Mahal naming Miyembro ng SFHP: Hindi naabot ng Kongreso ang isang kasunduan sa pagpopondo para sa Fiscal Year 2026, at ang pederal na pamahalaan ay isinara noong Oktubre 1. Bagama’t hindi natin alam kung gaano katagal ang pagsasara, magpapatuloy ang SFHP sa mga operasyon nito bilang normal. Maa-access mo pa rin ang pangangalaga na kailangan mo. Nagsusumikap kaming matiyak na hindi magambala ang iyong access sa pangangalaga. Kung makaranas ka ng anumang isyu, makipag-ugnayan sa Customer Service ng SFHP sa 1(415) 547-7800 o nang toll-free sa 1(800) 288-5555 (puwedeng i-dial ng user ng TTY ang 711). Bukas kami mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00am hanggang 5:00pm.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-uugali

Maaaring mag-alok sa iyo ang Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pa-uugali ng San Francisco (SFBHS) ng suporta katulad ng:

  • Pagpapayo sa kalusugan ng pag-iisip
  • Isang tagapagpayo kaugnay ng paggamit ng droga
  • Impormasyon sa iyong mga benepisyo
  • Impormasyon sa mga provider sa iyong network
  • Impormasyon sa mga claim sa health insurance

Para matuto nang higit pa, tumawag sa 1(415) 255-3737 o 1(888) 246-3333 nang libre o 1(888) 484-7200 TTY.

988 Lifeline ng Pagpapakamatay at Krisis

Kung nagkakaroon ka ng isang krisis sa kalusugan ng pag-iisip ay maaari kang tumawag sa 988 upang makipag-usap sa isang sinanay na tagapayo sa isang lokal na sentro ng krisis. Maaari silang mag-alok sa iyo ng suporta para sa kung ano ang iyong pinagdadaanan. Sasagutin ng SFHP ang gastos para sa pangangalaga na ibinigay ng isang sentro ng tulong sa krisis o isang mobile crisis unit. Maaari kang makakuha ng serbisyong pangkalusugan ng isip mula sa anumang sentro ng tulong sa krisis o mobile na yunit, kahit na wala sila sa network ng mga provider ng SFHP. Maaari mong makuha ang pangangalaga na ito nang hindi kinakailangang kumuha ng pahintulot mula sa SFHP.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.