
Ano ang mga migraine?
Ang mga migraine ay mga pananakit ng ulo na tumatagal nang ilang oras hanggang ilang araw. Maaaring magdulot ng pagduruwal at pagsusuka ang mga ito. Maaari kang maging sensitibo sa liwanag at tunog dahil sa mga ito. Kung minsan, ang mga pag-atake ng migraine ay may kasamang iba pang isyu tulad ng mga pagkislap ng liwanag, iba pang pagbabago sa paningin, o pamamanhid sa iyong kamay o mukha. Kapag napakalakas ng mga migraine, maaaring mahirap gawin ang mga bagay na karaniwan mong ginagawa.
Paggamot at pag-iwas sa mga migraine
Nakatuon ang ilang paggamot sa pagpapagaan ng mga sintomas sa panahon ng migraine at nakatuon ang ilan sa pag-iwas. Sa paglipas ng panahon, ang paulit-ulit na paggamit ng ilang gamot para sa pagpapagaan ng mga sintomas ay maaaring humantong sa mas maraming migraine.
Kung nakakaranas ka ng mga madalas o malubhang migraine, maaaring kailanganin mong uminom ng mga gamot upang maiwasan ang mas maraming pag-atake.
Ang pag-iwas ay maaaring humantong sa
- Mas kaunting migraine
- Mga hindi gaanong malubhang migraine
- Mas maiikling migraine
Kausapin ang iyong doktor
Mahalagang makipag-usap sa iyong doktor, nurse, o assistant ng doktor upang malaman ang mga pinakamainam na opsyon para sa iyo.
Upang matuto pa: medlineplus.gov/migraine.html