Abiso para sa mga miyembro ng Medi-Cal: Kailangan I-renew ang Iyong Medi-Cal? Mahalaga ang pag-renew ng iyong Medi-Cal nang nasa oras. Makakatulong ang SFHP. Matuto pa.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin





Karagdagang Benepisyo para sa Mga Miyembrong may Mga Hindi Gumagaling na Kondisyon

Nag-aalok ang SFHP Care Plus ng mga karagdagang benepisyo para sa mga miyembrong may mga hindi gumagaling na kondisyon para makatulong sa iyo na maramdaman ang pinakamahusay mong kalagayan at matugunan ang iyong mga layuning pangkalusugan at panlipunan. Kung kwalipikado ka, maaari kang makakuha ng suporta para sa pagkain, pabahay, mga utilidad, at transportasyon. Kilala ang mga benepisyong ito bilang Mga Espesyal na Karagdagang Benepisyo para sa may Hindi Gumagaling na Sakit (SSBCI).

Sino ang mga kwalipikado para sa SSBCI?

Dahil ang SSBCI ay isang espesyal na programa para sa mga miyembrong may hindi gumagaling na sakit, hindi lahat ng miyembro ng SFHP Care Plus ay kwalipikado.

Para maging kwalipikado sa mga karagdagang benepisyong ito, dapat kang:

  • Magkaroon ng isa o higit pang komplikadong hindi gumagaling na kondisyon na lubos na nakakaapekto sa iyong kalusugan
  • Magkaroon ng mataas na panganib na maospital o iba pang masamang resulta sa kalusugan
  • Mangailangan ng karagdagang koordinasyon ng pangangalaga

Dapat magkaroon ang mga nagpatala ng isa sa mga sumusunod na hindi gumagaling na kondisyon para maging kwalipikado

  • Hindi gumagaling na karamdaman dahil sa labis na pag-inom ng alak at iba pang karamdaman sa paggamit ng substance (mga SUD)
  • Hindi gumagaling na gastrointestinal na sakit
  • Pagkatapos ng pag-transplant ng organ
  • Mga autoimmune disorder
  • Hindi gumagaling na sakit sa bato (CKD)
  • Mga Immunodeficiency at Immunosuppressive na karamdaman
  • Kanser
  • Malulubhang hematologic na karamdaman
  • Mga kondisyong nauugnay sa kapansanan sa pag-iisip
  • Mga cardiovascular disorder
  • HIV/AIDs
  • Mga kondisyon na may mga kahirapan sa pagkilos
  • Hindi gumagaling na pagpalya ng puso
  • Mga hindi gumagaling na sakit sa baga
  • Mga hindi gumagaling na kondisyon na nagpapahina sa paningin, pandinig (pagkabingi), panlasa, pandama, at pang-amoy
  • Mga hindi gumagaling at nagdudulot ng kapansanan na kondisyon sa kalusugan ng pag-iisip
  • Mga kondisyong nangangailangan ng mga tuloy-tuloy na serbisyo ng therapy para mapanatili ang pag-function ng mga indibidwal.
  • Dementia
  • Diabetes mellitus
  • Mga neurologic na karamdaman
  • Sobra sa timbang, obesidad, at metabolic syndrome
  • Stroke

Kung mayroon kang isa sa mga kondisyong nakalista sa itaas, maaari kang maging kwalipikado para sa SSBCI. Makipag-ugnayan sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) para matuto pa. Matutulungan ka nilang maikonekta sa mga benepisyo at makuha ang pangangalagang kailangan mo. Para mahanap ang numero ng telepono ng iyong PCP, tingnan ang iyong Member ID Card. Matuto pa tungkol sa kung paano mahanap ang mahalagang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa iyong Member ID Card.


Ano ang Mga Benepisyong Sinasaklaw?

Kung magiging kwalipikado ka para sa SSBCI, makakakuha ka ng mga karagdagang benepisyo para sa masustansyang pagkain, upa/mga utilidad, at transportasyon:

  • $20/buwan para sa masusustansyang pagkain/grocery
    • Hindi nagro-rollover ang mga hindi nagamit na buwanang pondo
    • Gamitin ang SFHP Care Plus OTC Card mo sa mga kalahok na lokal na tindahan
  • $20/buwan para sa mga utilidad (kuryente, tubig, heating, atbp.)
    • Hindi nagro-rollover ang mga hindi nagamit na buwanang pondo
    • Gamitin ang SFHP Care Plus OTC Card mo kapag nagbabayad ng mga bayarin sa utilidad online o sa telepono
  • 24 na one-way na biyahe papunta sa mga lokasyong hindi pangkalusugan (simbahan, mga recreation center, tindahan ng grocery, atbp.)
    • Dagdag ang benepisyong ito sa iyong benepisyo sa transportasyon ng Medi-Cal

Ilalagay ang mga pondo para sa pagkain at upa/mga utilidad sa iyong SFHP Care Plus OTC Card kada buwan. Ito ang parehong card na gagamitin mo para bumili ng mga aprubadong over-the-counter na produkto tulad ng mga benda, aspirin, at gamot sa sipon. Matuto pa tungkol sa iyong SFHP Care Plus OTC Card dito.

Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng suporta, narito ang Serbisyo sa Customer ng SFHP para sa iyo. Tumawag sa 1(415) 539-2273, 1(833) 530-7327 (toll-free), o sa 711 (TTY), 8:00am–8:00pm. Bukas kami pitong araw sa isang linggo mula Oktubre–Marso, at sarado kami tuwing Sabado at Linggo mula Abril–Setyembre.

I-email: [email protected]

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.