Mga Serbisyo sa Parmasya at Maghanap ng Parmasya
Mga Materyal ng Parmasya
Mga Reseta
Bahagi ng iyong mga benepisyo ang mga inireresetang gamot. Kung kailangan mo ng gamot, magsusulat ng reseta ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) para sa iyo.
Upang makuha ang iyong gamot, ipakita ang iyong ID Card ng Miyembro ng SFHP Care Plus at ang iyong reseta sa parmasya na bahagi ng network ng SFHP Care Plus. Maaari ding direktang ipadala ng iyong doktor ang reseta sa parmasya na pipiliin mo.
Upang masaklaw ng SFHP Care Plusang iyong gamot, dapat kang:
- Gumamit ng parmasya na nasa network ng SFHP Care Plus.
- Tiyakin na ang gamot ay nasa Listahan ng mga Saklaw na Gamot (Pormularyo). Ito ay listahan ng mga aprubadong gamot.
- Kung wala sa listahan ang iyong gamot, posibleng saklawin pa rin ito kung hihiling ang iyong doktor ng Paunang Awtorisasyon.
- Sundin ang anumang tuntunin o limitasyon sa paggamit ng gamot.
Humanap ng Parmasya
Bilang miyembro ng SFHP Care Plus , mayroon kang access sa mga parmasya sa San Francisco pati na sa mahigit 300 iba pang parmasya sa ating limang nakapalibot na county (Marin, Contra Costa, Alameda, Santa Clara, at San Mateo). Nag-aalok din ang SFHP Care Plus ng opsyon na Mail Order para sa iyong kaalwanan. Maghanap ng mga parmasya o tingnan ang naipi-print na direktoryo.

Real Time na Tool sa Benepisyo
Gamitin ang aming Real Time na Tool sa Benepisyo para makakuha ng pagtataya sa kung ano ang iyong babayaran para sa mga gamot at kung may iba pang opsyon sa gamot na puwedeng gamutin ang parehong kundisyon. Bisitahin ang aming Portal ng Miyembro para tingnan ang iyong kasalukuyang impormasyon ng benepisyo sa parmasya. Para gumawa ng bagong account (o mag-log in sa iyong kasalukuyang account), pumunta sa sfhp.org/careplus-portal.
Karagdagang Tulong na Subsidy sa May Mababang Kita (Low-Income Subsidy, LIS)
Kwalipikado ang karamihan sa mga miyembro ng Medi-Cal para sa Subsidy sa May Mababang Kita (Low-Income Subsidy, LIS o Karagdagang Tulong). Tumutulong ang LIS sa mga gastos sa inireresetang gamot sa Bahagi D.
Kung kwalipikado ka para sa alinman sa mga programa sa ibaba, magiging kwalipikado ka para sa karagdagang tulong sa pamamagitan ng LIS:
Kapag sumali ka sa SFHP Care Plus, awtomatiko kang maitatala sa programang LIS. Alamin pa ang tungkol sa programang Karagdagang Tulong sa ssa.gov/medicare/part-d-extra-help.
Depende sa iyong pagiging kwalipikado sa LIS, nakalista sa ibaba ang iyong bahagi sa gastos sa taong 2026 para sa mga saklaw na gamot ng Care Plus:
| LIS 1 | LIS 2 | LIS 3 | |
|---|---|---|---|
| Tier 1 – Gustong Generic | $0 | $0 | $0 |
| Tier 2 – Generic | $5.10 | $1.60 | $0 |
| Tier 3 – Gustong Branded | $12.65 | $4.90 | $0 |
| Tier 4 – Hindi Gustong Generic at Branded | $5.10 generic $12.65 brand |
$1.60 generic $4.90 brand |
$0 |
| Tier 5 – Espesyal | $5.10 generic $12.65 brand |
$1.60 generic $4.90 brand |
$0 |
| Tier 6 – Piling Pangangalaga | $0 | $0 | $0 |
Kung walang updated na impormasyon ang Medicare tungkol sa kung kwalipikado ka para sa Karagdagang Tulong na Subsidy sa May Mababang Kita, maaari kang masingil nang higit sa nararapat. Binibigyang-daan ng patakarang Pinakamainam na Magagamit na Katibayan (Best Available Evidence, BAE) ng Medicare ang SFHP Care Plus na gumamit ng kasalukuyang impormasyon para malaman kung makakakuha ka ng Karagdagang Tulong. Alamin ang higit pa tungkol sa patakarang BAE mula sa Medicare dito.
Proseso ng Karaingan at Apela ng Miyembro
Kung gusto mong magsampa ng karaingan o apela, bumisita sa Medicare.gov o sa page ng Karaingan at Apela.