Maraming screening ang kailangan ng anak mo habang lumalaki siya, mula sa pagkasilang hanggang 21 taong gulang. Gusto kang matulungan ng doktor mo na subaybayan ang lahat ng appointment at screening na kinakailangan para sa anak mo. Matutulungan ka ng blog na ito na malaman kung ano na ang dapat kunin ng anak mo.
May 3 uri ng inirerekomendang screening para sa mga bata sa kanilang provider ng pangunahing pangangalaga* (primary care provider, PCP):
- Mga Pagpapatingin ng Batang Walang Sakit
- Mga Screening ng Pag-unlad
- Screening sa Lead sa Dugo
Mga Pagpapatingin ng Batang Walang Sakit: Ano ang Nangyayari sa Pagpapatingin ng Batang Walang Sakit?
Gagawin ng PCP ng iyong anak na:
- Suriin ang kanyang timbang at paglaki
- Magbigay ng mahahalagang bakuna
- Magbahagi ng anumang tip sa pagpapakain, pagpapatulog, at marami pa
Nakaiskedyul ang mga pagpapatinging ito para masigurong lumalaki ang iyong anak tulad nang inaasahan. Nasa ibaba ang iminumungkahing iskedyul:
- 3 hanggang 5 araw na gulang
- Humigit-kumulang 1 buwan
- 2 buwan
- 4 na buwan
- 6 na buwan
- 9 na buwan
- 1 taon
- 15 buwan
- 18 buwan
- 2 taon
- 30 buwan
- 3 taon
Pagkalipas ng edad na 3, kadalasang iniiskedyul ang mga pagpapatingin ng batang walang sakit kada taon hanggang teenager. Mahalagang pumunta sa mga pagpapatinging ito, kahit na walang sakit ang anak mo.
Screening ng Pag-unlad: Ano ang nangyayari sa screening ng pag-unlad?
Tumitingin ang PCP ng iyong anak ng mga senyales ng pagsasalita, paglalakad, at iba pang senyales ng pag-unlad sa mga screening na ito. Nangyayari ang mga screening na ito sa 9, 18, 24, at 30 buwang gulang. Puwedeng makita ang mga pagkaantala sa pag-unlad o autism spectrum disorder (ASD) sa mga pagpapatinging ito.
Ang ilang senyales na tinitingnan ng mga PCP ay ang:
- Hindi makadaldal, makaturo, o makagawa ng iba pang galaw pagsapit ng 12 buwan (1 taon).
- Hindi makapagsalita ng isang salita sa edad na16 na buwan (1 taon at 4 na buwan).
- Hindi makapagsalita ng pariralang may dalawang salita sa edad na 24 na buwang (2 taong) gulang.
- Nag-uulit ng mga parirala (tinatawag na echolalia).
- Hindi naglalakad pagsapit ng 18 buwan (1 taon at 6 na buwan).
- Pagkawala ng mga kasanayang pangwika o pakikihalubilo sa anumang edad.
Gamitin ang Sparkler app para subaybayan ang pag-unlad ng iyong sanggol. Nag-aalok ang app ng mga laro para maengganyo ang iyong anak sa anumang edad. Alamin pa ang tungkol sa app dito.
Screening sa Lead sa Dugo: Paano ko poprotektahan ang aking anak?
Walang ligtas na antas ng lead sa dugo para sa mga bata. Puwedeng maapektuhan kahit ng mabababang antas ng lead ang pag-unlad ng iyong anak. Puwedeng malantad sa lead ang iyong anak sa pamamagitan ng paglunok o paglanghap ng lead o pulbos ng lead. Ang pinakamainam na paraan para malaman kung nalantad sa lead ang iyong anak ay sa pamamagitan ng screening sa lead sa dugo.
Kailan mo dapat ipa-screen ang iyong anak para sa lead sa dugo?
Sini-screen ang mga bata nang 12 buwan (1 taon) at 24 na buwan (2 taon). Kung hindi pa nasi-screen ang iyong anak, dapat siyang ma-screen sa pagitan ng 24 na buwan (2 taon) at 72 buwang (6 na taong) gulang.
Ang pagsusuri ay simpleng turok sa daliri o sakong na nagbibigay ng mabibilis na resulta. Maaaring magsagawa ng pagsusuri ng pagpapatunay kung kinakailangan.
Puwedeng simulan ng PCP ng iyong anak ang paggamot para alisin ang lead kung magpopositibo ang anak mo. Alamin pa ang tungkol sa screening sa lead sa dugo rito.
Maraming screening na makakatulong na panatilihing lumalaking malusog ang anak mo. Tingnan ang aming page ng Pediatric Health para sa chart na titingnan kung kailan takdang mapa-screen ang anak mo. Walang bayad ang lahat ng serbisyong ito. Siguruhing maganda at malusog ang kinabukasan ng anak mo. Tawagan ang iyong PCP para ipaiskedyul ang iyong mga pagpapatingin!
Pagkatapos mong dalhin ang iyong anak para makakuha ng 6 o higit pang pagpapatingin ng batang walang sakit sa loob ng unang 15 buwan (1 taon at 3 buwan) ng buhay ng iyong anak, awtomatiko kang makakakuha ng $50 na gift card sa koreo. Kung makikipagkita ka sa PCP ng iyong anak para sa screening sa pag-unlad sa tanggapan, awtomatiko kang makakakuha ka ng $50 na gift card! Dapat ay nasa edad na 0 hanggang 36 na buwan (3 taon) ang iyong anak para makuha ang gift card. Maglaan ng 8 linggo para sa pagdating ng iyong gift card sa koreo.
*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.