for Medicare and Medicaid Services, CMS) ay makakapagbigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng mga plano sa kalusugan ng Medicare. Magagawa mong magsaliksik dito ng mga planong iniaalok sa iyong lugar at magpatala sa isang plano online.

DHCS (California Department of Health Care Services)
Alamin ang tungkol sa mga plano para sa Medi-Medi (tinatawag ding "mga dual eligible") gamit ang website ng DHCS. Maaari mong malaman dito ang tungkol sa kung aling mga plano ang iniaalok sa iyong county at kung paano sumali.

National Council on Aging
May impormasyon ang site na ito tungkol sa Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP), kung ano ang iniaalok nito, pagiging kwalipikado, mga benepisyo nito, at mga pangunahing petsa ng pagpapatala.

Ang SFHP Care Plus (HMO D-SNP) ay isang HMO plan na may kontrata sa Medicare at Medi-Cal. Nakadepende ang pagpapatala sa SFHP Care Plus sa pag-renew ng kontrata.
×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.