Abiso para sa mga miyembro ng Medi-Cal: Kailangan I-renew ang Iyong Medi-Cal? Mahalaga ang pag-renew ng iyong Medi-Cal nang nasa oras. Makakatulong ang SFHP. Matuto pa.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin





Kumpletong Pangangalaga sa Ngipin para sa Mas Magandang Kalusugan

Isang mahalagang paraan ang pagkakaroon ng malulusog na ngipin at gilagid upang masuportahan ang iyong pangkalahatan kapakanan. Sa SFHP Care Plus, $0 ang babayaran mo para sa mga saklaw na serbisyo sa pangangalaga ng ngipin. Nakikipagtulungan kami sa Liberty Dental at Medi-Cal Dental para maialok ang iyong mga benepisyo sa pangangalaga sa ngipin. Kailangan mo man ng taunang check-up, root canal, o pangangalaga sa pustiso, narito kami para tulungang panatilihing nasa tamang landas ang iyong pangangalaga sa bibig.

Ang Iyong Mga Saklaw na Benepisyo sa Pangangalaga ng Ngipin

Bilang miyembro ng SFHP Care Plus, wala kang babayarang pangangalaga sa ngipin mula sa mga provider ng Medi-Cal Dental o Liberty Dental.

Kabilang sa iyong mga saklaw na serbisyo ang:

  • Isang taunang regular na pagsusuri (paglilinis at mga X-ray)
  • Mga restorative na serbisyo (mga crown at bridge)
  • Pag-rebase ng pustiso
  • Mga serbisyong medikal na kinakailangan sa ngipin (tulad ng mga pagsusuri sa bibig bago ang isang medikal na pamamaraan)

Magbibigay rin ang iyong provider ng pangangalaga sa ngipin ng mga serbisyong sinasaklaw ng Medi-Cal Dental (kailangan ng paunang pahintulot ng ilang serbisyo). Tumawag sa 1(888) 704-9838 (TTY 711) o bumisita sa libertydentalplan.com para maghanap ng provider at matuto pa. Makikita mo rin ang numero ng telepono ng Liberty Dental sa likod ng iyong Member ID Card, sa ilalim ng “Pangangalaga sa Ngipin.”


Matuto Pa Tungkol sa Iyong Coverage sa Pangangalaga sa Ngipin

Mayroon ka pa ring access sa lahat ng serbisyo sa pangangala sa ngipin na sinasaklaw ng Medi-Cal Dental. Para makita ang lahat ng serbisyong sinasaklaw ng Medi-Cal Dental, maghanap ng dentista sa network, o maghain ng karaingan o reklamo, tumawag sa 1(800) 322-6384 (TTY 1(800) 735-2922) o bumisita sa smilecalifornia.org.

Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng suporta, narito ang Serbisyo sa Customer ng SFHP para sa iyo. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm. Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.

I-email: [email protected]

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.