North East Medical Services: Ang Iyong Network ng Pangangalaga
Nakikipagtulungan ang SFHP Care Plus sa North East Medical Services (NEMS) para mag-alok ng mahusay na coverage ng Medicare at Medi-Cal. Ang NEMS ay isang sentrong pangkalusugan ng komunidad na may mga provider na nakakakilala sa San Francisco at sa mga nakatira rito. Sa pamamagitan ng 28 klinika sa SF Bay Area at mahigit 200 provider na dalubhasa sa maraming uri ng pangangalaga, nag-aalok ang NEMS ng lokal at pinagkakatiwalaang network para sa pagkuha ng kinakailangang pangangalaga.
Sama-sama kaming nakatuon upang gawing naka-personalize at madaling gamitin ang iyong pangangalaga.
Pagkuha ng Kinakailangang Pangangalaga sa Tulong ng Iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP)
Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang iyong personal na doktor kung kailangan mong magpatingin, kung gusto mo ng payo tungkol sa problema sa kalusugan, o kung kailangan mong magpagamot kapag nagkasakit o nasaktan ka. Ang iyong PCP ay bahagi ng network ng pangangalaga ng NEMS, at tutulong silang ikoordina ang iyong pangangalaga at tutulungan ka nilang makakuha ng anumang serbisyo sa ospital na maaaring kailanganin mo.
Tingnan ang iyong Member ID Card para mahanap ang pangalan, numero ng telepono, at address ng iyong PCP.
Kung gusto mong baguhin ang iyong PCP o maghanap ng espesyalista sa network ng SFHP Care Plus, maghanap sa Directory ng Provider.
Ipaiskedyul ang Iyong Taunang Pagbisita para sa Wellness (AWV)
Sa bawat 12 buwan, mangyaring tiyaking ipaiskedyul ang iyong Taunang Pagbisita para sa Wellness (AWV) sa iyong PCP. Sinasaklaw namin ang pagbisitang ito nang wala kang babayaran.
Ang AWV ay isang mahalagang paraan para makilala mo ang iyong PCP. Sa pagbisitang ito, maaari kang:
- Magbahagi pa tungkol sa iyong mga pangangailangan at layunin sa kalusugan
- Bumuo ng plano sa pag-iwas sa sakit kasama niya batay sa iyong mga salik ng panganib sa kalusugan
- Makakuha ng suporta sa pagkain, pabahay, transportasyon, at higit pa
Para ipaiskedyul ang iyong AWV, maaari mong tawagan ang iyong PCP. Para mahanap ang kanyang numero ng telepono, tingnan ang harap ng iyong Member ID Card.