Makakuha ng 24/7 na Pangangalaga sa Kahit Saan gamit ang Teladoc
Kailangan ba ninyo ng pangangalaga pagkatapos ng mga oras ng trabaho? Gusto ba ninyo ng tulong sa isang hindi pang-agarang problema sa kalusugan at hindi ninyo kayang magpatingin sa doktor nang personal?
Sa Teladoc, makakakuha kayo ng 24/7 na pangangalaga sa pamamagitan ng telepono, video, o app sa smartphone. Makatipid sa biyahe para sa pagkuha ng agarang pangangalaga o pagpunta sa ER. Makipag-usap sa isang doktor sa inyong wika at makakuha ng tulong sa parehong araw.
Mabilis at Online na Pangangalaga Kapag Kailangan Ninyo Ito
Ang inyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang pangunahing doktor mo. Siya ang dapat na una ninyong tatawagan para makakuha ng pangangalaga. Pero ano ang mangyayari kapag hindi ninyo kayang bumisita sa iyong PCP?
Makakatulong ang Teladoc kung:
- Hindi ninyo kayang magpatingin sa doktor nang personal
- Nangangailangan kayo ng pangangalaga pagkatapos ng mga oras ng trabaho
- Nangangailangan kayo ng pangangalaga habang wala kayo sa San Francisco
Nag-aalok ang Teladoc ng mga pagpapatingin sa parehong araw sa mga may kasanayang doktor. Maaari kayong makakuha ng online na pangangalaga kung saan at kailan ninyo ito kailangan.
Humingi ng tulong sa mga karaniwang isyu sa kalusugan at hindi pang-agarang problema sa kalusugan tulad ng:
- Mga allergy
- COVID-19
- Trangkaso
- Mga impeksyon sa sinus
- Mga pananakit ng lalamunan
- Pink eye
- Mga pamamantal
- Stress, depresyon, at pagkabalisa
Puwedeng ma-diagnose at magamot ng mga doktor ng Teladoc ang mga isyu sa kalusugan. Puwede rin silang mag-order ng gamot para sa inyo.
Paano I-set Up ang Inyong Account sa Teladoc
Handa na ba kayong makakuha ng libre at online na pangangalaga? Mayroong dalawang bagay na kailangan ninyong gawin para makapagsimula:
- Mag-sign Up sa Teladoc
Puwede kayong mag-sign up sa pamamagitan ng isa sa 3 madaling paraan na ito:- Bisitahin ang website ng Teladoc.
Mag-sign up online sa teladoc.com/sfhp. - I-download ang Teladoc® mobile app.
Mag-scroll pababa para malaman kung paano ninyo mada-download ang app sa apat na madaling hakbang. - Tumawag sa Teladoc sa 1(800) 835-2362.
Nagsasalita ba kayo ng ibang wika bukod sa English? Tumawag sa Teladoc para mag-sign up. Matutulungan nila kayo sa wikang sinasalita ninyo.
- Bisitahin ang website ng Teladoc.
- Punan ang Kasaysayan ng Kalusugan Ninyo
Para tapusin ang pag-sign up para sa Teladoc, punan ang nakaraan ninyong impormasyon sa kalusugan. Dapat ninyo itong punan bago kayo makipag-usap sa doktor ng Teladoc. Tiyaking i-update ito bawat taon.
Susuriin ng mga doktor ng Teladoc ang nakaraan ninyong impormasyon sa kalusugan bago ang inyong pagpapatingin. Makakatulong ito sa kanila na mabigyan kayo ng pinakamahusay na pangangalaga.
May mga tanong o kailangan ng tulong?
Matutulungan kayo ng Teladoc na:
- Mag-sign up
- Matuto kung paano gamitin ang app
- Punan ang kasaysayan ng kalusugan ninyo
Tumawag sa Teladoc sa 1(800) 835-2362 para makakuha ng suporta sa inyong wika.
4 na Madaling Hakbang para Mag-sign Up sa Teladoc App
Pinadadali ng Teladoc App ang pagkuha ng pangangalagang kailangan mo.
- I-download ang app
Pumunta sa Apple App Store o Google Play at hanapin ang “Teladoc.” - Mag-sign up
Piliin ang “Magparehistro” sa app. - Ilagay ang pangunahing impormasyon
Magbigay ng ilang detalye tungkol sa sarili mo upang matiyak na kwalipikado ka. - Gawin ang account mo
Handa na! Handa ka nang makakuha ng pangangalaga sa Teladoc.
Kung kailangan mo ng tulong, maituturo sa iyo ng Teladoc kung paano i-download at simulang gamitin ang app. Tumawag sa 1(800) 835-2362 para makahingi ng tulong sa iyong wika.
Paano Magpa-appointment
Sa Teladoc, puwede kayong makipag-usap sa mga doktor na nagsasalita ng wika ninyo nang 24/7.
- Mag-log in sa inyong account sa teladoc.com/sfhp o buksan ang Teladoc mobile app
- I-click ang button na “Humiling ng Pagpapatingin”
- Sagutin ang mga tanong tungkol sa mga pangangailangan ninyo sa kalusugan
- Tumawag sa Teladoc kung kailangan ninyo ng tulong
Kung mayroong kayong anumang isyu o katanungan, puwede kayong tumawag anumang oras sa 1(800) 835-2362 para sa tulong sa pagpapaiskedyul ng pagpapatingin.
Anong Uri ng Pangangalaga ang Kailangan Ko?
Hindi sigurado kung ano ang dapat gawin o kung anong uri ng pangangalaga ang kailangan ninyo? Tumawag muna sa Linya para sa Payo ng Nurse. Puwede kayong makipag-usap sa isang rehistradong nurse nang 24/7 sa wikang ginagamit mo.
Matutulungan nila kayo kung:
- Hindi kayo sigurado kung magpapatingin kayo sa inyong doktor, sa Teladoc, o pupunta kayo sa agarang pangangalaga o sa ER
- Mayroon kayong mga tanong tungkol sa mga sintomas, gamot, o susunod na hakbang
- Kailangan ninyo ng payo para magsimulang bumuti ang pakiramdam sa bahay
Tumawag sa 1(877) 977-3397 (TTY 711) para makahingi ng tulong ngayon.
Kailangan ng Tulong sa Iyong Telepono o Computer?
Gustong matuto pa tungkol sa paggamit ng iyong telepono, tablet, o computer? Maraming programa sa San Francisco na makakatulong. Tingnan ang mga grupo sa ibaba para makahanap ng mga workshop tungkol sa tech, suporta, at higit pa.
- Nag-aalok ang SF Connected ng mga klase at workshop tungkol sa tech para sa mga mas nakatatanda. Nag-aalok sila ng mga klase sa English, Chinese, Spanish, Russian, at Vietnamese. Bisitahin ang kanilang website o tumawag sa 1(415) 355-6700 para matuto pa.
- Makakatulong sa iyo ang Community Living Campaign na bumuo ng mga kasanayan sa paggamit ng iyong telepono at iba pang device. Nag-aalok sila ng mga personal at online na klase sa pamamagitan ng Neighborhood Tech Connect. Ang kanilang klase ay nasa English, Chinese at Spanish.
- Nag-aalok ang Curry Senior Center ng suporta sa tech at pagsasanay sa mga digital na kasanayan. Nag-aalok sila ng tulong sa English, Cantonese, at Vietnamese.
- Nag-aalok ang Felton Tech Squad ng one-on-one at panggrupong pagsasanay ng mga kasanayan sa tech. Pumunta sa kanilang website o tumawag sal 1(415) 474-1558 para matuto pa.
- Nag-aalok ang Self Help for the Elderly ng mga libreng workshop at pagsasanay ng mga kasanayan sa tech sa pamamagitan ng SF Connected. Bisitahin ang kanilang website o tumawag sa 1(415) 781-9919 para matuto pa.