Digital Media

Ang tagal ng paggamit ay ang oras na ginugugol ng iyong anak sa pagtingin sa smart phone, TV, o computer. Posibleng magkaroon ng malaking epekto sa kalusugan ng iyong anak ang tagal ng paggamit. Makakaapekto ito sa pagsasalita, mga kasanayan sa pagbabasa, memorya, at tulog ng iyong anak. Iminumungkahi ng mga eksperto:

  • Mga batang wala pang 18 buwan – Subukang laktawan ang lahat ng digital media. Ok ang pakikipag-video chat.
  • Mga batang 18 buwan hanggang 2 taong gulang – Kung gusto mong magpasok ng digital media, piliin ang mataas na kalidad na programming. Huwag hayaan ang iyong anak na manood nang mag-isa. Panoorin ito nang magkasama.
  • Mga batang 2 hanggang 5 taong gulang – Payagan lang ang 1 oras ng mataas na kalidad na programming bawat araw. Panoorin ito nang magkasama.
  • Mga batang 6 hanggang 18 taong gulang – Pagpasyahan ang takdang tagal ng mga oras bawat araw para sa lahat ng uri ng media.

Para sa mga bata ng lahat ng edad: Suportahan ang oras ng pamilya na walang gadget, lalo na habang kumakain. Kapag pinanatiling interactive at walang gadget ang oras ng paglalaro ng magulang at anak, makakatulong itong mas palakasin ang mga ugnayan ng pamilya. Para sa mas magandang tulog, dapat tapusin ang tagal ng paggamit isang oras bago ang oras ng pagtulog. Makakatulong din sa iyong anak na matulog nang mas maayos ang pagtatanggal ng mga computer, TV, at smartphone sa kuwarto ng anak mo. Gumawa ng plano sa media ng pamilya at ibahagi ito sa iba pang tagapag-alaga ng iyong anak. Para matulungan ang iyong pamilya na bumuo ng plano sa digital media, bisitahin ang HealthyChildren.org/MediaUseplan.