1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin





Mga Karapatan at Responsibilidad sa Pag-alis sa Pagkakatala

Kailan Namin Dapat Wakasan Ang Iyong Membership

Ayon sa batas, hindi ka maaaring alisin ng SFHP Care Plus sa plano para sa anumang dahilan dahil sa kalagayan ng iyong kalusugan. Kung naniniwala kang winakasan nang hindi patas ang iyong membership, maaari kang tumawag sa Medicare 24/7 para sa tulong:

  • 1-800-MEDICARE (1-800-633-4227)
  • TTY: 1-877-486-2048

Magwawakas ang membership kung:

  • Wala ka nang Medicare Part A at/o Part B.
  • Mawawala ang pagiging kwalipikado mo sa Medi-Cal sa pamamagitan ng San Francisco Health Plan (awtomatiko kang ibabalik ng estado sa Orihinal na Medicare).
  • Aalis ka sa aming sineserbisyuhang lugar (San Francisco County) nang mahigit 6 na buwan.
  • Nasa bilangguan ka.
  • Magiging ilegal ang pananatili mo sa U.S.
  • Magbigay ka ng mali o hindi kumpletong impormasyon tungkol sa iba pang saklaw sa inireresetang gamot na maaaring mayroon ka.

Maaaring magwakas ang membership (nang may pag-apruba sa Medicare/Medi-Cal) kung:

  • Sadya kang magbibigay ng maling impormasyon kapag sumasali sa plano na nakakaapekto sa iyong pagiging kwalpikado.
  • Nagagambala ang pangangalaga para sa iba pang miyembro at nahihirapan kaming magbigay ng mga serbisyo dahil sa kasalukuyan mong pag-uugali.
  • Ipapagamit mo sa ibang tao ang iyong ID card bilang miyembro ng SFHP Care Plus.

Kung magwawakas ang iyong membership dahil sa mga ito, maaaring humiling ang Medicare ng pagsusuri mula sa Inspector General.

Paano Maiwasan ang Pag-alis sa Pagkakatala

  • Ipaalam sa Serbisyo sa Customer kung lalabas ka sa San Francisco County nang mas matagal sa 6 na buwan.
  • Iulat kaagad ang anumang pagbabago sa address sa Tanggapan ng San Francisco Medi-Cal.
  • Siguruhing tapusin ang iyong pag-renew sa Medi-Cal bawat taon. Kung kailangan mo ng tulong, tumawag sa:
    • Tanggapan ng San Francisco Medi-Cal upang i-renew ang iyong saklaw sa 1(855) 355-5757 (toll-free).
    • O tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa suporta.

Mga Paraan upang umalis sa pagkakatala sa SFHP Care Plus

  • Maaari mong piliing umalis sa SFHP Care Plus (HMO D-SNP) anumang oras para sa anumang dahilan.
  • Kung magpapasya kang umalis, hihinto ang membership mo sa katapusan ng buwan kung kailan namin matatanggap ang iyong kahilingan.

Makakatanggap ka pa rin ng mga benepisyo ng Medi-Cal sa pamamagitan ng San Francisco Health Plan.

  1. Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus
    • Telepono: 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o 711 (TTY)
    • Mga Oras na Bukas: Bukas kami nang 8:00am-8:00pm, pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso. Sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.
    • Mag-email sa: [email protected]
  2. Padalhan kami ng nilagdaang kahilingan
    Maaari kang magpadala ng liham sa SFHP Care Plus Member Eligibility sa:

    SFHP Care Plus Member Eligibility
    ATTN: Member Eligibility
    PO Box 194247
    San Francisco, CA 94119

    Form sa Pag-alis sa Pagkakatala sa SFHP Care Plus

  3. Sumali sa ibang plano
    Kung sasali ka sa ibang plano ng Medicare Advantage, awtomatiko kang maaalis sa pagkakatala sa SFHP Care Plus. Maaari kang umalis sa pagkakatala sa SFHP Care Plus anumang oras sa buong taon. Gayunpaman, nakadepende sa mga timeframe at dahilan kung kailan ka maaaring magpalit ng plano ng Medicare Advantage. Basahin ang Handbook na Medicare and You sa Medicare.gov para sa higit pang impormasyon.

Pangangalaga sa Panahon ng Iyong Paglipat

Kung tumatanggap ka ng pangangalaga sa labas ng network ng SFHP Care Plus bago magkabisa ang iyong pag-alis sa pagkakatala, maaaring kailanganin mong bayaran ang mga gastos kung hindi sisingilin ng provider ang SFHP Care Plus. Upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang singil sa iyo, tumawag sa Serbisyo sa Customer upang kumpirmahin ang petsa ng iyong pag-alis sa pagkakatala bago ka magpa-appointment sa labas ng aming network.

Kailangan ng Suporta?
Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus:

  • Telepono: 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o 711 (TTY)
  • Mga Oras na Bukas: Bukas kami nang 8:00am-8:00pm, pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso. Sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.
  • Mag-email sa: [email protected]
×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.