
Ikaw ba o ang isang kapamilya ay kasalukuyang may health coverage sa Medi-Cal? Kung gayon, ito ang dapat mong gawin para panatilihin ang iyong Medi-Cal.
Abangan ang Medi-Cal renewal letter sa mail mula sa Opisina ng San Francisco Medi-Cal. Siguraduhing ang iyong pangalan, address, email address, at telepono ay up-to-date sa Opisina ng San Francisco Medi-Cal. Maaari mong ibigay sa iyong county ang iyong impormasyon sa mail, telepono, nang personal, o online.
Kung mayroon kang Medi-Cal, susubukan ng iyong local county office na i-renew ang iyong Medi-Cal. Gagamitin nila ang impormasyon na nasa kanila. Hihingan ka lamang ng local county office ng karagdagang impormasyon kung kailangan nila ito upang i-renew ang iyong Medi-Cal. Kung nakatanggap ka ng renewal packet o sulat na humihingi sa iyo ng karagdagang impormasyon, maaari mong ibigay ang impormasyon sa mail, telepono, nang personal, o online.
Kung ang iyong impormasyon ay nagbago, maaari mo itong i-update online sa benefitscal.com o kaya’y tumawag sa 1(855) 355-5757.
Tandaan: I-update ang iyong address, kung ito’y nagbago. Ayaw naming ma-miss mo ang mahalagang mail na ito para mapanatili mo ang iyong Medi-Cal.
Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon, tingnan ang aming FAQ na seksyon para sa mga sagot sa sfhp.org/renew.