
Maaari mong maramdaman na napipigilan ka ng iyong pananakit na mamuhay nang “normal”. Maaaring naiinis ka dahil napipigilan ka ng iyong pananakit na magawa ang mga bagay na nae-enjoy mo. Nakalista sa ilang gamot sa pananakit ang depresyon bilang side effect.
Mahirap para sa katawan at isip ang pananakit. Matutulungan ka ng mga therapist o tagapayo na isipin ang iyong pananakit sa mga bagong paraan. Matuturuan ka nila ng mga kasanayang makakatulong sa iyo na magrelaks at mas madamang ikaw ang may kontrol.
Ang Carelon Behavioral Health ay may mga therapist na may espesyal na pagsasanay na makakatulong sa iyong maunawaan at makayanan ang iyong pananakit. Humingi sa iyong doktor ng referral sa isang therapist o tawagan ang Carelon Behavioral Health sa 1(855) 371-8117.