Abiso para sa mga miyembro ng Medi-Cal: Kailangan I-renew ang Iyong Medi-Cal? Mahalaga ang pag-renew ng iyong Medi-Cal nang nasa oras. Makakatulong ang SFHP. Matuto pa.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin





Pangangalaga sa Pandinig para sa Mas Mabuting Kapakanan

Hindi lamang nakakaapekto sa tunog ang pagkawala ng pandinig. Kapag mahina ang pandinig mo, mahirap makasunod sa usapan, magkaroon ng balanse, at maaari rin itong makaapekto sa iyong mental na kakayahan. Kasama ang aming mga partner, nakatuon ang SFHP Care Plus sa pagtulong sa iyo na makakuha ng de-kalidad na pangangalaga sa pandinig para manatiling aktibo at nakikipag-ugnayan sa mga darating na taon.

Ang Iyong Mga Taunang Benepisyo para sa Pangangalaga sa Pandinig

Ang pangangalaga sa iyong pandinig ay kasinghalaga ng pag-aalaga sa iyong paningin, puso, o iba pang bahagi ng kalusugan mo. Sa mas mahusay na pangangalaga sa pandinig, maaari kang manatiling nakikipag-ugnayan sa iba, alerto, at matatag sa iyong pagtindig.

Kasama sa iyong mga benepisyo sa pandinig ng SFHP Care Plus ang:

  • $0 na regular na pagsusuri sa pandinig/balanse
  • Pagsusuri at pagsusukat para sa mga hearing aid
  • Hanggang $2,000 para sa mga hearing aid (para sa dalawang tainga)
Saklaw ang mga hearing aid o katulad na serbisyo kapag inireseta ng isang doktor o iba pang kwalipikadong provider. Kasama sa mga serbisyong ito ang:

  • Mga mold, supply, at insert
  • Mga pagpapaayos
  • Isang panimulang set ng mga baterya
  • Pagrenta ng mga hearing aid sa loob ng panahon ng trial
  • Mga assistive listening device, mga surface-worn bone conduction hearing device
  • Mga serbisyo sa audiology at post-evaluation na nauugnay sa hearing aid

Kanino Makikipag-ugnayan para sa Mga Serbisyo sa Pangangalaga sa Pandinig

Nakikipagtulungan kami sa North East Medical Services (NEMS), University of the Pacific Audiology, at Hearing and Low Vision Solutions para maibigay sa iyo ang kumpletong benepisyo sa pangangalaga sa pandinig. Depende sa iyong mga pangangailangan, makipag-ugnayan sa mga provider sa ibaba para makuha ang kinakailangang pangangalaga:

  • North East Medical Services (NEMS): Makipag-usap sa iyong PCP tungkol sa pangangalaga sa pandinig sa panahon ng iyong Taunang Pagbisita para sa Wellness. Makikita mo ang numero ng telepono ng iyong PCP sa iyong Member ID Card. Para matuto pa tungkol sa pangangalaga sa pandinig ng NEMS, bumisita sa nems.org.
  • University of the Pacific Audiology (UOP): Makakapag-alok ang UOP ng mga serbisyo sa pangangalaga sa pandinig, mula sa mga pagsusuri ng pandinig at balanse hanggang sa suporta sa mga hearing aid. Tumawag sa 1(415) 780-2001 o bisitahin ang hearingclinic.pacific.edu.
  • Hearing and Low Vision Solutions: Tumawag sa 1(415) 742-4440 o bisitahin ang hearsf.com.

Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng suporta, narito ang Serbisyo sa Customer ng SFHP para sa iyo. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm. Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.

I-email: [email protected]

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.