Tinataya ng National Cancer Institute na humigit-kumulang 4,000 kababaihan sa U.S. ang namamatay bawat taon dahil sa kanser sa cervix. Kadalasang natatagpuan ang kanser sa cervix sa mga kababaihang nasa edad 35 hanggang 44, at ang karaniwang edad ng pagkakaroon nito ay mga 50 taong gulang. Ngunit maaari kang gumawa ng mga hakbang upang maiwasan o maagang makita ang kanser sa cervix sa pamamagitan ng regular na screening.
- Regular na magpa-screening simula sa edad na 21. Sinusuri ng mga screening ang mga selula sa cervix para sa anumang pagbabago na maaaring mauwi sa kanser. Kapag natukoy nang maaga, maaaring magamot ang mga pagbabagong ito bago pa magsimula ang kanser.
- Magtanong. May kasamang pagsusuri ng balakang ang mga screening. Kung kinakabahan ka o hindi komportable, makipag-usap sa iyong doktor. Gusto ka nilang suportahan.
- Sundin ang inirerekomendang iskedyul.
- Edad 21–29: Pap test kada 3 taon.
- Edad 30–65: HPV (human papillomavirus) screening kada 5 taon, o pap test kada 3 taon, o HPV + Pap (co-testing) kada 5 taon.
- Ituloy ang plano mo. Maaaring baguhin ng doktor mo ang iskedyul batay sa mga pangangailangan mo.
- Makakuha ng mga screening nang walang bayad. Saklaw para sa mga miyembro ng SFHP ang mga screening ng kanser sa cervix.
Tawagan ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP) o OB-GYN ngayong araw para magpa-appointment! Ang iyong OB-GYN ay ang personal na doktor mo kung kailangan mong magpatingin, gusto mo ng payo sa problema sa kalusugan, o kung may sakit o napinsala ka.
