Mga ID Card
Nag-iisyu ang San Francisco Health Plan ng ID Card sa bawat Miyembro. Kapag natanggap mo na ang iyong Member ID Card, suriin ang lahat ng impormasyon upang tiyaking tama ang mga ito. Maaaring ipadala sa iyo ang isang bagong ID Card nang wala kang babayaran kung:
- May anumang impormasyon na mali
- Nawalan o nanakaw ang iyong card
- Nagpalit ka ng iyong provider ng pangunahing pangangalaga
- Nagbago ang iyong address o iba pang impormasyon
Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.