Abiso para sa mga miyembro ng Medi-Cal: Kailangan I-renew ang Iyong Medi-Cal? Mahalaga ang pag-renew ng iyong Medi-Cal nang nasa oras. Makakatulong ang SFHP. Matuto pa.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin





Pamamahala ng Terapiya sa Gamot

Kung umiinom ka ng mga gamot para sa iba pang problema sa kalusugan, pwede kang makakuha ng pangangalaga, nang walang gastos, sa pamamagitan ng programang Pamamahala ng Terapiya sa Gamot (MTM). Matutulungan ka ng programang ito at ang iyong doktor na tiyaking mabisa ang iyong mga gamot upang mapabuti ang iyong kalusugan.

Ang programang MTM ay opsyonal at para lamang sa mga miyembrong magiging kwalipikado. Kung magiging kwalipikado ka, isa-sign up ka namin at padadalhan ka ng mga detalye sa pamamagitan ng koreo. Kung hindi mo gustong mapasama sa programa, sabihin lang sa amin at tatanggalin ka namin. Maaari kang umalis sa programa kung kailan mo gusto.

Sa programang MTM, isang parmasista o iba pang eksperto sa kalusugan ang titingin sa lahat ng iniinom mong gamot at makikipag-usap sa iyo tungkol sa:

  • Paano titiyakin na epektibo sa iyo ang iyong gamot
  • Anumang alalahanin na mayroon ka, tulad ng mga side effect o mga di-magagandang reaksyon
  • Ang pinakamahusay na paraan ng pag-inom ng iyong gamot
  • Anumang tanong na mayroon ka tungkol sa iyong reseta o over-the-counter (OTC) na mga gamot

Pagkatapos ng tawag, makakatanggap ka ng nakasulat na buod ng pinag-usapan ninyo. Kasama rito ang Planong Gagawin sa Paggagamot upang tulungan kang gamitin ang iyong gamot sa pinakamahusay na paraan. Makakatanggap ka rin ng Personal na Listahan ng Gamot na nagpapakita ng lahat ng gamot na iniinom mo at kung bakit mo iniinom ang mga ito. Karaniwan pa, makakatanggap ka ng impormasyon tungkol sa kung paano ligtas na maitatapon ang iyong mga inireresetang gamot na mga kontroladong kemikal.

Kada tatlong taon, posibleng makipag-ugnayan kami sa iyo o sa iyong doktor kung mapansin namin na may mga problema sa mga gamot na iniinom mo. Maaaring makipag-ugnayan kami sa iyo o sa iyong doktor kung may makita kaming anumang problema sa mga gamot na iniinom mo. Ang pag-check na ito ay tinatawag na Targeted Medication Reviews (TMRs), at nakakatulong ang mga ito sa amin na malaman at maayos ang anumang isyu sa iyong mga gamot.


Mga Madalas Itanong (FAQs)

Posibleng maging kwalipikado ka sa programang MTM kung matutugunan mo ang mga tuntunin para sa isa o dalawang grupo na nasa ibaba. Ang programang MTM ay hindi isang benepisyo para sa SFHP Care Plus.

Grupo 1: Magiging kwalipikado ka para sa programang MTM kung matutugunan mo ang lahat ng tuntunin na nasa ibaba:

Mayroon kang hindi bababa sa 3 sa mga hindi gumagaling na sakit:

  • Alzheimer’s Disease
  • Sakit sa buto at pamamaga ng kasu-kasuan
  • Hindi gumagaling na pagpalya ng puso (CHF)
  • Diabetes
  • Dyslipidemia (mataas na kolesterol)
  • Nasa huling yugto ng sakit sa bato
  • Human immunodeficiency virus/Acquired immunodeficiency syndrome (HIV/AIDS)
  • Altapresyon (mataas na presyon ng dugo)
  • Mga kundisyon ng kalusugan sa isip
  • Hika, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), o iba pang hindi gumagaling na mga problema sa baga

Umiinom ka ng di bababa sa 8 iba’t ibang maintenance na gamot

Ikaw ay malamang na gumastos ng di-bababa sa $1,276 sa sinasaklaw na Medicare Part D na mga gamot sa taong 2026

Group 2: Kwalipikado ka para sa programang MTM kung alinman sa mga sumusunod ay angkop sa iyo:
  • Itinuturing kang nasa high risk na magkaroon ng mga side effect o overdose dahil sa imiinom ka ng mataas na dami ng (mga) gamot na opioid. Marahil dahil ito sa natatanggap mong mga reseta mula sa mahigit sa isang doktor o pinupunan ito sa iba’t ibang parmasya; o
  • Mayroon kang kamakailang kasaysayan ng pagka-overdose na nauugnay sa opioid.
  • Kung maging kwalipikado ka para sa programang MTM, awtomatikong isa-sign up ka. Makakatanggap ka ng liham ng pagbati sa pamamagitan ng koreo na nagpapaliwanag kung paano gumagana ang programa at kung paano hihiling ng pagsusuri ng iyong mga gamot. Sasabihin din sa iyo sa sulat kung paano mo ligtas na maitatapon ang anumang hindi nagamit na mga inireresetang gamot. Ang programang MTM ay libre para sa mga miyembro ng SFHP Care Plus na magiging kwalipikado.

Kung hindi mo gustong mapabilang sa programang MTM, ipaalam ito sa amin at tatanggalin ka namin sa programa. Maaari kang umalis sa programa anumang oras.

Kung matutugunan mo ang mga batayan para sa programang MTM , awtomatiko kang maitatala sa programa. Makakatanggap ka ng liham ng pagbati para sa programang MTM. Ipapaliwanag sa liham ang programa at sasabihin sa iyo kung paano hihiling ng pagrepaso ng iyong mga gamot kasama ng isang parmasyutiko o iba pang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na tinatawag na Comprehensive Medication Review (CMR).

Upang mag-iskedyul ng iyong CMR, kumpletuhin at ibalik ang form na natanggap na kasama ng iyong liham ng pagbati na nasa loob ng sobreng may bayad na selyo. Lalo nang kapakipakinabang ang pagsusuring ito kung makukumpleto ito bago ka magpatingin sa iyong provider para sa iyong taunang pagpapatingin na pangkalusugan.

Ang CMR ay isahang pag-uusap sa telepono sa pagitan mo o ng iyong awtorisadong kinatawan at ng parmasyutiko o iba pang propesyonal sa kalusugan. Sa panahon ng CMR, susuriin ng pasyutiko ang lahat ng gamot na iniinom mo, kasama na ang mga reseta, gamot na over-the-counter (OTC), herbal na supplement, at sampol. Magsusulat ang parmasyutiko ng Personal na Listahan ng Gamot PML) paano iinumin ang iyong mga gamot at ipapaliwanag kung bakit mo iniinom ang bawat gamot.

Pag-uusapan din ninyo ang mga layunin kung bakit mo iinumin ang mga gamot at ang anumang mga problema o tanong na mayroon ka. Mangyaring maghintay ng di-bababa sa tatlumpung minuto para sa iyong CMR. Nakadepende sa maraming salik ang panahong kailangan upang marepaso ang lahat ng iyong gamot, at posibleng tumagal ito. Pagkalipas ng CMR, makakatanggap ka ng follow-up na liham na naglalaman ng Planong Gagawin sa Paggagamot na naglalaman ng detalye ng inyong pag-uusap kasama ng pasyutiko, kasama ng iyong Personal na Listahan ng Gamot.

Kahit hindi mo makumpleto ang CMR, rerepasuhin ng programang MTM ang iyong mga gamot kada tatlong buwan bilang bahagi ng Targeted Medication Review (TMR). Tumutulong ang mga TMR na matukoy ang espesipiko o potensyal na mga problema mula sa iyong mga gamot. Kung makakita kami ng mga isyu sa mga gamot na iniinom mo, makikipag-ugnayan kami sa iyo, sa iyong awtorisadong kinatawan, o sa iyong doktor.

Oo, Pagkatapos ng pagrepaso, makakakuha ka ng nakasulat na buod ng talakayang ito. Naglalaman ang buod ng Planong Gagawin sa Paggagamot na nagrerekumenda ng kung ano ang pwede mong gawin upang lubos na mapakinabangan ang iyong mga gamot. Makakatanggap ka rin ng Personal na Listahan ng Paggagamot na naglalaman ng lahat ng gamot na iniinom mo at kung bakit mo iniinom ang mga ito.


Pagiging Naa-access

Maaari kang humingi ng mga materyal nang libre sa ibang format, gaya ng malaking pag-print, Braille, o audio. Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para sa tulong.

Kung mas komportable kang makipag-usap sa ibang wika maliban sa Ingles, makakatulong sa iyo ang SFHP Care Plus. Ikaw man ay nakikipag-ugnayan sa SFHP o bumibisita sa isang doktor, mayroon kaming available na mga interpreter. Sabihin sa iyong doktor na gusto mong magkaroon ng interpreter para sa iyong pagbisita.

  • Makakakuha ka ng interpreter nang harapan o sa telepono nang libre. Kabilang dito ang American Sign Language.
  • Kapag pumupunta ka sa doktor, available ang mga interpreter 24 na oras sa isang araw.
  • Maaari kang humiling ng mga materyal na nakasulat sa ibang wika.

Paano ako makakakuha ng interpreter?

Sabihin sa opisina ng iyong doktor na gusto mong makakuha ng interpreter. Maaari mo itong gawin kapag tumatawag ka para magsaayos ng iyong susunod na pagbisita. Maaari ka ring humiling sa amin ng isang interpreter o naisalin nang mga materyal.

Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng suporta, narito ang Serbisyo sa Customer ng SFHP para sa iyo. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm. Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.

I-email: [email protected]

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.