1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin





Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo ng SFHP Care Plus para sa Iyong Mga Pangangailangan sa Kalusugan

Sa SFHP Care Plus, walang buwanang premium o deductible. Pinagsasama ng SFHP Care Plus ang iyong mga benepisyo at serbisyo sa Medicare at Medi-Cal at nagbibigay ito ng mga LIBRENG karagdagang benepisyo.

Bilang miyembro, tutulungan ka ng aming pangkat na ganap na maunawaan ang iyong coverage at titiyakin nilang masusulit mo ang iyong plano. Gamit lang ang isang card at isang numero ng telepono, makukuha mo na ang pangangalaga at suportang kailangan mo.


Buod ng Mga Benepisyo

Iniaalok ang aming mga karagdagang benepisyo para makatulong na mapanatili kang malusog.

Mga pagpapatingin sa doktor at ospital
  • $0 na copay at $0 na deductible para sa mga pagpapatingin sa doktor at ospital
Mga inireresetang gamot
  • $0 na copay para sa mga gustong generic at piling saklaw na gamot para makontrol ang mga hindi gumagaling na kundisyon gaya ng mataas na presyon ng dugo at diabetes
  • Malalapat ang mabababang copay sa iba pang saklaw na generic at branded na gamot
Over-the-Counter SFHP Care Plus Card*
  • $150/quarter para sa ilang piling over-the-counter na produkto
  • Kasama sa mga item na saklaw sa ilalim ng benepisyong ito ang:

    • Aspirin
    • Mga bitamina
    • Gamot sa sipon at ubo
    • Mga pangbenda
    • At marami pang iba
Pangangalaga sa ngipin
  • $0 na gastusin para sa mga regular na check-up sa ngipin, kabilang ang mga paglilinis at x-ray
  • $0 na gastusin para sa pustiso (fixed at naalis) at mga crown
  • Maaaring saklawin ang mga karagdagang serbisyo sa ilalim ng Medi-Cal Dental
Pangangalaga sa paningin
  • $0 na taunang regular na pagsusuri sa mata
  • $300 para sa mga pinagsamang frame/lens (taunang benepisyo)
Pangangalaga sa pandinig
  • $0 na taunang regular na pagsusuri sa pandinig
  • Mga pagsusuri at pagsusukat para sa mga hearing aid
  • Hanggang $2,000 para sa pinagsamang mga hearing aid para sa magkabilang tainga (taunang benepisyo)
Acupuncture
  • $0 na copay para sa hanggang 24 na pagbisita para sa acupuncture kada taon
Chiropractic
  • $0 na copay para sa hanggang 12 pagbisita para sa chiropractic kada taon
Mga dagdag na benepisyo para sa mga miyembrong may diabetes at/o pangmatagalang pagpalya ng puso (SSBCI)**
  • $20/buwan para sa masusustansyang pagkain/grocery kada taon
  • $20/buwan para sa mga utilidad (kuryente, tubig, heating, atbp.)
  • 24 na one-way na biyahe (simbahan, recreation center, grocery, tindahan, atbp.)

*Gamitin ang iyong SFHP Care Plus Card sa mga tindahan na tumatanggap nito, o mag-order online para sa home delivery.
**Ang mga benepisyo ng SSBCI ay bahagi ng isang espesyal na karagdagang programa para sa may malalang sakit. Hindi lahat ng miyembro ay kwalipikado.


Mga Gastos para sa Mga Serbisyo ng Provider na Nasa Network*

Sinasaklaw ng aming plano ang taunang wellness visit upang mapahusay ang iyong plano sa pangangalaga at makatulong sa pag-iwas sa sakit. Binabayaran namin ito nang isang beses kada 12 buwan.

Iniaalok namin ang lahat ng serbisyo para makaiwas sa sakit na sinasaklaw ng Medi-Cal o Medicare Part A at Medicare Part B, gaya ng mga bakuna laban sa trangkaso at screening para sa kanser. Tiyaking magpapaiskedyul ka ngayon ng iyong taunang wellness visit.

Maaaring may mga panuntunan sa paunang pahintulot. Makipag-ugnayan sa amin para sa mga detalye.

Sinasaklaw ng aming plano ang 90 araw para sa pananatili sa ospital ng inpatient. Sinasaklaw rin ng aming plano ang 60 “panghabambuhay na nakareserbang araw.” Ang mga ito ay ang mga “karagdagang” araw na sinasaklaw namin.

Maaaring may mga panuntunan sa paunang pahintulot.

  • Walang copay para sa mga gustong generic at piling saklaw na gamot para makontrol ang mga hindi gumagaling na kundisyon gaya ng mataas na presyon ng dugo at diabetes
  • Sa programang Karagdagang Tulong ng Medicare, mabababang copay para sa mga generic at branded na gamot
  • Madaling pag-access sa mga gamot sa pamamagitan ng mga parmasya na nasa network o paghahatid sa bahay

May listahan ang aming plano ng mga saklaw na gamot na tinatawag na “listahan ng gamot” para mapaikli. Isinasaad nito sa iyo kung aling mga inireresetang gamot ang sinasaklaw ng aming plano. Kabilang sa mga ito ang mga gamot na ino-order ng iyong provider para sa iyo at nakukuha mo mula sa parmasya. Tingnan ang aming pormularyo ng gamot para makita ang aming kumpletong listahan ng gamot »

  • Mga pagbisita sa emergency room
  • Agarang pangangalaga
  • Transportasyon gamit ang ambulansya (hindi saklaw ang transportasyong hindi pang-emerhensiya)

*Ang karamihan sa mga serbisyo ay ibibigay ng aming mga provider na nasa network. Kung kailangan mo ng serbisyong hindi maibibigay sa loob ng aming network, babayaran ng SFHP Care Plus ang halaga ng isang provider na wala sa network.

Pangangalaga sa labas ng network

Ang pang-emerhensiyang pangangalaga sa labas ng iyong network ay sinasaklaw lang sa United States o mga teritoryo nito.

Sinasaklaw ang agarang pangangalaga sa labas ng iyong network kung nasa labas ka ng aming sineserbisyuhang lugar o kung hindi makatuwirang gumamit ng pangangalagang nasa network.

Kabilang sa mga serbisyo para sa kalusugan ng pag-iisip o pag-uugali ng outpatient ang, pero hindi limitado sa mga sumusunod:

  • Pang-indibidwal at panggrupong pagsusuri at paggamot sa kalusugan ng pag-iisip
  • Mga serbisyo ng Masinsinang Programa para sa Outpatient (Intensive Outpatient Program, IOP)
  • Mga serbisyo ng Programa sa Hindi Ganap na Pagpapaospital (Partial Hospitalization Program, PHP)
  • Sikolohikal na pagsusuri para suriin ang kundisyon ng kalusugan ng pag-iisip, at higit pa

Para sa mga tanong tungkol sa kalusugan ng pag-uugali, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o 711 (TTY).

  • Mga serbisyo ng diagnostic radiology (mga X-ray o iba pang serbisyo ng imaging, gaya ng mga CAT scan o MRI)
  • Mga pagsusuri sa laboratoryo
  • Mga diagnostic na pamamaraan (gaya ng pagsusuri ng dugo)

Maaaring may mga panuntunan sa paunang pahintulot. Makipag-ugnayan sa amin para sa mga detalye.

  • Screening, Pagtatasa, Sandaling Interbensyon at Referral sa Paggamot (Screening, Assessment, Brief Intervention and Referral to Treatment, SABIRT)
  • Mga serbisyo ng Programa sa Paggamot ng Pagkalulong sa Opioid (Opioid Treatment Program, OTP)

Para sa mga tanong tungkol sa kalusugan ng pag-uugali, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o 711 (TTY).

  • Mga departamento ng outpatient ng ospital
  • Occupational therapy
  • Speech language therapy

Ibinibigay ang mga serbisyo ng rehabilitasyon ng outpatient sa maraming pang-outpatient na setting, gaya ng:

  • Mga sariling opisina ng therapist
  • Mga sariling opisina ng therapist
  • Mga Komprehensibong Pasilidad para sa Rehabilitasyon ng Outpatient (Comprehensive Outpatient Rehabilitation Facilities, mga CORF)

Maaaring may mga panuntunan sa paunang pahintulot.

  • Diagnosis at medikal o surgical na paggamot sa mga pinsala at sakit sa paa (gaya ng hammer toe o mga heel spur)
  • Regular na pangangalaga sa paa para sa mga miyembrong may mga kundisyong nakakaapekto sa mga binti, gaya ng diabetes

Maaaring may mga panuntunan sa paunang pahintulot.

Sinasaklaw namin ang lahat ng medikal na kinakailangang DME na karaniwang sinasaklaw ng Medicare at Medi-Cal. Kabilang dito ang, pero hindi limitado sa, mga wheelchair (kasama ang mga de-kuryenteng wheelchair), saklay, at iba pang aprubadong item.

Maaaring may mga panuntunan sa paunang pahintulot.

Hindi kailangan ng paunang pahintulot para sa mga serbisyo sa dialysis na natatanggap sa network. Kailangan ng paunang pahintulot para sa mga serbisyo sa dialysis sa labas ng network.

YMaaari kang makipag-usap sa isang nurse nang 24/7 para sa tulong sa pangangalagang hindi pang-emerhensiya.

Makipag-usap sa isa sa aming mga Espesyalista ng SFHP Care Plus Medicare para masagot ang iyong mga tanong.

Maaari kang sumagot sa isang online na form o tumawag sa amin para magpa-appointment:

1(415) 727-2273, 1(888) 765-7327 (toll-free), o 711 (TTY)
Oktubre–Disyembre: Pitong araw sa isang linggo, 8:00am–8:00pm
JEnero–Setyembre: Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes, 8:00am–5:00pm; Miyerkules, 8:00am–8:00pm

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.