
Gusto ng lahat ng magulang na maging malusog at masaya ang kanilang mga anak. Ibig sabihin, paglalaro at pagiging aktibo, pagkain ng masusustansyang pagkain, at pagiging mahusay sa bahat at sa paaralan. Upang magawa ito, kailangan ng mga bata ng sapat na tulog.
Iminumungkahi ng mga eksperto sa pagtulog na ganito kahabang tulog ang makuha ng iyong anak:
- Mga sanggol na 4 hanggang 12 buwang gulang: 12 hanggang 16 ba oras (oras ng gabi at mga pag-idlip)
- Mga batang 1 hanggang 2 taong gulang: 11 hanggang 14 na oras (oras ng gabi at mga pag-idlip)
- Mga batang 3 hanggang 5 taong gulang: 10 hanggang 13 oras (oras ng gabi at mga pag-idlip)
- Mga batang 6 hanggang 12 taong gulang: 9 hanggang 12 oras
- Mga teen na 13 hanggang 18 taong gulang: 8 hanggang 10 oras
Kausapin ang doktor ng iyong anak kung ang iyong anak ay naghihilik, nahihirapan sa pagtulog, pananatiling tulog, o paggising, o inaantok sa araw.
Source: American Academy of Sleep Medicine, aasmnet.org