Impormasyon sa Karaingan at Apela
Mag-ulat ng Problema o Maghain ng Karaingan o Apela
May ANIM na paraan para maghain ng karaingan
- Online sa pamamagitan ng pagsagot sa Form ng Karaingan na ito.
- Kung mayroon kang mga tanong, mangyaring tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP:
- Kung ikaw ay isang miyembro ng SFHP Medi-Cal at/o SFHP Healthy Workers HMO mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.
- Kung ikaw ay isang miyembro ng SFHP Care Plus mangyaring tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (libreng tawag), o 711 (TTY). Ang serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus ay available mula 8:00am-8:00pm 7 araw sa isang linggo mula Oktubre hanggang Marso, at mula 8:00am- 8:00pm Lunes-Biyernes mula Abril hanggang Setyembre.
- Puwede ka ring personal na maghain ng karaingan.
- Ang address ng aming Sentro ng Serbisyo ay 550 Kearny Street, Lower Level, San Francisco, CA 94108. Ang Mga Oras na Bukas ang Opisina ay Lunes-Miyerkules at Biyernes 8:30am – 5:00pm; Huwebes 8:30am – 3:00pm. Tumawag sa 1(415) 777-9992 upang mag-iskedyul ng appointment.
- Gumawa ng sulat na naglalarawan sa problema at ipadala ito sa San Francisco Health Plan. Para sa address, mangyaring bisitahin ang pahina ng Contact Us o mangyaring tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP sa numero ng teleponong nakalista sa ibaba.
- I-download at kumpletuhin ang isang Form ng Karaingan sa wikang ginagamit mo:
- Puwede ka ring maghain ng karaingan nang direkta sa opisina ng iyong doktor. Kailangan ang iyong pahintulot sa mga karaingan at apelang inihain ng provider o iba pang third party sa ngalan mo. Mangyaring pasagutan sa provider o third party ang Form ng Pahintulot sa Karaingan at Apela kung maghahain sila ng karaingan o apela para sa iyo.
Form ng Pahintulot para sa Apela at Karaingan
Paglutas sa Mga Problema
Nais ng San Francisco Health Plan na magkaroon ka ng pinakamahusay na pangangalaga at serbisyo hangga’t maaari. Gusto naming marinig mula iyo kapag nasisiyahan ka sa iyong mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, at kung kailangan mo ng tulong, gusto naming makatulong sa iyo sa paglutas ng anumang problema na maaaring nararanasan mo.
Kung may problema, subukang tugunan ito sa unang pagkakataon na mapansin mo ito. Ang pakikipag-usap sa primary care provider (PCP) ng iyong pamilya o sa iba pang provider ang maaaring pinakamainam na paraan upang malutas kaagad ang isyu.
Makikipagtulungan kami sa iyo upang maayos ang problema. Kung hindi namin malulutas ang problema, maaari kang maghain ng pormal na reklamo or “karaingan,” na anumang pagpapahayag ng pagkadismaya.
Proseso ng mga Apela
Kung hindi kayo sumasang-ayon sa isang desisyon na ginawa para sa inyong medikal na paggamot, maaari kayong humiling ng apela.
Kung miyembro kayo ng Medi-Cal, mayroon kayong 60 araw mula sa petsa ng sulat na “Abiso sa Pagkilos” upang magsampa ng apela. Ngunit, kung kasalukuyan kayong tumatanggap ng paggamot at gusto ninyong patuloy na matanggap ang paggamot, kailangan ninyong humingi ng apela sa loob ng 10 araw mula sa petsa na itinatak ng koreo sa sulat na ito o mula sa petsa kung kailan ito naihatid sa inyo, O KAYA bago ang petsa na sinasabi ng inyong planong pangkalusugan na mahihinto ang mga serbisyo. Kailangan ninyong sabihin na gusto ninyong ipagpatuloy na tanggapin ang paggamot kapag magsasampa kayo ng apela.
Kung miyembro kayo ng Healthy Workers HMO, mayroon kayong 180 araw mula sa petsa ng sulat na “Abiso sa Pagkilos” upang magsampa ng apela. Mangyaring makipag-ugnayan sa San Francisco Health Plan tungkol sa kung paano magsampa ng apela sa telepono, sa sulat, o sa elektronikong paraan.
Kung miyembro kayo ng SFHP Care Plus, mayroon kayong 65 araw magmula sa petsa ng sulat na ito na “Paunawa tungkol sa Aksyon” upang magsampa ng apela.
May 30 araw ang San Francisco Health Plan upang bigyan kayo ng sagot. Para sa mga apela ng Medicare Part B o Part D, makakatanggap kayo ng sagot sa loob ng 7 araw.
Sa panahong iyon, makakatanggap kayo ng sulat na “Paunawa Tungkol sa Resolusyon sa Apela” o “Desisyon sa Coverage”. Sasabihin sa inyo ng sulat na ito kung ano ang desisyon ng planong pangkalusugan.
Kung sa tingin ninyo ay makakasama sa inyong kalusugan ang paghihintay nang 30 araw, maaari kayong makakuha ng sagot sa loob ng 72 oras. Kapag isinasampa ninyo ang inyong apela, sabihin kung bakit ang paghihintay ay makasasama sa inyong kalusugan. Siguraduhing hihiling kayo ng “pinabilis na apela.”
Tanggapan ng Ombudsman para sa Medi-Cal
Kung isa kang miyembro ng Medi-Cal o SFHP Care Plus at nagkakaproblema ka sa pagkuha ng mga serbisyo, o kung may iba ka pang reklamo, may karapatan ka ring makipag-ugnayan sa Opisina ng Ombudsman ng Department of Health Care Service o sa California Department of Social Services upang humiling ng Pagdinig ng Estado. Ang Patas na Pagdinig na ito ay isang pang-administratibong pamamaraan kung saan maaaring direktang iharap ng mga miyembrong may karaingan ang kanilang mga kaso sa Estado ng California para sa resolusyon.
Matatawagan ang Tanggapan ng Ombudsman nang walang bayad sa 1(888) 452-8609. Ang numero ng TTY ay 1(800) 952-8349. Ang mga oras na bukas ang opisina ay Lunes-Biyernes, 8:00am – 5:00pm, sarado ito sa mga holiday ng Estado.
Maaari kang humiling ng isang Pagdinig ng Estado sa pamamagitan ng pagtawag sa: 1(800) 743-8525 o TTY 1(800) 952-8349. Maaari kang humiling ng pagdinig sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Maaari kang humiling ng pagdinig online sa CDSS.CA.GOV
- Maaari mong punan ang form na ito at I-FAX ito sa Mga Pagdinig ng Estado nang walang bayad sa 1-833-281-0903
- Maaari mong punan ang form na ito at i-email ito sa [email protected]
(Tandaan: Kung ipinadala mo ito sa pamamagitan ng email, mangyaring intindihin na may panganib na maaaring maharang ang iyong email ng isang tao na hindi mula sa Dibisyon ng mga Pagdinig ng Estado. Mangyaring isaalang-alang ang paggamit ng isang mas ligtas na pamamaraan ng pagpapadala ng iyong kahilingan.)
- Puwede mo ring ipadala sa pamamagitan ng koreo ang Kahilingan sa Pagdinig ng Estado na ito sa:
California Department of Social Services
State Hearings Division
744 P Street, MS 9-17-433
Sacramento, CA 95814
Kapag gumawa ka ng sulat upang humiling ng Pagdinig ng Estado, tiyaking isasama ang iyong pangalan, address, numero ng telepono, numero ng Social Security, at ang dahilan kung bakit gusto mo ng Pagdinig ng Estado. Kung may tumutulong sa iyo sa paghiling ng Pagdinig ng Estado, idagdag ang kanyang pangalan, address, at numero ng telepono sa form o sulat. Kung kailangan mo ng libreng tagapagsalin, sabihin sa amin kung ano ang wikang ginagamit mo.
Pagkatapos mong humiling ng pagdinig, maaaring abutin nang hanggang 90 araw bago mapagpasyahan ang iyong kaso at makapagpadala ng sagot sa iyo. Kung naniniwala ka na lubhang makakaapekto ang paghihintay nang ganoon katagal sa iyong buhay o kalusugan o sa kakayayan mong makamit, mapanatili o maibalik ang pinakamabuting kundisyon, humingi ng sulat sa iyong doktor o sa San Francisco Health Plan . Dapat ipaliwanag sa sulat kung paano lubhang maaapektuhan ang iyong buhay o kalusugan o ang kakayahan mong makamit, mapanatili o maibalik ang pinakamabuting kundisyon dahil sa paghihintay nang hanggang 90 araw bago mapagpasyahan ang iyong kaso. Pagkatapos ay humiling ng pinabilis na pagdinig at ibigay ang sulat kasama ng kahilingan mo para sa pagdinig.
Para sa mga miyembro ng SFHP Care Plus, maaaring tawagan ang Health Insurance Counseling and Advocacy Program (HICAP) sa 1(800) 434-0222. Maaring tawagan ang Medicare Medi-Cal Ombudsman Program sa 1(855) 501-3077. Maaari ring tawagan ang Medicare sa 1-800-MEDICARE (1-800-633-4227). Dapat tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa 1(877) 486-2048.
Mahalagang Mensahe mula sa Department of Managed Health Care
Responsibilidad ng Department of Managed Health Care ng California ang pagkontrol sa mga plano ng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kayong karaingan laban sa inyong planong pangkalusugan, dapat muna ninyong tawagan ang inyong planong pangkalusugan sa