1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Makakuha ng Karagdagang Pangangalaga sa pamamagitan ng California Integrated Care Management (CICM)

Makakakuha ang ilang miyembro ng SFHP Care Plus ng benepisyong tinatawag na California Integrated Care Management (CICM). Matutulungan ka ng mga serbisyo ng CICM na manatiling malusog, kumonekta sa suporta at resource sa komunidad, at maabot ang iyong mga layuning pangkalusugan at panlipunan.

Paano Ako Magiging Kwalipikado para sa Mga Serbisyo ng CICM?

Bilang miyembro ng SFHP Care Plus, may pupunan kang taunang Pagtatasa sa Panganib sa Kalusugan (Health Risk Assessment, HRA). Nakakatulong ang HRA na malaman ng iyong team ng pangangalaga ang iyong mga pangangailangang pangkalusugan at panlipunan at kung paano nagbabago ang mga ito sa paglipas ng panahon. Nakakatulong din ang HRA na malaman ng iyong team ng pangangalaga kung makakakuha ka ng CICM.

Kung kwalipikado ka, tutulungan ka ng personal mong Tagapamahala ng Pangangalaga na makakuha ng mga serbisyo ng CICM.

Ang CICM ay para sa mga miyembro ng SFHP Care Plus na:

  • Maraming beses nang dinala sa Emergency Room o sa ospital
  • Nangangailangan ng tulong sa pabahay
  • Nangangailangan ng tulong sa kalusugan ng pag-iisip o paggamit ng droga o pag-inom ng alak
  • Mga nasa hustong gulang na nakatira sa komunidad na maaaring nangangailangan ng pangmatagalang pangangalaga
  • Mga nasa hustong gulang na nakatira sa isang nursing home na nais manirahan sa komunidad
  • Mga nasa hustong gulang na kakalaya lang sa pagkakabilanggo
  • Mga buntis o postpartum AT may lahi o etnisidad na may panganib para sa mas malalang resulta ng pangangalagang pangkalusugan sa panahon ng pagbubuntis
  • Na-diagnose ng Alzheimer’s o dementia, o may mga pangangailangan sa pangangalaga sa dementia

Matutulungan ka ng mga serbisyo ng CICM na:

  • Pabutihin ang iyong kalusugan
  • Kontrolin ang iyong mga kondisyon sa kalusugan
  • Malaman ang tungkol sa iyong mga gamot
  • Pangasiwaan ang iyong pangangalaga sa lahat ng iyong doktor at provider
  • Maghanap ng pagkain, masasakyan, pabahay, o iba pang serbisyo
  • Kumonekta sa pangangalaga sa komunidad na makakatulong sa iyo at sa iyong sistema ng suporta
Para matuto pa tungkol sa CICM, tawagan ang SFHP Care Plus Linya ng Pamamahala ng Pangangalaga sa 1(415) 615-4545 (TTY 711).

Mga Madalas Itanong (FAQs)

Nagbibigay ang California Integrated Care Management (CICM) ng karagdagang pangangalaga nang walang bayad para sa mga miyembrong may maraming pangangailangan sa kalusugan na gustong pagbutihin ang kanilang kalusugan.

Nagbibigay ang CICM ng maraming serbisyong makakatulong sa iyong manatiling malusog, kumonekta sa suporta sa komunidad, at maabot ang iyong mga layuning pangkalusugan at panlipunan.

Matutulungan ka ng mga serbisyo ng CICM na:

  • Maging konektado sa mga organisasyon sa komunidad sa San Francisco
  • Makakuha ng mga karagdagang resource para sa pagkain, pabahay, transportasyon, at marami pa
  • Makakuha ng mga serbisyong tulad ng Mga Pansuportang Serbisyo sa Tirahan (IHSS), mga pagkaing iniaangkop sa medikal na pangangailangan, at pangangalagang pangkalusugan ng pag-uugali
  • Makakuha ng mga referral para sa pangangalaga ng espesyalista
  • Makuha ang pangangalaga at pangangasiwang kailangan mo habang nasa ospital
  • Maunawaan ang iyong mga gamot, at siguruhing ginagamit mo ang mga ito nang tam

Tutulungan ka ng personal mong Tagapamahala ng Pangangalaga na makuha ang mga serbisyo ng CICM na kailangan mo. Kinokoordina nila ang iyong mga pangangailangang pangkalusugan at panlipunan sa lahat ng iyong provider, at nagbibigay ng tuloy-tuloy at naka-personalize na suporta.

Para makakuha ng CICM, dapat mong matugunan ang ilang partikular na pangangailangan. Kung nalalapat sa iyo ang alinman sa mga ito, maaaring makakuha ka ng CICM:

  • Kung ikaw ay nasa hustong gulang at walang maayos na pabahay sa ngayon
  • Kung ikaw ay nasa hustong gulang at may mga malalang isyu sa kalusugan at kinailangan mong pumunta sa ospital o departamento ng emergency nang maraming beses sa nakalipas na 6 na buwan
  • Kung ikaw ay nasa hustong gulang at may malubhang kondisyon sa kalusugan ng pag-iisip o may problema sa paggamit ng droga o pag-inom ng alak
  • Kung isa kang nasa hustong gulang na nakatira sa komunidad na maaaring nangangailangan ng pangmatagalang pangangalaga
  • Kung isa kang nasa hustong gulang na nakatira sa isang nursing home na nais manirahan sa komunidad
  • Kung ikaw ay isang nasa hustong gulang na pinalaya kamakailan sa pagkakabilanggo
  • Kung ikaw ay buntis o postpartum AT may lahi o etnisidad kang may panganib para sa mas malalang resulta ng pangangalagang pangkalusugan sa panahon ng pagbubuntis
  • Kung ikaw ay nasa hustong gulang na na-diagnose ng Alzheimer’s o dementia

Makipag-usap sa iyong personal na Tagapamahala ng Pangangalaga tungkol sa CICM. Matutulungan ka niyang makuha ang pangangalagang kailangan mo. Tumawag sa 1(415) 615-4545 (TTY 711).

Kung kwalipikado, maaari mong piliin kung gusto mong makakuha ng mga serbisyo ng CICM.

Sa pamamagitan ng SFHP Care Plus, makukuha mo ang CICM nang walang bayad.

Kung nakakatanggap ka ng mga serbisyo ng ECM sa pamamagitan ng SFHP sa panahong naging miyembro ka ng SFHP Care Plus, magiging kwalipikado ka para sa mga serbisyo ng CICM. Titiyakin naming patuloy mong matatanggap ang parehong pangangalagang kailangan mo sa pamamagitan ng SFHP Care Plus.

Para matuto pa tungkol sa CICM, tawagan ang Linya ng Pamamahala ng Pangangalaga ng SFHP Care Plus sa 1(415) 615-4545 (TTY 711).

Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng suporta, narito ang Serbisyo sa Customer ng SFHP para sa iyo. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm.

Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.

I-email: [email protected]

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.