1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin





Acupuncture at Chiropractic na Pangangalaga para Maramdaman mo ang Iyong Pinakamahusay na Kalagayan

Nag-aalok ang SFHP Care Plus ng karagdagang pangangalaga para matulungan kang pangalagaan at pagbutihin ang iyong kalusugan. Naghahanap ng pampawala sa mga pagkirot at pananakit? Ang mga acupuncture at chiropractic na serbisyo ay maaaring maging magandang karagdagan sa iyong patuloy na pangangalagang medikal.

Nagsisimula ang Pinagsama-samang Pangangalaga sa SFHP Care Plus

Bilang Miyembro ng SFHP Care Plus, makakakuha ka ng:

  • Acupuncture na pangangalaga: $0 na copay, hanggang 24 na pagbisita kada taon
  • Chiropractic na pangangalaga: $0 na copay, hanggang 12 pagbisita kada taon

Para sa mga saklaw na serbisyo ng Medicare, maaari mong bisitahin ang network ng chiropractor o acupuncturist ng NEMS. Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) para maging konektado sa isang provider. Tingnan ang iyong Member ID Card para mahanap ang numero ng telepono ng iyong PCP.

Nakikipagtulungan din kami sa American Specialty Health (ASH) para mag-alok ng mga benepisyong higit sa karaniwang coverage ng Medicare. Para makahanap ng provider ng acupuncture o chiropractic ng ASH, bumisita sa sfhp.org/careplus-ash o tumawag sa 1(800) 678-9133 o sa 1(877) 710-2746 (TTY).


Acupuncture: Ano Ito at Paano Pumili ng Provider

Ang acupuncture ay isang tradisyonal na uri ng medisina sa China. Ginagamit nito ang paglalagay ng maliliit na karayom para makatulong sa pagbalanse at pag-aalis ng harang sa daloy ng enerhiya sa mga daluyan sa katawan. Maaari nitong ibsan ang pananakit at bigay-daan ang paghilom.

Ginagamit ang acupuncture para gamutin ang maraming isyu sa kalusugan, tulad ng:

  • Pananakit ng gulugod at kasukasuan
  • Mga pananakit ng ulo
  • Pagduruwal

Hindi sigurado kung ano ang kailangan sa isang acupuncturist? Tanungin ang iyong mga kaibigan at pamilya kung mayroon silang provider na gusto nila. Maaari mo ring gamitin ang checklist sa ibaba para makatulong sa iyong makapagpasya.

Maghanap ng isang propesyonal sa acupuncture na:

  • Lisensyado o sertipikado sa California
  • Nakikinig sa iyo at sumasagot sa mga tanong sa paraang mauunawaan mo
  • Nagre-refer sa iyo sa ibang provider ng pangangalagang pangkalusugan, kung kinakailangan
  • Nirerespeto ka
  • Nakikipagtulungan sa iyo para magtakda ng mga layunin sa kalusugan at plano para suriin ang iyong pag-usad

Para sa higit pang impormasyon sa pagpili ng provider, tingnan ang gabay na ito


Chiropractic: Ano Ito at Paano Pumili ng Provider

Nag-aalok ang mga chiropractor ng paggamot na tinatawag na “adjustment.” Ang adjustment ay kapag minamanipula (ginagalaw) ng isang chiropractor ang iyong mga kasukasuan para iayos ang alignment ng iyong gulugod at mga ugat.

Kasama sa mga karaniwang dahilan para kumuha ng pangangalagang chiropractic ang:

  • Pananakit ng kasukasuan
  • Pananakit ng leeg
  • Pananakit sa ibabang bahagi ng likod

Nakakatulong ang paggamot na maparami ang iba’t ibang paggalaw at mabawasan ang pananakit at pamamaga.

Maraming bagay ang dapat isaalang-alang kapag pumipili ng chiropractor.

Maghanap ng isang chiropractor na:

  • Gagawin ang lahat ng kanyang makakaya para mapabuti ang iyong kalusugan sa isang mahusay na paraan
  • Nagbibigay sa iyo ng payo tungkol sa ehersisyo, pag-uunat, at pustura para maiwasan ang mga problema sa hinaharap
  • Nagsasagawa lang ng X-ray kung kinakailangan, at ipinapaliwanag kung bakit
  • May matibay na ugnayan sa pagtatrabaho sa iba pang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ng lahat ng espesyalidad

Maghanap ng higit pang tip sa pagpili ng chiropractic na provider

Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng suporta, narito ang Serbisyo sa Customer ng SFHP para sa iyo. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm. Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.

I-email: [email protected]

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.