
Ang Oktubre ay Buwan ng Kaalaman sa Kanser sa Suso – Dapat ka bang magpa-screen?
Ang Screening para sa Kanser sa Suso ay isang Medi-Cal Benepisyo
Maaari kang i-screen para sa kanser sa suso kada 2 taon kung ikaw ay 50 hanggang 69 taong gulang.
Makakatulong ang pagpapa-screen para maiwasan ang pagkakasakit o makita ang kanser nang maaga bago pa ito lumala. Kausapin ang iyong PCP para malaman kung anong mga serbisyo ang pinakanaaangkop sa iyo.
Mga Rekomendasyon sa Screening para sa Kanser sa Suso
Ang United States Preventive Services Task Force (USPSTF) ay pinapangunahan ng mga eksperto sa kalusugan na nagpapasya kung ano ang pinakamahusay na paraan para pigilan ang mga sakit. Nagbibigay rin sila ng gabay sa kung paano makaiwas sa mga sakit o makita nang maaga ang mga ito.
TInirerekomenda ng USPSTF na magpa-mammogram kada 2 taon kung ikaw ay 50 hanggang 74 taong gulang.
Kausapin ang iyong PCP kung mas malaki ang iyong panganib na magkaroon ng kanser sa suso. Itanong kung gaano kadalas ka dapat magpa-screen batay sa iyong panganib. Kung mas malaki ang iyong panganib, posibleng makapagpa-mammogram ka bago ka sumapit ng 50 taong gulang.
Pinagmulan: Screening for Breast Cancer (CDC)