Abiso para sa mga miyembro ng Medi-Cal: Kailangan I-renew ang Iyong Medi-Cal? Mahalaga ang pag-renew ng iyong Medi-Cal nang nasa oras. Makakatulong ang SFHP. Matuto pa.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin





Pagsisimula sa Iyong Bagong Plano

Gusto naming tiyakin na makukuha mo ang pangangalaga at suportang kailangan mo para sa iyong pinakamagandang kalusugan. Bilang bagong miyembro, may tatlong mahalagang bagay na maaari mong gawin para maihanda ang iyong sarili para sa tagumpay:

  1. Punan ang iyong Pagtatasa sa Panganib sa Kalusugan (HRA).
    Kung hindi mo pa ito nagagawa, dapat mong kumpletuhin ang isang HRA sa una mong 90 araw bilang miyembro at i-update ito kada taon. Nakakatulong ang HRA sa iyong team ng pangangalaga na maunawaan ang iyong mga pangangailangan at layunin sa kalusugan. Kasama ang iyong Tagapamahala ng Pangangalaga at team ng pangangalaga, gagamitin ninyo ang HRA para magawa ang iyong Pang-indibidwal na Plano sa Pangangalaga (ICP).
    Ang iyong ICP ay isang plano sa pangangalaga na ginawa para lang sa iyo. Isinasaad nito kung ano ang mga serbisyong kailangan mo, ang iyong mga pangkalusugan at panlipunan layunin, at ang isang timeline para sa pagkuha ng kinakailangang pangangalaga. Gagamitin ng iyong team sa pangangalaga ang iyong ICP para mabigyan ka ng naka-personalize na pangangalaga at suporta.
  2. I-book ang iyong Taunang Pagbisita para sa Wellness (AWV).
    Tumutulong sa iyo ang iyong AWV na makilala mo ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) at manatiling malusog. Sinasaklaw namin ang pagbisitang ito kada 12 buwan nang wala kang babayaran. Tumawag sa iyong PCP para magpa-appointment. Makikita mo rito o sa iyong Member ID Card ang impormasyon ng iyong PCP.
  3. Kilalanin ang iyong personal na Tagapamahala ng Pangangalaga.
    Ang iyong Tagapamahala ng Pangangalaga ang iyong pangunahing contact at mapupuntahang resource para makakonekta sa pangangalaga. Nakikipagtulungan sila sa iyo, sa aming plano, at sa iyong team ng pangangalaga para magsaayos at maghatid sa iyo ng pinakamahusay na pangangalaga. Sa panahon mo sa SFHP Care Plus, sasamahan ka ng iyong Tagapamahala ng Pangangalaga sa bawat hakbang—titiyaking nakukuha mo ang pangangalang kailangan mo para makamit ang iyong mga layunin.

Alamin pa ang tungkol sa pamamahala ng kalusugan sa SFHP Care Plus: sfhp.org/careplus-caremanagement.

Maaari ka ring tumawag sa 1(415) 615-4545 (TTY 711) para makipag-ugnayan sa iyong Tagapamahala ng Pangangalaga.


Mga Susunod na Hakbang para Manatiling Malusog

Ang pagsagot sa iyong HRA, pagpunta sa iyong Taunang Pagbisita para sa Wellness, at pagkilala sa iyong Tagapamahala ng Pangangalaga ay ang tatlong mahalagang hakbang para matulungan kang manatiling malusog at makuha mo ang pinakamahusay na pangangalaga. Pero simula pa lamang ang mga ito! Kapag nakumpleto mo na ang mga hakbang na iyon, alamin ang iba pang benepisyo ng iyong plano, materyal, at higit pa:

  • Tuklasin ang iyong mga saklaw na benepisyo.
    Sa SFHP Care Plus, $0 ang babayaran mo para sa mga serbisyong medikal at walang buwanang premium. May karagdagan ka ring benepisyo nang walang bayad – dahil ang buong coverage ay hindi lamang sa mga taunang check-up. Nag-aalok kami ng mga karagdagang benepisyo tulad ng serbisyo sa paningin, ngipin, pandinig, at mga dagdag na benepisyo para sa mga miyembrong may malulubhang kondisyon (SSBCI) upang matulungan kang maabot ang iyong pinakamagandang kalusugan.
  • I-access ang iyong impormasyon sa kalusugan sa Portal ng Miyembro.
    Bisitahin ang Portal ng Miyembro para makita ang history ng iyong kalusugan, baguhin ang iyong PCP, humiling ng bagong ID card, at marami pa. Hindi pa naka-sign up? Pumunta sa sfhp.org/careplus-portal para gumawa ng bagong account (o mag-log in sa iyong kasalukuyang account).
  • Hanapin ang iyong mga pangmiyembrong materyal online.
    Bumisita sa sfhp.org/careplus-yourmaterials para makita ang mga pangmiyembrong materyal tulad ng Buod ng Mga Benepisyo, Listahan ng Mga Saklaw na Gamot, Direktoryo ng Provider at Parmasya, at higit pa. Maaari ka ring mag-request ng naka-print na kopya ng anuman sa materyal na ito sa pamamagitan ng pagtawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP, at ipapadala namin ito sa iyo sa koreo sa loob ng 3 araw ng negosyo.

Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng suporta, narito ang Serbisyo sa Customer ng SFHP para sa iyo. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm. Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.

I-email: [email protected]

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.