Mahal naming Miyembro ng SFHP: Hindi naabot ng Kongreso ang isang kasunduan sa pagpopondo para sa Fiscal Year 2026, at ang pederal na pamahalaan ay isinara noong Oktubre 1. Bagama’t hindi natin alam kung gaano katagal ang pagsasara, magpapatuloy ang SFHP sa mga operasyon nito bilang normal. Maa-access mo pa rin ang pangangalaga na kailangan mo. Nagsusumikap kaming matiyak na hindi magambala ang iyong access sa pangangalaga. Kung makaranas ka ng anumang isyu, makipag-ugnayan sa Customer Service ng SFHP sa 1(415) 547-7800 o nang toll-free sa 1(800) 288-5555 (puwedeng i-dial ng user ng TTY ang 711). Bukas kami mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00am hanggang 5:00pm.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Maghanap ng Parmasya

 

Maghanap sa San Francisco Mga Parmasya
Maghanap sa Lahat ng Parmasya

Bahagi ng iyong mga benepisyo sa planong pangkalusugan ang mga inireresetang gamot. Kapag kailangan mo ng gamot, irereseta ito ng iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga. Ang ilang gamot ay nangangailangan ng paunang awtorisasyon. Tiyaking sasabihin sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan na may pinipili kang parmasya upang maipadala ang iyong mga reseta sa tamang lokasyon ng parmasya. Upang makuha ang iyong mga gamot, ipakita ang iyong Healthy Workers HMO Member ID Card sa mga tauhan ng parmasya sa pinili mong parmasya.

Dagdag sa mga parmasyang makikita sa San Francisco na nakalista sa online na Tool sa Paghahanap ng Provider, may access ka sa mahigit 300 pang parmasya sa limang county na nakapalibot sa atin (Marin, Contra Costa, Alameda, Santa Clara, and San Mateo). Kung magbibiyahe ka nang malayo sa Bay Area at kailangan mong gamitin ang iyong benepisyo sa inireresetang gamot, maaaring tawagan ng karamihan ng parmasya sa buong bansa ang numero ng telepono sa likod ng iyong Member ID Card upang humingi ng emergency na awtorisasyon sa labas ng lugar ng serbisyo.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.