
Tulungang matiyak na umuunlad ang iyong mga anak
Mahalaga ang screening para sa mga milestone sa pag-unlad ng bata. Sa mga pagsusuring ito, matitiyak na ang pag-unlad ng iyong anak ay nasa tamang landas sa pamamagitan ng pagsuri kung paano siya magsalita, gumalaw, matuto, at maglaro sa isang partikular na edad. Iminumungkahi ng American Academy of Pediatrics na dapat gawin ang mga screening sa edad na 9 na buwan, 18 buwan, at 30 buwan. Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP) ay maaaring magsagawa ng isang partikular na screening para sa autism spectrum disorder (ASD) sa edad na 18 buwan at 24 na buwan.
Ano ang Aalamin sa Edad na 2
Sa edad na 2, dapat nagagawa na ng iyong anak na:
- Bumigkas ng mga hindi nauunawaang salita, magturo , o gumawa ng iba pang kilos na tulad ng pagtango para sumagot ng “oo“ simula sa edad na humigit-kumulang 12 buwan.
- Bumigkas ng mga paisa-isang salita sa edad na 16 na buwan.
- Bumigkas ng hindi bababa sa 2 salita na magkasama na tulad ng “gatas pa” sa edad na 24 na buwan.
- Maglakad o sumipa ng bola sa edad na 18 buwan.
Matuto pa tungkol sa mga milestone ng bata sa CDC.gov.
Makakatulong ang Sparkler App!
Maaari kang magsagawa ng mga screening sa pag-unlad mula sa bahay gamit ang Sparkler app. Maaari kang maglaro ng mga nakakatuwang laro kasama ang iyong mga anak habang isinasagawa ang mahahalagang pagsusuri.
Ang Sparkler app ay nagbibigay sa iyo ng access sa mga larong makakatulong na mapukaw ang interes sa pagkatuto ng iyong anak. Kapag ginamit mo ang app, makakatiyak kang ang paglaki at pag-unlad ng iyong anak ay nasa tamang landas.
I-download ang app sa 1236766824" target="_blank">App Store o Google Play para makapagsimula ngayon. Maaari mong gamitin ang app sa Ingles, Espanyol, at Chinese. Gamitin ang access code na SF kapag nag-sign up.
Makakuha ng $50 na gift card para sa pagsasagawa ng screening sa pag-unlad sa tulong ng PCP ng iyong anak.
Ang Sparkler app ay isang paraan upang matiyak na lumalaki at umuunlad nang maayos ang iyong anak. Tiyaking makikipagkita ka rin sa PCP ng iyong anak upang pag-usapan ang mga resulta sa app. Kung makikipagkita ka sa PCP ng iyong anak para sa isang screening sa pag-unlad sa tanggapan , awtomatiko kang makakakuha ka ng $50 na gift card! Dapat ay nasa edad na 0 hanggang 36 na buwan (3 taon) ang iyong anak upang makuha ang gift card. Mangyaring maglaan ng 8 linggo para sa pagdating ng iyong gift card sa koreo.
Matuto pa sa Mga Health Reward ng SFHP.