Makakakuha ang ilang miyembro ng $50 na gift card para sa pagsusuri sa colon cancer

Ano ang colorectal (colon) cancer?

Ang colorectal cancer ay kapag ang mga selula sa iyong colon o tumbong ay nagsisimulang lumaki nang hindi makontrol. Tinatawag itong colon cancer kung minsan. Kilala rin ang colon bilang malaking bituka. Ang tumbong ay ang dulong bahagi ng colon na nakakonekta sa butas ng puwit. Kadalasang nagsisimula ang colon cancer bilang polyp o isang paglaki ng mga selula. Hindi dapat ikabahala ang karamihan sa mga polyp, ngunit maaaring humantong sa cancer ang ilan kung hindi masusuri ng isang doktor.

Ano ang mga salik ng panganib?

Maaaring mas mataas ang panganib na magkaroon ka ng colon cancer dahil sa ilang bagay, tulad ng:

  • Iyong Edad:
    Mas mataas ang panganib sa mga taong may edad na 50+
  • Etnisidad:
    Pagiging Black/African American o pagkakaroon ng lahing Eastern European
  • Diyeta:
    Pagkain ng masyadong maraming processed meat (tulad ng bacon at mga deli meat)
  • Kasaysayan ng pamilya:
    Nagkaroon ka ba o ang iyong pamilya ng colon cancer dati? O ng iba pang sakit tulad ng Crohn’s o Ulcerative Colitis?

Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP) tungkol sa pagpapasuri para sa colon cancer. Ang isang PCP ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner. Nagbibigay-daan ang mga maagang pagsusuri na magamot ng iyong PCP ang anumang polyp bago ito maging cancer. Tumutulong ang pagsusuri na maagang mahanap ang mga polyp na ito kung kailan pinakakapaki-pakinabang ang paggamot.

Makatanggap ng $50 na gift card para sa iyong unang pagsusuri para sa colon cancer

Nag-aalok ang SFHP ng $50 na gift card sa mga Black/African American para sa kanilang screening para sa colon cancer. Kung isa kang Black/African American at 45 taon gulang o mas matanda, makipag-usap sa iyong PCP para ipaiskedyul ang pagsusuri mo. Awtomatikong ipapadala sa koreo ang iyong $50 na gift card pagkalipas ng 5 linggo pagkatapos ng iyong pagbisita. Matuto pa sa Mga Gantimpala sa Kalusugan ng SFHP.